It has been a week mula nung nagkasabay kami ni Justin sa pagli-lead sa Morning Exercise... nung nag-nosebleed sya... At mula noon, lagi na kami inaasar sa klase... Kesyo na-pressure daw si Justin kase ako yung kasama nya mag-lead.. May mga echusera pa na nagsasabing crush din daw kase ako ni Justin kaya nahiya nun at nagdugo ilong..
Wish ko lang di ba? Eh kaso alam ko naman ang tunay na dahilan kung bakit dumugo ilong nung gwapong yun.. Eh kasi daw mainit.. Yun lang.. Ayaw pa maniwala nila Ethel at nagiinsist ng kung ano-anong dahilan.. Well, I know better kase yung pinsan ko nagnonose bleed din pag mainit eh..
Anyway.. Last day na ng exams namin ngayon at birthday ko na bukas (Friday).. Pero kung sswertihin nga naman ako, ngayon pa sumasama pakiramdam ko.. May pasok pa man din bukas.. Bukas kasi first day ng Intrams namin.. Abnormal school namin eh.. First Day ng Intrams tinapat sa Friday.. -_-
Unfortunately, birthday na birthday ko ay may sakit ako. -______________________________-
Hindi ako pinapasok ni Nanay kase daw baka mapano lang ako pag pumasok. So ayun, dakilang tambay ako sa bahay for three days. Pagpasok ko nung Monday, si Justin naman yata ang absent. Nahalata siguro ni Evan na hinahanap ko ang aking crush kaya kinumpirma nyang absent nga ito. Medyo nalungkot naman daw ako.. Hehe..
Being the studious freak that I am, nanghiram ako sa katabi ko ng notes. Magsusulat sana ako ng lesson na namiss ko nung absent ako nang may naglagay ng isang tangkay ng plastic na rose sa mesa ko. Pag-angat ko ng ulo ko, si Ethel ang nakita ko.
"Buhay pa ako 'thel. Bakit binibigyan mo ko ng bulaklak pangpatay? Haha"
"Gaga.. Galing kay Justin yan. Pinapabigay nya kase nagbirthday ka daw. Maysakit ngayon kaya hindi nakapasok at nabigay to sa'yo." Ethel
"Weh? Maniwala naman ako"
"Eh di wag ka maniwala.. Basta sa kanya galing yan.. Tanungin mo pa.." Ethel
"Paano ko tatanungin eh absent nga. Hahaha. Anyway, thank you na din." sabi ko.
Kung ibang babae siguro ang "bigyan" ng rose ng crush nya, nagseizure na sila sa kilig. Pero dahil iba ako, hindi ako naniwala na kay Justin galing to.. :p
Lumipas ang mga taon at 3rd year na kami ngayon.. Ang bilis di ba? Hahaha.. Wala naman kase dapat ikwento dahil wala naman masyado nangyare.. Nung second year naconfirm ko lang na galing lang kina Ethel yung rose. Hindi ako nagalit kase malinis naman intensyon ng mga bruha.. Saka crush ko lang naman si Justin. No big deal. Kung may bago man sa'kin ngayon, yun eh hindi na ako SUPER DEAD KID.. Haha.. Mejo dead kid na lang minsan.. Lumalaboy na ako minsan for as long as malapit lang sa lugar namin yung pupuntahan.. Lumaki na din yung circle of friends ko kasi kasali na ako sa choir ng simbahan namin.. Madami dami na friends ko..
"Oh 'thel.. Bakit ka napatawag?"
"Swimming tayo sa Sabado. Wala ka naman practice nun di ba? Tayo tayong magkakabarkada lang.. Kaso hindi kasama si Justin.. Hahaha.." Ethel
"Justin naman agad. Haha. Night swimming ba? Baka kase hindi ako payagan kapag Day swimming.. Ayoko umitim."
"Arte ha? Eh di sa may lilim ka lang.. Saka ipagpapaalam ka namin kay Nanay.. Relax ka lang.. Kasama natin sina Charlie ha?" Ethel
"O sige. Go ako pag pumayag si Nanay."
Pagkababa ko ng phone, lumabas muna ako para mag-drawing.. Lumabas ako sa may terrace namin na nasa third floor para presko saka tahimik.. Naisipan kong iguhit tong katapat namin na bahay which is sa mga pinsan ko. Simple lang yung bahay kaya hindi mahirap gayahin.. Kalahating oras na yata ang lumilipas at malapit ko na matapos ang pagguhit sa katapat naming bahay ng may dalawang lalaking umakyat.. Si Russ, yung pinsan ko saka kaklase nya yata yung isa.. Nginitian ko lang si Russ at tumuloy na pagddrawing.. Akala yata ng kasama nya, silang dalawa yung binabalik balikan ko ng tingin kaya pangiti-ngiti sa'kin. Mukhang tanga.. Hahaha.. :D
"Cia.. May load ka? Patext naman?" Russ
" Itetext mo na naman babae mo noh? Wag mo jan pagrereply-in ha? Ayoko ng may textmate." sabi ko sabay abot ng phone ko sa kanya. 2-3 feet lang naman ang agwat ng bahay namin kaya madali ko naiabot.
Wala pang isang minuto binalik na nya sakin yung phone ko.. Nasa screen pa yung text nya na 'Hi' sa isang unknown number.
"Sabi ko sa'yo magpakilala ka eh. Pag eto nagreply, buburahin ko lang. Bahala kayong dalawa."
"Tanga. Number ko yan." Russ
"Arte mo, Sana hiningi mo na lang sa'kin. May patext text ka pang nalalaman."
"Ganun talaga. Si Chris ngapala.. Kaklase ko." pagiintroduce ni Russ dun sa Chris.
"Hi." bati ni Chris sabay abot ng kamay nya sa'kin. Nakakahiya naman hindi sya pansinin kaya nagHi dn ako at nakipagshake hands then sinabihan ko si Russ na bababa na ko. Pumasok ako sa kwarto ko na nasa second floor nitong bahay ng lola ko. Nahiga ako para sana makinig sa music habang nagbabasa sa WATTPAD.. Actually, I become worse than a dead kid pag nakikinig ako sa music habang nagbabasa. Nagkakaron ako ng sariling mundo at kahit sino sa bahay namin, or kahit ang mga barkada ko, hindi ko pinapansin. Nagagalit pa ako kapag kinukulit nila ako. One time nangulit si Evan, nasigawan ko sya ng bongga at mula nun hindi na nya ko kinukulit pag nasa sariling mundo ko na ako. Haha.
I turned the music on, nalagay ko na din yung earpods sa tenga ko (alangan naman kase sa ilong eh EARpods nga.. charot! :p) and was about to open wattpad on my ancient netbook ng may magmessage sa'kin.
UNKOWN NUMBER: Hi
Nagtaka ako kung sino yun. Hindi naman si Russ kase kakasave ko lang ng number nya kanina nung magkausap pa kami. Hindi ko na lang sana papansinin yung text kaso nag-beep na naman phone ko.
UNKNOWN NUMBER: Sunget.
UNKNOWN NUMBER: Ms. Sunget na naka-white na shirt at maong na shorts.. :)
Now that made me look at what I'm wearing. Hindi kaya yung Chris to?
[Eto yung naging usapan namin]
Ako: Who are you and where did you get my number?
UK: Sunget talaga. Kay Russ. Kilala mo na ko? :)
Ako: Cris?
Chris: Actually.. It's CHRIS..
Ako: Ah ok. Is there something I can do for you? Bakit mo kinuha number ko?
Chris: Gusto lang makipagkilala. Pwede ba?
Ako: Magkakilala na tayo di ba? Ako si Cia, ikaw si Chris.
Chris: Sunget mo talaga.
At dahil tamad ako magtext. Hindi ko na sya nireplyan.. Inalisan ko ng message tone yung phone ko at nagsoundtrip hanggang sa makatulog.
_____________________________________________________________________
Simula na ng craziness sa Chapter 3.. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/13573526-288-k520515.jpg)