Kung mag-iinarte ka, bakit di ka nalang nagStar Magic?

589 7 1
                                    

   “Konting urong lang po! Siyaman yan!”

     Sigaw ng drayber ng jeep habang papasok ang babaeng may mala balyenang pangangatawan. Napakamalas nga naman at sa linya ng kinauupuan ko pa umupo ang babaeng iyon. Kaya naman nagmistula kaming sardinas sa sikip. Tanghaling tapat pa naman kaya lalong uminit.

“Badtrip!” bulong ko sa aking sarili. Nagmamantika na kasi ang katawan ko sa tindi ng banas na nararamdaman ko. Lalo pa akong nainis ng mag-inarte si Ateng Balyena.

“Ang sikip naman!” aniya. “Dyusme! Luge pa siya?” sa isip-isip ko. Eh samantalang siya ang nagpasikip, katumbas nya ay dalawang katao.

Bakas sa mukha ng mga pasahero ang pagkainis. At ang ilan naman ay halatang natatawa. Samantalang ako, nagtitimpi. Gusto ko kasing sumigaw at magalit dahil ayaw ko sa mga taong nag-iinarte nang wala sa lugar. Ngunit sa halip na magalit ay huminga na lang ako nang malalim.

Biyaheng Pinas (Kwentong Jeepney)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon