Muntik na yata malaglag yung puso ko kanina nung muntik na ako mahagip ng sasakyan which is a freaking huge truck.
Kung wala siguro si Chris para i-save ako, baka pinaglalamayan na ako. At least konting galos lang ang meron kami ngayon ni Chris. Andito kami ngayon sa bahay namin para lagyan ng betadine ang mga galos ni Chris.
"Pasensya na ulet nagka-sugat-sugat ka pa dahil hindi ako tumitingin sa daan." pagdidispensa ko.
"Hindi ko na mabilang kung ilang beses ka na nagsorry sa'ken. Ilang beses ko na din sinabe na ok lang. Malambot naman nabagsakan ko eh. Hehehe." biro ni Chris na kinainis ko.
WALA NA PO ANG FIRST KISS KO MGA KAIBIGAN. :(
Paghatak kase ni Chris saken kanina, medyo nagpagulong glong kame tapos nabagsak sya sa ibabaw ko at nagtama yung lips namin. HUHUHUH. :(
"Bwisit ka. First kiss ko yun. :("
"Kaya siguro ang sweet. Hahaha------araaaaaayyy" hinampas ko nga sugat nya.
"Ang ingay-ingay nyo. Gabing gabi na." bulyaw ni Nanay. "Oh anong nangyare sa inyong dalawa at puro kayo galos?" usisa ni Nanay ng makita kaming dalawa.
"Muntik na po mahagip ng truck si Cia kanina. Nahatak ko lang po kaya po konting galos lang nakuha namen." sagot ni Chris.
"Mabuti na lang pala at kasama ka nya kanina. Medyo ano to sa kalsada eh." sabi ni Nanay "Matutulog na ako Cia ha? Ikaw na bahala maglock ng pinto. Chris, wag ka na magpahatinggabi dito. Baka hanapin ka na sa inyo."
"Opo Nay. Good night po" sabay namin nasabi ni Chris.
Pumasok na si Nanay sa kwarto at ako naman nagligpit na ng first aid kit.
"Pwede ba ako manligaw sa'yo Cia?" out of the blue na tinanong ni Chris nung pumasok na ulit si NAnay sa kwarto.
"Naalog ba utak mo sa nangyare kaya ka nagtatanong kung pwede manligaw? Kase kung naalog nga, kakaltukan kita para matauhan ka. HAha."
"Seryoso ako Ciana Venice. Crush na kita dati pa. Kaso na-inlove ako nung nakita na ulit kita eh." Sabi ni Chris habang nakatitig ng seryoso sa mga mata ko.