Saturday
I am sooooooooooooooo excited na para sa swimming later. ☺
First time ako payagan ni Nanay magswimming.. Basta daw wag ako magbababad masyado at wag daw magpapaaraw masyado.. Well.. Good luck sa'kin.. Hehe.. 8 am pa kami magkikita nila Ethel pero nakaready na ako kahit 6 am pa lang.. Medyo pa-good girl pa muna kay Nanay bago umalis.. Inutusan nya ako bumili ng sabon pang-laba sa tindahan nila Russ.. Buti na lang inutusan ako kase kung hindi, makakalimutan ko pa magbaon ng shampoo, conditioner, at sabon pangbanlaw..
"Sino gagamit nitong naka-sachet na shampoo at conditioner Cia? Naggrocery Tita Lina mo kahapo di ba? Hindi ba nakabili?" usisa ni Tita Marie, nanay ni Russ.
"Magsswimming po kami ng barkada ko mamaya tita. Ay! pabili na din po pala nung sun block na yun tita." sabi ko sabay turo sa sachet ng sunblock malapit sa kinatatayuan ni Russ.
"Sa'n kayo magsswimming? Sa ********* Resort ba?" usisa ni Russ habang inaabot sa'kin yung sun block.
"Yep. Bawal ka sumama.. Mambababae ka lang dun eh. Haha.."
"Tsss.. Akala mo naman gusto ko sumama.."
Pauwi na ako ng dumating na naman ang asungot na kaibigan ni Russ.. Hindi ko feel tong Chris na to.. Una, dahil feeler sya. Pangalawa, dahil sinabihan nya ako ng masungit. At pangatlo dahil nang-flood lang naman sya ng text messages kagabe na pare-pareho naman na 'Sungit' lang ang nakalagay.. -_______- Yung 50 messages na nareceive ko kagabe, 45 dun kanya.. -___________-
"Good morning Sungit!"
Alam nyo na kung sino yan di ba?
"Good morning din FC!" sabi ko sabay pasok sa pinto ng bahay namin. Kinuha ko agad yung phone ko at inilagay sa 'mute' yung message alert tone at baka mangulit na naman si FC.. [feeling close]
Kinuha ko na yung bag ko para idouble check kung may nakalimutan ako.. Maya maya pa dumating na si Ethel. Niyaya ko muna sya magbreakfast bago kami pumunta ng resort.. Pagdating namin dun nagulat pa ako na walang katao-tao kasi usually, madami laging nagsswimming dun lalo pa ngayong summer.. Maliban na lang kung iha-hire mismo yung place.. Andito na ang barkada at mukhang kami na lang ni Ethel ang kulang.. Pati pala si Charlie wala pa.. Si Charlie ngapala yung 'nanliligaw' daw sa'kin since first year.. Ligaw in the sense na nagbibigay sya sakin ng gift pag birthday ko, pag pasko, saka pag Valentine's Day. Everyday din yan nagtetext ng 'I love You' sakin.. Hindi kaya sya nagsasawa? Hahaha. Angtatag kase nya, mula first year hanggang ngayong third year na kami ganun sya araw-araw.. Sinabi ko naman sa kanya na ayoko pa magboyfriend at hanggang friends lang kami.. Sabi naman nya hihintayin lang daw nya ako.. Baliw sya eh noh? Hahaha..
"The KPop star has arrived." sabi ni Adrian. Isa sya sa barkada. Gwapings na rockstar ng barkada yan. At yung tinutukoy nya na Kpop star, si Charlie yun. Hahaha.. Medyo chinito kase si Charlie at gustong gusto nya si Sandara Park.
"Lul.. 7am pa lang, andito na ko noh. I had to deal with something kanina kaya ako umalis ulet. Ngapala, Yung bag nyo sa room nyo ilagay para hindi makalat dito sa cottage." Charlie
"For real? I mean, pati pala room ni---------------" naputol yung sinasabi ni Evan kase bigla syang pinandilatan ni Ethel ng mata.
Ok? May hindi ba ako alam?
"Shower na tayo Cia?" yaya ni Ethel.
"Maya-maya na. Ang init na ooh." tanggi ko.
"Eh may lilim naman kaya dun sa side. Sige ka.. Hihintayin mo ba tumirik yung araw bago pa tayo lumublob sa tubig?" Ethel.
"Cianaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"
"Shut up Russ! Bakit ka andito?!" sigaw ko sa pinsan kong bigla-bigla sumusulpot. May kasama pa naman na asungot. -_______-
"Halika dito bilis!" tawag nya sa'kin.
Paglapit ko kay Russ, may braso na lumapat sa balikat ko. Kanino pa ba eh di sa asungot.. -_____-
"Tatanggalin mo yang braso mo sa balikat ko o pipilipitin ko braso mo???" pananakot ko kay Chris.
"Ansunget mo talaga!" sabi ni Chris habang kinukurot pa pisngi ko na para bang nccute-an sya sa'kin.. Tinaggal nga nya yun braso nya pero tinukod naman nya siko nya sa balikat ko.-________-
"Hoy FC.. Tantanan mo ako ha!" sabi ko sabay alis ng siko nya sa balikat ko. "At ikaw Russ, ano ba kailangan mo?"
"Magsswimming din sana kami.. Eh kaso ni-rent nyo daw tong place." Russ
"Ni-rent? Hindi ko alam. Sa iba na lang kayo magswim nyang asungot na kasama mo. Bye!"
Paalis na sana ako ng bigla na naman may brasong pumatong sa balikat ko at lips na lumapat sa pisngi ko. Oh shet. Napatulala naman daw ako dun.
"Bye Sunget!" sigaw ni Chris sabay takbo palabas ng resort.
"Tinamaan ang mokong sa'yo. Hahaha. Alis na din ako. Bye." Russ
Pagbalik ko sa cottage, inulan ako ng tanong ng barkada ko.
"Sino yung kumiss sa'yo?" Adrian.
"Boyfriend mo yun Cia?" Precious.
"Paano na si Charlie?" Kerstine
"Tekaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" sigaw ko. "Hindi ko boyfriend yung asungot na yun. Kaibigan sya ng pinsan kong si Russ, ok? Sadyang feeling close lang yung bwisit na mokong na yun! Grrr.. Kadiri.. Magshower na nga tayo ng maalis yung germs nun FC na yun sa pisngi ko.. Kadiri.."
______________________________________________________________________________