Chapter 3.2

16 1 0
                                    

A/N: Guys ito na yung kadugtong ng Chapter 3. Enjoy reading! Saranghamnida!

Chapter 3.2

Practice

Kakatapos ko lang gumawa ng project ko ng tinignan ko yung relo ko it's already 2:30 A.M. Gahd! Maaga pa pasok ko mamaya, sabog na naman siguro ako nito. Napabuntong hininga nalang ako at natulog.


Dubidubidapdap Dubidubidapdap

Nagising ako sa napakalakas na ingay na nagmumula sa alarm ni Christine. Pesteng alarm na 'yan! I slammed her alarm shut. Matutulog na sana ako ulit ng mag ring ulit yung alarm niya.

"Ano ba! Bwisit na alarm 'to, panira ng tulog!" napasigaw nalang ako sa inis at sinabunutan yung buhok ko. Konti palang yung tulog ko tapos ganito. Kainis naman kasi yung project na pinapagawa ni Mrs. Almarez sa amin. Akala mo ang dali-dali hindi naman pala! Tss.

Napatingin ako sa gilid ko at nandoon si Christine na tumatawa. Grabe! Ang saya ng babaeng 'to ah. Kinuha ko yung unan ko at ibinato ito sa kanya pero nailagan lang niya ito kaya mas lumakas yung tawa kesa kanina. Mabibigat na hakbang ang ginawa ko papunta sa C.R. pero bago pa man ako makapasok ay pinandilatan ko lang siya at malakas na isinarado yung pintuan.

--------------------

Masaya akong naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin. Why? Kasi magkikita kami ni mommy later at pupunta kami sa mall para mag shopping. Kyaaaah! I'm so excited and I just can't hide it! Napakanta pa ng di oras. Habang naglalakad ako nakita ko si Zaxk na papunta sa cafeteria kaya agad akong tumabi sa kanya dahilan para magkasalubong yung kilay niya. I just smiled at him at nauna na akong pumasok para hindi mahalata na gusto ko siyang kasama.

Umagang-umaga ang dami ng pila. Hay! Dapat pala hindi na ako pumunta dito eh wala din naman akong bibilhin. Gusto ko lang kasing makita si Zaxk at gusto ko rin siyang kasabay pumasok sa classroom.

Lumipas ang sampung minuto, nakabili rin! Hinintay ko siya sa labas ng cafeteria at maya-maya pa ay lumabas na rin siya. Nauna na siyang naglakad at nasa likod niya lang ako pero napatigil siya sa paglalakad at tumingin siya sa akin kaya inayos ko ang pagkakatayo ko.

"Sinusundan mo ba talaga ako Eun-mi?" nabigla ako sa sinabi niya. Gusto kong magsalita pero walang lumabas na kahit ano sa bunganga ko. Gusto kong depensahan yung sarili ko pero bakit? Bakit ganon? Bakit umuurong bigla yung dila ko kapag kinakausap niya ako? Wae?

Napailing nalang ako at nauna na akong naglakad dahil ayokong may sumunod na naman na katanungan galing sa kanya. Naglalakad lang ako ng napakabillis na nakayuko hanggang sa may nakabangga ako.

"Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinaranaan mo?!" sigaw sa akin ng isang lalaki. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko pa siya nakikita dito sa school pero parang familiar yung mukha niya..... Aha! Siya yung lalaking kausap ni tita Estha sa kanyang office noon.

"Diba ikaw yung kausap ni ti-- Mrs. Lavina sa office niya noong isang araw? SHS student ka rin ba dito? Bakit iba yung uniform mo? Kaano-ano mo si Mrs. Lavina?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Napangiwi nalang siya sa inasta ko.

"Bakit ko sasabihin sayo? Close ba tayo?" naglakad na siya at nilampasan niya lang ako. Aba! Bastos ang lalaking yun ah, walang manners! Hindi siguro siya tinuruan ng nanay niya kung paano gumalang. Tsk! 'Sa susunod nating pagkikita, kakalbuhin kitang lalaki ka!' sabi ng nasa isip ko pero hindi ko namalayan na nabigkas ko pala ito kaya napatingin siya sa akin pero iniwasan ko lang yung titig niya sa'kin saka tumakbo ng napakabilis papunta sa classroom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Same BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon