Mia's POV
"Mia iha, andito na tayo. Gising na."
Ginising ako ni yaya. Hindi ko alam na nakatulog ako. Siguro nga pagod na pagod na ako. "Tara na bumaba na tayo yaya." Excited na ako. Bumaba na agad kami dala dala yung mga bag namin. Susunduin ako ni mommy. Kasama kaya si ate Maiah?
Pagbaba namin dumeretso agad kami ni yaya sa waiting area. Dito kasi kami pupuntahan ni mama. I can't wait to see them.
Maiah's POV
Ang ingay! Ano ba yung maingay?
Kring.... Kring...
Hay nako? Antok pa ko eh!! Anong oras na ba? 4:45 na. Teka? 4:45 pm?? What the?! Eh 4:30 pm yung alarm ko. Baka kanina pa tumutunog yung alarm. Napasarap ata gising ko. Upo na lang muna ako.
*bababababanana.. Bababababa nananana.... Gotekotaaa.. Banana...*
Ay kabayo ka! Nakakagulat!
Mom calling..
[Maiah prepare ka na susunduin pa natin sina yaya Tera at Mia.]
Pssh.. I know that... "K mom bye." Wait. Kasama si yaya Tera? Ano kayang reaction niya kapag nalaman niyang pinaalis namin dito yung kapatid niya na si yaya Terry? Magagalit kaya siya? Siya kasi yung yaya ni Mia. Akin naman si yaya Terry.
Nagprepare na ko. Nakabihis nako tapos nakatali na yung buhok. Gagawin ko na lang is mag make-up pero light lang. Pagkatapos nun tiningnan ko yung relo. 4:56 pm na. Habang nag aantay ako kay mom, nagprepare na rin ako sa.mga dadalhin ko.
Beepbeep...
Hala si mom na siguro yan. Baba na ko.
Pagkababa ko si mom nga talaga. "Tara na Maiah. Andun na daw sina yaya Tera at si Mia. I'm so excited." Halata naman mom eh.. Hindi nalang ako sumagot tapos pumasok nalang ako. Nilock ko na lahat. Umalis na ka agad kami.
"Uhmmm, Maiah, pupunta tayo ng resort ngayon. Ni-reserve ko kasi dahil diba nanalo ka as president? Tsaka kelangan i celebrate din natin yung pagdating nila Mia. Kung magtatanong ka kung asan gamit mo pangligo, naka prepare na. Dumating na kasi si yaya Terry kanina bago ako makaalis ng bahay kaya sinabihan ko siya na i-prepare na lahat sa resort pati mga gamit mo." Buti nga hindi pa ako nagihging ghost. Na parang wala lang.
"Thanks mom!! Love yah!!" Ngumiti lang siya. Pagkatapos ng pag-uusap namin, tahimik nalang kami hanggang sa dumating na kami sa airport. Bumaba agad si mom kaya sumunod nalang ako. Excited na kasi siyang makita yung bunso niya.
Pumunta agad kami sa area. Nakita namin sina yaya Tera at Mia. "Hi Mia!! Thank you Lord that my precious darling arrived here safely. So mamaya na yung discussion sa resort ah. Tara na! I'm so excited." Tapos niyang magsalita, parang nakaramdam ako ng pagkalungkot konti. Bigla naman tumingin si Mia tapos yumakap sakin.
"Ate Miah I missed you so much.. Wala na kong kasama sa mga trip dun sa US eh." Oh, so namiss pala ako ng mabait kong sister.
"I missed you too." Yan lang nasabi ko na naka poker face pa. Tinawag na kami ni mom. Lumapit kami tapos pumasok na sa kotse. Andito kami ni Mia magkatabi sa likod habang sila mom at yaya naman nasa harap. Tahimik lang kamung dalawa dito at sila mom naman nag chismisan.
"Ate Miah, gising na! Andito na tayo sa resort." Nakatulog pala ako? Hindi ko namalayan eh.
"Ok you stupid!" Umiba agad yung awra niya. Bahala na nga siya sa buhay niya!
Pumunta na agad kami sa hotel. Dun kami mag sta-stay. Sila mom, yaya Tera at yaya Terry naman nag prepare sa mesa. Kami ni Mia nag bibihis sa kwarto. Iisa lang kasi yung kwarto namin dito. Kaya makakasama ko dito yung sister ko. Goodluck sakin..
Mia's POV
"Ate Miah, gising na! Andito na tayo sa resort." Tiningnan niya lang ako na parang galit na galit siya. "Ok you Stupid!" Ouch naman ah. Sakit. Parang may galit siya sakin. Stupid ba naman daw. Inalis na niya yung tingin niya sakin tapos bumaba. Ako naman nag moment lang dito.
"Mia iha, what's your problem??" Yaya kung alam mo lang. "Oh bakit ka umiiyak?" Hindi ko pala namalayan na tumulo na luha ko. "Yaya ang sakit kasi ehh. Akala mo miss ka ng tao yun pala STUPID lang tingin sayo." Medyo natulala siya.
"Si ate Maiah mo nuh?" Teka, bakit alam niya? "Noon kasi nakikita ko na may sama sa loob sayo si Maiah. Kasi ramdam niya na ikaw nalang palaging number one sa bahay niyo. Samantalang siya parang multo lang na walang pumapansin sa kanya." Ah so ganun pala yun. Pununasan ko yung luha ko. Ngayon alam ko na gagawin ko.
"Tara na yaya, hayaan mo na babawi lang ako sakanya. Salamat pala sa pagpapaalam sa akin ah.." Nginitian niya lang ako tapos pumunta na kami sa hotel. Kasama ko si ate Maiah ngayon habang nagbibihis. Hindi siya makatingin sakin. Hayaan nalang muna. Sorry ate Maiah. Sorry... Kung alam mo lang kung gaaon kita kamahal.
Maiah's POV
Tiningnan ko si Mia. Parang ang lungkot lungkot niya. Bahala siya. Yan din naman yung pinaramdam sakin ng lahat sa bahay dahil sakanya eh. Kain nalang nga muna.
"Mom, kain muna ako. Asan ba si yaya Terry?"
"Ayun kausap si yaya Tera mo." Ngumiti lang siya tapks ako tumango. Pinuntahan ko sila yaya Terry sa balcony.
"Uhmm yaya Tera, may I excuse yaya Terry?" Tumango lang siya tapos umalis na. "Yaya Terry I missed you so much huhuhuh!!!" Niyakap ko agad siya. Bigla din siyang ngumisi. "I missed you more iha. Pinagsisihan ko na yung ginawa--"
"Shh yaya kalimutan mo na yun. Ang importante kasama na tayo ulit. May karamay na ko sa bahay sa tuwing may problema ako." Ngumisi lang siya tapos hinila niya ko papuntang dining room. Kumain na kami instead na mag dramahan.
Tapos namin kumain naligo agad kami sa pool. Andito kami sa taas tapos yung dagat sa baba. Kitang kita mo talaga yung view dito. Naligo na ko. Sila mom, Mia, yaya Tera andun sa dagat. Si yaya Terry naman nasa kitchen lang. Matanda na kasi siya. Hindi niya na kaya. Umupo lang siya tapos nagbasa ng diyaryo.
.................
Umuwi na kaming lahat pagkatapos namin maligo. Sila mom, ayun nagtatawanan sila nila Mia. Pagdating namin natulog agad ako without saying goodbye. Pinikit ko na mata ko.........
"Ate Maiah, sana sinabi mo nalang yung dahilan para nagawan natin ng paraan. Sorry. Akala ko kasi ok lang tayo. Ayun pala hindi. Sorry talaga.. Sorry.." Tapos nun naglakad na siya palayo. Sinubukan ko siyang habulin pero bigla nalang siya nawala. Sumigaw nalang ako.. .
"Miaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Inalog alog agad niya ako. Minulat ko mata ko tapos nakita ko si..... Si Mia. "Ate! Kanina kapa sigaw ng sigaw ng name ko. Bangungot ba yan?" Bangungot daw? Tiningnan ko damit ko. Basang basa sa pawis. Kumuha agaf siya ng towel tapos pinunasan ako.
"Ate I'm so worried. Buti nalang nagising ka. Ah, ate. Sorry pala huh. Dahil sakin para ka nalang multo na walang pumapansin sayo. Sana patawarin mo ko. Hindi mo alam ate kung gaano kita kamahal. Masakit din yung sinabihan mo ako ng STUPID. Alam mo bang umiyak ako non? Akala ko you missed me." Parang nanlungkot agad yung mukha ko. Napansin kong umiiyak na siya.
"Ok Mia. Apology accepted."
Tapos nun bumalik na kami sa tulog. 12:59 am na kasi. Ok nato.
Everything is back to normal....
–————————————————————
Sa monday na po yung next update. Please vote this chapter!! I lab you guys!!

YOU ARE READING
The Friends' Lovers
Novela JuvenilIto po ay isang taglish story. Sorry din po sa mga grammatical errors . Hope you'll like my first story!!