TWEETY=CHAPTER 11

564 12 12
                                    

Tingnan mo tong amo ko, pabago bago nang mood!!

Arrrghh! Akala ko ba sabi niya lubusin ko ang pagiging gentleman niya!!

Tapos biglang back to normal na siya??

Sabagay ang weird naman kung magiging mabait siya bigla bigla noh? Mas sanay naman ako na may topak siya..

Inferness dahil sakanya medyo nakakaya ko tong broken hearted chuchu na nararamdaman ko. May naidudulot din palang maganda ang pambubwisit niya! Nabwibwisit tuloy ako kaya hindi ko masyadong maramdaman yung sakit!

And sabagay, dapat talaga hindi na ako mag emote!

Kawalan yun ni Pepito at mas pinili niya si Jelly Ace!!!

HMP!

“ Mushroom maid ano bang  mas bagay?? Etong blue o black?” 

Speaking! Eto nanaman ang amo kong si Brownies Hair!

“ Yung blue. Mas fresh tingnan..” sabi ko

“ Okay! Kukunin ko tong black.”

“ Eh?”

 Oh kitams ang weird!! Magtatanong tanong kung ano ang mas bagay at nung pinili ko yung blue, black naman pala ang pipiliin niya!!! Nagtanong pa siya!!

“ Ano mas bagay etong fit o etong medyo maluwang?’

“ Isukat mo! Wag mo na ako tanungin. Abah malay ko ba kung ano mas bagay diyan!”

“Ano ba! Pumili ka nalang nga kasi!”

“Bakit ako? Ako ba magsusuot?!”

“ Taray mo talaga!! Aha!! Sabagay NBSB!!!”

“ Hoy!! Pakialam mo ba!! Mind your own business please!!”

Ganyan na ang set up namin, Away asaran. Sanayan nalang yan

Matapos siyang mag sukat ipinadala niya saakin lahat nang mga bitbit niya!!

Feeling ko nagbubuhat ako nang anim na kilong bigas!! WAAAAAH! Ang bigat bigat! Ang dami ba namang binili, bilhin nalang kaya niya etong mall??

“ Uy! Brownies!’

Ehehe! Walang galang lang noh?

“ Oh?!’

“ Hindi mo man lang ba ako tutulungan na dalhin to? Ang bigat bigat kasi! Ano ba yan! Wagas ka mag shopping!’”

“ Bakit kita tutulungan? Trabaho mo yan!”

“ Err!!!!”

Matalisod ka sana! Matalisod ka!! Lihim na pinagdadasal ko.. Aheheh! Ang sama ko noh?

BANG!!!!!!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!

Bakit?

Bakit!!!!

BAKIT!!!

Ako yung natalisod!!!

WAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!

HUHUHUHUHUHHUHUHUHU!!!

Nakakahiya!!!

Nakadapa na ako sa sahig. At yung mga shopping bags ay nagsitilapon kung saan saan..

Ako na ang palpak!! Ako na!!

Pero syete!!!

“ OH?!’

Yan po ang reaction ni Brownies Hair nung lumingon siya at nakita niya akong nakadapa na sa sahig!

OH! OH! LANG?! WAAAAAAAAAAAAAAH!! SABAGAY AS IF NAMAN NA TUTULUNGAN NIYA AKO!

Enemy at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon