Aray, ano ba?!

328 5 2
                                    

     Hindi rin nagtagal at nakasakay na ako ng jeep. Ilang minuto ang lumipas. Dudukot na sana ako  ng perang pambayad sa drayber. Nang may mapansin ako. Napakamalas nga naman talaga. Para akong sasakluban ng langit at lupa. Naiiyak ako sa inis. Gusto ko sumigaw at ibuhos ang lahat ng galit ko. Ngunit mas pinili kong manahimik at magtulog-tulugan sa jeep. Naiwanan ko kasi yung bag ko sa school kasama yung pitaka ko. Anong ipambabayad ko sa drayber? Kiss? Patawarin nawa ako ng Diyos sa naisip ko… Ang mag-one-two-three.

   Pero naalala kong may barya pala akong natitira sa bulsa ko. Sa sobrang bait ng katabi ko sa kanan ay hindi ko pa man din iniaabot ang bayad ko, kinuha na agad niya ito sa mga kamay ko. 

   Maya-maya ay parang may humahampas sa mukha ko. Naiinis ako sa katabi ko sa kaliwa na babaeng feeling commercial model ng shampoo kung ipatangay sa hangin ang buhok. Walang pakialam kahit na ang mga katabi niya ay hirap na hirap na sa pag-iwas sa paghampas nito sa mukha nila. Hindi na ako nakapagpigil. Hinila ko na ang buhok niya sabay sabing "Ay. Sorry! Akala ko buhok ko yun e." 

   Hindi pa rin ito nakadama ng hiya kaya naman sinumpong na ko. Kinalabit ko na upang sabihan ng "Excuse me, hindi ako kumakain ng buhok."

Biyaheng Pinas (Kwentong Jeepney)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon