Chapter 2

35 2 0
                                    

Chapter 2

Audition

1 month na ang nakaaraan noong lumipat ako sa school na ito at sa loob ng 1 month na iyon ay madami na ang nangyari. Nagkaroon ako ng mga kaibigan pero hindi ko alam kung plinaplastic lang ba nila ako o hindi pero isa sa kanila ang sigurado akong totoo sa'kin at iyon ay si Christine.

"Eun-mi!" umalingawngaw sa buong cafeteria ang pangalan ko dahil sa napakalakas na sigaw ni Christine. Lumapit naman agad siya sa'kin at napansin niya sigurong nakatingin lahat sila sa amin kaya nag peace sign na lamang ito.

"Bakit ka ba kasi sumigaw?" tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako, abot pa ata hanggang edsa sa lawak ng ngiti niya eh.

"Kasi ano-- may pagkain, pahingi" saktong isusubo niya yung pagkain nung binatukan ko siya sa ulo. Ganyan kasi siya kapag may nakikitang pagkain hindi niya naitutuloy yung sasabihin niya.

"Aray! Ano ba? Bakit ka ba nambabatok diyan? Huhuhu my beautiful head" napailing nalang ako sa ginawa niya at akmang tatayo na ako ng hinigit niya yung braso ko.

"Let me go, Christine. May klase pa ko at malalate na naman ako" palagi nalang kasi ako nalalate ng dahil sa babaeng 'to. Wala ng ibang ginawa kundi ang ipahamak ako, siguradong sigaw na naman ang bubungad sa akin mamaya ni Mrs. Alvarez nito.

"Teka may sasabihin pa kasi ako. Atat pumasok? Eh sa pagkakaalam ko nga, natutulog ka lang sa klase niya eh" binatukan ko nalang ulit siya dahil baka may makarinig pa na ibang teacher at hindi lang sigaw ang aabutin ko kay Mrs. Alvarez kundi detention na.

Hinigit ko pabalik yung kamay ko at kumaripas na ng takbo. Pumunta ako doon sa rooftop para magtago at mabuti nalang hindi niya ako nahabol. Tinignan ko bawat sulok itong rooftop dito sa school, ngayon lang kasi ako nakapunta dito. Sobrang fresh na hangin ang malalanghap mo at kitang-kita mo talaga dito ang magandang tanawin.

Hindi na ako pumasok sa klase ni Mrs. Alvarez dahil 30 mins late na din naman ako. Napatagal kasi ako ng pagtambay dito sa rooftop at maya-maya pa ay bumaba na ako para pumasok sa susunod na aking klase.

Kriiiiiinggggg! Kriiiiiingggg!

Natapos na naman ang klase na wala akong naintindihan. Paano ba naman kasi tintulugan ko lang yung guro ko. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na at sa hindi inaasahan andon pala si Christine na naghihintay sa akin sa labas ng pintuan. Hinigit niya ulit ako at kinaladkad papunta sa Bulletin Board. Bakit dito niya ako dinala? Kita mo 'tong babaeng 'to kinaladkad lang ako para lang pumunta dito.

"Bakit ba tayo nandito? Pupunta na ako sa dorm, inaantok ako" sabay yawn para maniwala siya pero hindi ata effective at binatukan lang ako.

"Bakit mo ako binatukan?" sigaw ko sa kanya. Brutal kasi siya, BRUTAL!

"Ikaw nga nakadalawa ka sa'kin eh ako nga isa lang! At tsaka hindi yan effective sa'kin kasi kitang-kita ko kanina na natutulog ka habang nagkaklase si Mr. Manzano" kanina pa pala niya ako hinihintay doon. Hindi kasi kami magkaparehas ng section at schedule nasa Section Shark ako habang siya naman ay nasa Section Whale pero nasa iisang dorm kasi kaming dalawa.

"Tignan mo 'to. Sasali tayong dalawa dito. Inilagay ko na yung pangalan mo sa mga mag aaudition" tinignan ko yung bulletin board

Lady Dragons Cheerleader Auditions

Date: Monday, August 18 & Tuesday, August 19

Time: 4:00 P.M. - 5:00 P.M.

Location: Gymnasium

Same BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon