Chapter 1

35 2 0
                                    

Chapter 1

Introduce Yourself


"We're here!" nagising ako sa pagsigaw ni mommy. Sobrang excited kasi siya ng makita niya ang school na papasukan ko this year. Yung totoo, bakit mas excited pa si mommy kesa sa'kin? Hay! Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan 'tong si mommy.

Naglakad na kami papunta sa Principal's Office at pagpasok na pagpasok namin doon, nagbeso-beso sila mommy at principal?! Wait? So magkakilala pala sila?

"Estha, finally we meet again after so many years! I really miss you bestie" ay kaloka 'tong dalawang matandang 'to, maka-bestie parang ang bata bata pa. Tsk! Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

"Oo nga bestie Georgia, ang pagkakaalam ko last na nagkita tayo noong kasal niyo pa ni Bruno" sabi ng oh-so-called bestie ni mommy. Biglang napalingon naman siya sa akin, "Ito na ba yung anak niyo?" dagdag pa niya.

"Mom, who's Bruno?" sa totoo lang hindi ko kilala 'yang  Bruno na sinasabi nila.

Tinignan lang ako ni mama at maya-maya pa ay binaling niya ang tingin niya sa bestie niya at bingyan niya ito ng patay-ka-sa'kin look at mukhang nakuha naman niya ang gustong niyang sabihin kaya tumawa nalang ito at sinabayan na rin siya ni mommy.

"Oh by the way, Georgia. What's the name of your daughter?" pag-iiba ng topic nila. Wait teka bakit ba ayaw nilang sagutin yung tanong ko? Hmm! I smell something fishy in here.

"Oh yas bestie, this is Choi Eun-mi. My lovely daughtar (daughter)" diba ang arte ni mommy? Buti nalang hindi ako nag mana sa kanya.

"Hi, Chu-- Chi-- ah basta hi nalang" sabay abot ng kamay niya sa'kin na tinawanan ko lang and I saw mom na nagpipigil lang din ng kanyang tawa.

"Choi Eun-mi po. I repeat, Choi.Eun.-mi" diniinan ko pa para lang makuha niya yung tamang pag pronounce sa pangalan ko and it took her 1 hour. OA na kung OA pero 1 hour talaga bago niya makuha yung tamang pag-pronounce sa pangalan ko.

"Choi Eun-mi. Okay, this is now your schedule for today. You may now proceed to your classroom." sabi sa'kin ni tita Estha. Tita nalang daw yung itatawag ko sa kanya kapag nasa loob lang daw ako ng kanyang office pero kapag hindi Mrs. Lavina nalang daw.

"Okay bye for now bestie. Take good care of my sweetie." nag nod nalang si tita Estha bilang sagot and lumabas na kami sa kanyang office.

"Let me see your schedule, sweetie" I gave her my schedule and bigla niya akong niyakap. Seriously? Tinignan ko siya at binigyan ng why-did-you-do-that look pero bigla niya lang ulit ako hinalikan sa pisngi. Aba namumuro na siya sa'kin ah!

"What the heck? Why did you kissed me? Kanina ka pa mommy! Alam mo naman na ayoko sa lahat na hinahalikan ako at niyayakap sa harap ng maraming tao!" ayokong makita ng ibang tao na ginaganon pa rin ako ni mommy kahit na dalaga na ako at tsaka first day ko palang sa school na 'to baka iba na naman yung maging first impression nila sa'kin and I don't want that to happen.

"Nothing sweetie. Common let's go" hindi na ako muling nagsalita at naglakad nalang kami and while we are walking bigla nalang napahinto si mommy.

"Sweetie, I think we're here already" tinignan ko yung nasa taas ng pinto ang nakasulat doon ay Section Shark. Maya-maya pa ay kumatok na si mommy sa pintuan at bumungad sa amin ang isang babae, siguro mga 20+ palang siya ayon sa kanyang itsura at pananalita.

"Hi, Good morning. Are you the new student?" tumango nalang ako bilang sagot.

"Please come in." binigyan ko nalang si mommy ng you-may-go-now look at pumasok na sa loob. Narinig ko pa ang sinabi niya sa'kin na "I love you, fighting!" bago naisara yung pinto.

Pumunta na ako sa harapan at tinignan ang bawat sulok ng classroom na ito. Sobrang laki, nakakamangha. Sa lahat na ata ng napasukan kong school ito na ata ang pinaka-magara. Tinignan ko din ang mga kaklase ko, may sari-sarili silang mundo.

"Please introduce yourself to the class" bumalik ang pananaw ko ng sinabi sa'kin ng aking guro. Pero ano raw?!

"Please introduce yourself to the class"

"Please introduce yourself to the class"

"Please introduce yourself to the class"

"Please introduce yourself to the class"

"Please introduce yourself to the class"

Parang sirang plaka na paulit-ulit na sinasabi ng utak ko ang salitang binitiwan ng aking guro.

"Miss, are you okay?" unti-unting bumabalik ang pananaw ko at tumango nalang ako bilang sagot. Naaalala ko na naman kasi yung nangyari sa akin noon na siyang kinatatakutan ko pa rin hanggang ngayon.


Flashback...



"Okay sweetie, you can do this. Nandito lang ako sa gilid" grade 4 palang kasi ako noon kaya pwede pa kaming bantayan ng parents namin. Nasa harapan kasi ako ngayon ng aking mga kaklase. First day of school and as usual uso ang introduce yourself.

"Introduce yourself to the class" sabi ng aking guro. Hindi ko alam pero para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko maibuka yung bibig ko kaya pinagtatawanan nila akong lahat. Napayuko nalang ako at unti-unti ng pumatak ang aking luha.

"Sorry ma'am but can you please excuse us for a moment?" hindi ko na namalayan na buhat buhat na pala ako ni mommy and after 5 mins huminto kami.

"Sweetie, what's wrong? Why you didn't introduce yourself to the class? Are you sick?" makikita mo sa tono ng boses ni mommy ang pag-alala habang hinahawakan niya yung noo ko at chinecheck kung may lagnat ba ako.

"Mianhae, omma" ayan ang paulit-ulit na binibigkas ko kay mommy. Hindi ko kasi alam ang mag tagalog at mag english noon pero nakakaintindi naman ako kahit papano.

"It's okay, sweetie. Stop crying already." pagpapatahan niya sa'kin. "Can we go back already? Baka hanapin ka na nila." dagdag pa niya.

"You can speak korean if you want to. Don't mind them nalang sweetie" parang ang salitang iyon ang nag motivate sa'kin kaya tumango nalang ako at naglakad na kami pabalik.

"Annyeonghaseyo? Jeoneun Choi Eun-mi-imnida. Cheoeum boepgesseumnida (Hello, my name is Choi Eun-mi. Nice to meet you)" pagsisimula ko pero tinawanan lang nila ako kaya pinaupo nalang ako ng aming guro. I saw mom na naaawa sa'kin pero wala siyang magawa kundi manood nalang.

Hanggang sa tumuntong ako ng Senior High School, ganon pa rin. Tinatawanan pa rin nila ako dahil hindi ako masyadong marunong mag english at mag tagalog pero hindi ko nalang sila pinapansin.

"Ano ba 'yan hindi marunong mag english"

"Pati nga sa tagalog hindi rin kaya"

"Koreana nga hindi naman maganda"

"Feelingera talaga kahit kailan"

"Dapat kasi matanggal na siya sa school na 'to eh"

"Hindi kaya siya napapagod?"

"Kayo hindi ba kayo napapagod?" bulong ng isip ko. Diba dapat sila ang mapagod kasi araw-araw, palagi nalang nila ako pinag-uusapan. Hay buhay parang life!

Ganyan na ganyan ang sinasabi nila sa'kin araw-araw. Pagpasok at paglabas ko ng skwelahan na pinapasukan ko, ang Zestar University. Kaya naisipan nila mommy na ipa-tutor nila ako para mas lalo pa akong mahasa at naisipan din nila akong ilipat sa ibang school at ito ang Killa West University na kung saan ito ang pinaka-sikat na paaralan dito sa Pilipinas.

End of flashback...

"Miss are you with us?" muli akong naibalik sa katinuan at nagsimula ko ng ibuka ang aking bibig.

"Yes ma'am, I'm sorry. Okay let me now introduce myself. I'm Choi Eun-mi and I'm an half Filipino and half Korean. Nice to meet you all. Kamsahamnnida means Thank you!" nag wink pa ako sa kanilang lahat and all of them smiled at me. Masasabi ko nalang talaga na worth it ang lahat ng aking pinaghirapan. And I must say, dito na sa school na ito mababago ang aking buhay.

Same BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon