Abot Bayad

420 3 0
                                    

     Hirap tuloy ako dumukot ng pamasahe sa bulsa ko dahil sa sikip. Nang makuha ko na ang aking pera ay iniabot ko ito sa drayber. “Manong, bayad po, estudyante lang po.” Ilang segundo na ang lumipas ngunit wala pa ring pasahero ang nagkukusang loob na kunin at iabot ang pamasahe ko sa drayber. Napansin ito ni Manong kaya naman nagsalita siya “Pakiabot na lang po.” Kinuha ito ng matandang lalaki at pilit na iniabot sa drayber.

     “Haaaaayyy!” Isang malakas na buntong hininga ko ulit. Nakakainis kasi ang mga pasaherong nasa bandang unahan na malapit sa drayber. Walang pagkukusa. Halata naman na tinatamad lang sila iabot ang bayad ko, sa lakas ba naman ng boses ko ay sigurado akong narinig nila ang sinabi ko. Sana kung ayaw nilang mag-abot ng bayad ay hindi sana sila pumwesto doon. Hindi naman nakamamatay ang pag-aabot ng bayad.

At maya-maya pa'y nag-abot na rin ang isang pasahero ng kaniyang bayad. Ito ang nakakainis sa ibang pasahero. Kung magbayad, akala mo may kasamang katulong kung makapag-utos at hindi man lang marunong magpasalamat. Hello?! Nakikisuyo na nga lang siya, wala pang pakiusap. Akala mo donya yung tono ng salita niya habang nag-aabot ng bayad sabay suot ng shades at tingin sa malayo. "Aba! Kung pinagmamalaki mong mayaman ka, ba't di ka mag-taxi?" Pagpaparinig ko sa loob ng dyip. Higit sa lahat, wala naman akong kumisyon sa pag-aabot ng bayad niya.

Biyaheng Pinas (Kwentong Jeepney)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon