1.

18 0 0
                                    

"Alam mo Cia, maganda ka sana. Lalo na yang buhok mo. Kaso hindi ka naman marunong mag-ayos. Tignan mo yang buhok mo, sobrang haba na. Pagupit ka na. Try mo magpa-layer. Lalo ka nagmumukhang maliit dahil sa buhok mo eh." puna ni Ethel.

"Oo nga. Ayusan ka kaya namin? O kaya try mo lang maglipgloss saka iipit yang buhok mo. Keri na yun. Yang kuko mo wag mo lagi pudpudin. Anliit liit na nga, pudpod pa lage. Pahabain mo ng konti. Lagyan ko ng nail polish pag humaba. Hehe." sabi naman ni Evan.

"Eeeehh.. Ayoko nga 'no. Dito ako komportable. Yung buhok ko alagang-alaga yan ng lola ko kaya ayoko ipagalaw. Yung kuko ko, ayokong maging kasing dumi ng kuko mo Evan. Kadiri." sgot ni Cia.

"Pag mahaba ang kuko, madumi na agad?" Evan

"Oo. Hehe. Bakit ba kayo nagpapahaba ng kuko? Pinangda-dial nyo ba yan? Eew ha." Cia

"Hindi noh. Kadiri ka Manang Ciana. Ang panget lang kase tignan ng sobrang pudpod na kuko. Naku. Wag ka na nga ma-ayos kung ayaw mo. Hayaan na natin ganyan itsura mo para hindi ka magustuhan ni Justin. Akin na lang yun. Haha" Evan

OMG. Si Justin. Crush ko yun eh. Hihi. ^_^

Pero bago ko pa man iintroduce ang aking crush. Syempre dapat ko muna iintroduce sarili ko di ba?

Ako si Ciana Venice Deladia. 1st year highschool.. Maganda daw pero mukhang losyang. I grew up with my grandparents kaya siguro manang-manang daw ako.. Yung mommy ko nasa ibang bansa, yung ama ko, nasa impyerno. >:-)

Ako yung DEAD KID sa klase. Papasok, mag-aaral, HINDING HINDI magtataas ng kamay para sa recitation, uuwe ng bahay, gagawa ng homework, kakaen, maglalaro ng brick game, tapos matutulog na. Kapag may groupings, sumasama naman ako pero uuwe talaga ako sa oras na sinabi kong uuwe ako. Mahirap na, baka mapagalitan ni Nanay (Lola ko).. Haha.

Yung crush ko naman, si Justin, ay isa sa mga matatalino sa klase. Gwapo, friendly, mabaet. Crush din yun ng dalawang bruhang kausap ko kanina na sina Ethel at Evan. Close sila ni Ethel kase magkapitbahay lng naman sila. Hahaha.

Hindi ko alam kung bakit ko naging kaibigan sina Ethel at Evan.. Haha.. Sila kase yung mejo kabaliktaran ko eh.. Mahilig mag-ayos yaung dalawang yun kaya naman kitang kita yung ganda nilang dalawa. Mahilig pati sila gumala..

"Hoy manang, ano naman iniimagine mo dyan? Nabanggit lang pangalan ni Justin, nagspace out ka na." Ethel

"Iniisip nyan yung pagli-lead nila sa morning exercise bukas ni Justin. Haha. Uuuy. Excited ka noh?" Evan

(Morning exercise ang tawag namin sa typical na 'Flag Cermony'. We pray, we sing the National Anthem and the school Hymn.. ganun.. :p)

"Hindi ako excited.. Kinakabahan ako.. Paano kapag sa sobrang kaba ko dahil katabi ko sya eh pumiyok ako? Haaayy.."

"Chillax girl.. Hindi ka pipiyok nyan.. Ilang linggo ka na ba song leader para pumiyok ka pa? Wag ka lang kakabahan" Ethel

THE NEXT DAY.....

5 minutes bago ang morning exercise ay nasa hallway na lahat ng 1st year. By year kevel kase kami kung magmorning exercise. Nasa faculty room kami ni Justin kase andito yung microphone at speaker na gagamitin namin pagllead sa morning exercise. Ako ang ang kakanta ng National Anthem at school Hymn, sya naman magli-lead sa Prayer. After ko kumanta ng National Anthem, nagstart na maglead si Justin ng prayer.. Kaso bago pa man ako makakanta ng School Hymn, napansin kong may mali kay Justin..

Paglingon ko para tignan kung ano ang mali, nakita ko yung ilong nya..

MAY DUGO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 >_<

CRAZY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon