Excited....
Excited....
Excited....
Excited. Yan yung nasa isip ko dahil first day na ng new school ko. Whoo! Sana walang kamalasan na mangyayari sakin ngayon. Dahil kung meron man, si batman nalang ang bahala.
"Baby! Gising na! Ma la-late ka na oh!" Hay nako. Mama naman! Gusto ko pang matulog eh! Hinihila pa ako ng malambot kong kama.
"Mom, anong oras naba? Bakit maaga mo ako ginising?" Tumayo na ako at tiningnan yung relo.
"Mygosh! Mom bakit ngayon mo lang ako ginising?! Late na ako oh! 7:00 am na at 7:30 yung flag ceremony! Panira! Badtrip naman oh! Hindi kaya ng beauty ko yang 30 mins. Lang!" Huhuh first day pa naman. Ayaw ko magmukha panget huhuh. Private pa naman yung academy na yun!
"Kasalanan ko bang late ka nagising? Ehh bakit ako yung sinisisi mo? Eh diba kagabi ka lang nag prepare ng gamit mo? Sinabihan na kita matagal pa na i prepare mo na lahat ng gamit mo habang matagal pa! Sus! Ewan ko sayong bata ka." Napakamot nalang si mom sa ulo niya.
Flashback...
[Listening to 'Like I'm gonna loose you' by Meghan Trainor ft. John Legend. Sabay kanta pa.]
"Baby, naprepare mo na ba lahat ng gamit mo para bukas?"
"Anong bukas na sinasabi mo mom?" Lintek. Wag mong sabihin na first day of school na bukas.
"Nako! First day of school mo na! Uminom ka kaya ng memory plus! Bata ka kalimutin ka na!"
Luh? Oo nga! Patay! Eh 9:45 pm na eh! Kakayanin ko ba to? Sige na nga. Patay ka nang bata ka! Magpupuyat ka na naman! Masisira beauty mo teh!
End of flashback....
Naligo na ako in 5 mins. lang. Hindi ko alam kung ligo pa ba yun. Nag padry na ako ng mahaba kong buhok. Hahah. Tapos ang pinaka importante, pri-nepare ko na ang face ko. Bumaba na ako para kumain.
After kumain, kumuha na ako ng baon para sa school. Naku! 7:20 na! In ten minutes mag sta-start na yung flag ceremony.
"Bye mom! Bye dad! Bye yaya!"
"Bye anak! Ingat! Mom and Dad loves you!"
Sumakay na ka agad ako sa kotse. Naku! Ang bagal naman mag patakbo nito ni kuya Alvin. "Kuya Alvin, pwede paki bilisan nang konti ang pagpapatakbo mo?"
"Yes mam, of course."
Maya Maya, hindi ko namalayan na andito na pala kami. Hindi na ako nagulat dahil hindi ko na firstime na makita tong school na malaki, maganda, at parang bago. Tumakbo ka agad ako para maka punta sa field nang may nakabangga akong lalake.
"Kuya what's your problem? Nagmamadali ako ehh."
"Sorry miss-" wait. "Carl, is that you? Dito ka rin pala nag-aaral?"
Tinulungan muna niya ako pulutin yung mga gamit ko bago siya nagsalita. "Maiah, you're here already. So, let's go na? Hahah" hindi ko alam kung paano niya nalaman. Pero di bale na nga.Habang naglalakad kami ni Carl, nagkwe-kwentuhan kami tungkol sa nangyarin noon nung nasa elementary pa kami. Close kasi kami eh. Si Carl Lim yung baklang kaibigan ko na biniyayaan ng magandang boses. Siya kasi yung singer sa room namin.
"Andito na tayo. So I will put your things in your desk muna. Hindi pa kasi tayo na arrange ng class adviser natin eh. I wish din na magkakilala kayo ng katabi mo. So, wait ka muna dito ah?" Hindi pa ako nakasagot pumasok agad siya sa room namin. Andito lang ako sa may pintuan. Inikot ko muna ang mga maganda Kong mata para makita kung gaano kaganda ang academy na to. Nasa 3rd floor kasi yung room namin sa building.
"Hey Maiah!"
YOU ARE READING
The Friends' Lovers
Teen FictionIto po ay isang taglish story. Sorry din po sa mga grammatical errors . Hope you'll like my first story!!