Chapter 3

24 3 0
                                    

A/N: Dedicated to kay Maria Gracia. Thank you so much, inday grasya! Hindi ko na sana itutuloy yung story pero sabi niya tiwala lang daw at mas dadami pa yung mga readers na magbabasa sa story ko. Thank you talaga indayyyy! Saranghamnida

Hindi ko na masyadong hinabaan yung UD ko ngayon kasi may kadugtong po siya siguro bukas ko nalang iyon ipupublish. Wala na po kasi akong maisip hindi gumagana yung brain celss ko. Hahahahah! Pahingi din ng votes and comments guys, jebal? Malaking tulong iyon para mas ganahan po ako.  Thank you and Enjoy reading!!


Chapter 3

Practice


"Announcement! Lady Dragons we will have a meeting at AVR this afternoon after your class. Thank you" umalingawngaw sa buong paligid ang announcement na yun. Ang dami ko pang kailangan tapusin na mga projects ko mamaya bakit kasi may meeting pa. Padabog akong pumasok sa classroom namin ng biglang pumasok si Mrs. Alvarez kaya agad akong umupo.

"Section Shark! Ginagalit niyo ba talaga ako? Sabi ko ipapasa niyo yung project niyo sa Lunes. Anong araw na ngayon?! Sumagot kayo!!" walang ibang sumagot maliban nalang kay Zaxk Monte.

"Wednesday ma'am! Wed.nes.day!"diniinan niya talaga yung pagsasabi niya ng wednesday kaya pigil na pigil ang pagtawa ng mga kaklase ko. Pero ako nakangiti lang sa kanya. Ang gwapo niya kasi, siya yung lalaking crush ko dito sa school. Mabait naman siya kaya lang ang dami niyang babae pero lahat ng mga nagiging girlfriend niya ay hindi niya sinseryoso maliban nalang sa isang babae. Maginoo din yan pero medyo bastos nga lang.

"Mr. Monte, get out!" agad naman siyang umalis na parang walang nangyari. Tumayo ako sa kinatatayuan ko para sana habulin siya pero hinarangan lang ako ni Mrs. Alvarez.

"And where are you going Ms. Choi?" yung ngiti niya ang plastic sarap sapakin ng matandang 'to. Kahit inis na inis na ako sa kanya dahil hindi ko na maabutan si Zaxk, nginitian ko nalang siya at nag-isip ng pwedeng rason para payagan niya akong umalis.

"Kasi ma'am ano-- kasi--" tiiiiinggg! may pumasok agad sa isipan ko. "Kasi natatae ako ma'am" dagdag ko pero hindi ko masyadong nilakasan yung sakto lang para marinig niya.

"Okay you may go now" may taglay din pala itong bait eh. Siguro kapag hindi siya napaniwala sa palusot ko, tinadyakan ko na 'to! Nginitian ko na lang siya pero yung pilit at agad na akong umalis para hanapin si Zaxk.

Pinuntahan ko na lahat pero wala akong Zaxk na nakita. Nasa park ako ngayon dito sa school, dito na muna ako magpapahinga at hihintayin nalang ang susunod kong klase. Habang nakaupo ako doon may narinig akong paa na bumagsak sa lupa.

"Anong ginagawa mo dito? Sino ang hinahanap mo?" nagulat ako ng marinig ko ang boses niya. Napaka lamig nito, ni hindi ko nga maibuka yung bibig ko. Tinignan ko lang yung mga mata niya, doon ko lang napansin na blue pala yung kulay nito at hindi ko rin napansin na magkalapit na pala yung mukha namin kaya napaatras ako bigla at tinakpan yung mukha ko dahil alam kong pulang pula na yung mga pisngi ko dahil sa kilig.

"Ako ba hinahanap mo?" tinanggal ko yung pagkakatakip ng mukha ko. Bakas sa mukha ko ang pagka bigla sa kanyang sinabi. Napababa ako ng tingin sa kanyang labi, pulang pula ito at parang gusto ko iyon sunggaban ng halik pero bad yun baka suntukin lang ako, mapahiya pa ako.

Dumaan ang limang minuto pero wala nang nagtangkang nagsalita sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Maya-maya pa ay binasag niya yung katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"Tara na. Malalate na tayo" kinuha niya yung isang kamay ko at naglakad na kami papunta sa classroom namin ng magka hawak kamay. Labis ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginawa niya.


Same BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon