Back To Normal

25 0 0
                                    

"Ate, wake up. Ma ma-late na tayo oh." Aga pa ah. Tumayo ako para Tingnan ko relo ko. What the!? Eh 5:30 am pa ah!? Anong problema nitong lil' sis ko? Bakit ang aga? "Ughh. Mia it's 5:30 am pa eh. Bakit ang aga mo magising? 7:30 pa yung flag ceremony eh."

"Ate, masanay ka. Nasanay din kasi ako dun sa US eh na ang aga aga magising. Actually, 4:30 am pa talaga ako nagising eh. Nag prepare na ko para sa school na papasukan ko. Mom said na pareho pala tayo ng school. Ah, ate, I want to ask you something pala." Ngumisi pa siya.

"Ok. Go ahead." Medyo excited na siya. Ano kaya yun? "I heard kilala mo daw si Austin Revales? Hahahah." Nanlaki agad mata ko. Bakit kaya niya kilala yung mokong na yun? Tawanan pa niya ko. "Ah. Classmate ko siya eh. Kakainis nga siya. Epal. Uy teka, bakit kilala mo siya?" Huminto agad siya sa tawa niya.

"Actually ate, his brother and I are bestfriends. That's why nakilala ko si Austin kasi kwinento sakin ni Ace. Sabi pa nga niya--"  Napahinto agad siya tapos tinakpan niya yung bibig niya. Abnormal na siguro. "Tara na, breakfast muna tayo."

Bumaba agad kami. Pero habang naglalakad kami nag tatawanan kami sa kinu-kwento ni Mia. "Aba good vibes yung mga babies ko ah. Anong nakain?" Nagtinginan kami ni Mia tapos tumawa. "Hahaha. Wala po mom."

"Ok. Let's have our breakfast. Hintayin muna natin yung daddy niyo para sabay sabay na tayo kumain. Hindi pa naman din masyado luto yung pancakes eh." Tumayo agad si mom para tapusin yung pancakes. "Good morning guys!" Eksakto lang bumaba na si daddy.

"So..... Maiah, nabalitaan ko sa kasama ko sa office na ikaw daw yung nanalo as president??" Nanaman? Bakit ba mahalaga sa kanila ang pagkakapanalo ko? Officer lang naman parin ako eh. Pero bakit alam ng kasama niya?

"Dad, paano nalaman ng kasama mo? Andun ba siya nung election?" Bigla siyang natawa. "Ahm yung kasama ko kasi si Shawn Mendez. Yung daddy ni Shaira Mendez. Kinuwento kasi daw ni Shaira sa kanya. Natawa pa nga daw siya nung binoto ka ni Austin!" Wait. Why nasali si Austin?

"Guys breakfast is ready. Let's eat na." Kumuha na kami ng pancakes tapos kumain na. Masaya naman kami kumain. Si Mia kasi kinuwento yung mga nakakatawang pangyayari sa kanya dun sa states. "By the way I have a better idea. Bakit kaya hindi nalang tayo sabay-sabay papunta sa school niyo?"

"Good idea mom. Kukunin lang namin yung bag." I exclaimed. Pumunta na kami ni Mia tapos nag paunahan pa kami pababa. I wish this family could be like this forever. Or I must say until we are still alive.

"Mom! Dad! Where are you?" Tiningnan namin yung palibot pero wala pa rin. Beep.. Beep.. Biglang tumunog cellphone ko.

Unknown number:
Hawak namin yung nanay at tatay niyo. Pumunta kayo sa ibibigay kong adress. Tandaan niyo WAG NA WAG KAYONG MAGSASAMA NA KAHIT SINO. KAYONG DALAWANG MAGKAKAPATID LANG DAPAT ANG PUPUNTA. KAPAG MAY ISASAMA KAYO KAHIT ISA LANG, ALAM NIYO NA ANG MANGYAYARI.

Nung nabasa ko yung text nayun, nahulog ko yung cellphone ko tapos natulala. "Ate! Ano daw yun? Sila mom ba yun?" Nakangisi pa siya. "Mi-mia, ka-kaila-nga-ngan na-natin i-ilig-ta-tas si-sila mo-mmy." Umiiyak na ko dito sa kaba.

"Mia alam mo bang lumaban? Magdala ka ng mga panglaban." Natataranta ko pag sabi. Si Mia naman natulala. "Ate, totoo ba yun?" Medyo nanginginig na din siya. "Hindi tayo nakakasiguro. Pero we need to be prepared. Bilis!" Bigla siyang tumakbo pataas. Hinintay ko nalang siya. Pagkababa niya may inabot siya sakin.

"Ano to?" Parang nanlaki mata ko nang makita ito. "Baril. Yan gagamitin. Alam kong alam mo nang gumamit ng baril." Tumakbo na ka agad kami tapos sumakay sa kotse. Pagdating namin sa lugar na yun, may narinig akong boses.

"Kapag 10 minutes wala pa sila, mamatay na kayo! Hahahha! Goodluck!" Sabi nang matandang babae. "Patayin mo na kami basta wag lang yung mga anak ko!"

Teka, yung boses ng babaeng yun. Nanlaki agad mata ko tapos sumigaw ... "Yaya Terry!"



Shaira's POV

Asan naba yung Maiah na yun? Magme-meeting pa kami para sa clubs eh. Matawagan nalang nga.

[Hello sino to?] Hindi to si Maiah ah. Matanda yung boses eh.

"Huy Maiah! Ikaw ba yan? Bilisan mo na kasi magme-meeting daw tayo ngayon."

[Ay. Si Maiah? Hahah! Sige bibigyan kita ng pagkakataon para makausap siya.] Ano ba yung pagkakataon na sinasabi ng matandang ito?

[Shaira! Tulong! Kinidnap kami ng demonyang magkakapatid na to!] Nanlaki agad mata ko.

"Hahah joke ba yan Maiah?" Pero parang totoo nga.

[Andito kami ngayon sa basement ng pinaka lumang mall! Walang tao rito!] Tapos bigla nalang na end yung call.

"Shaira, is anything wrong?" Nagulat agad ako. "Shaira! Why are you shaking?!" Umiyak agad ako bigla. "Mam, mam si Maiah! Si Maiah!"

"Anong nangyari kay Maiah?!" Gulat na gulat silang lahat.

"Si Maiah! Nakidnap!"

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hi guys! Sorry ngayon lang talaga ako naka update. Um. First time po nagka POV si Shaira Mendez. Sige2 bye! Love you all!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Friends' LoversWhere stories live. Discover now