Wala sa'kin manibela mo.

269 4 0
                                    

   Pagkababa ko ng jeep ay dali-dali akong tumakbo. Umuwi ako habang palubog na ang araw sa kalangitan at paunti nang paunti na rin ang mga tao sa kalyeng nilalakaran ko. Naghihintay ako ng dyip papuntang San Fernando ngunit puro Malinta lang ang nakaparada't naghihintay ng pasahero.

"Sakay na! Malinta! Malinta! Ate kasya pa oh. dalawa pa! tatlo pa!" 

Sumenyas na nga akong hindi, niyaya pa din niya akong sumakay sa jeep niya.  Kung makasigaw, akala mo di siya makakaandar nang wala ako.

"Aandar na 'to! Aandar na 'to!"

Ano namang paki ko? 

Biyaheng Pinas (Kwentong Jeepney)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon