PERSONAL MAID=CHAPTER SEVEN

585 12 2
                                    

" Waaaah! kinikilig ako! kinikilig ako!"  

parang tanga lang na sabi ko. Kanina pa ako ganito mga almost 1 hour narin. Nakahiga ako dito sa banig namin tapos sigaw ng sigaw. binatukan na nga ako ni mama eh. Eh sa kinikilig parin ako. Anong magagawa niya? Gwapo kasi ni Simon, mabait pa!. Kahit hindi naging maganda pagtrato saakin nang monggoloid na brownies hair na yun ay natuwa parin ako at inaway niya ako kanina, kasi dahil sakanya nakilala ko si Simon my crush!! Imagine ah, inalok niya ako maging personal maid niya every Saturday and Sunday ha! Haba ng hair ko! Sana hindi magselos si Pepito my labs! (assuming!) haha!

Pero wait, kamusta na kaya ang Brownies na yun? Ah whatever, wala ako pakialm sakanya. Sana magkapigsa siya! bwahahaha!

Hindi naman po sa pagiging evilness ko kaya lang, sana talaga makarma siya! Hinulog ba naman ako sa upuan kanina? Ang chaka nang ugali! Kung hindi lang siya gwapo, wala magkakagusto dun eh! Yung deal na yun? Kakalimutan ko na yun. Mabuti pa ako na mismo magtapat kay Pepito nang nararamdaman ko para naman hindi na ako maging slave slave nang chonggong yun!

Oo tama! magtatapat na ako kay Pepito!

Teka? Paano kung ireject ako?

Mukhang malakas ang posibilidad na mareject ako eh,

Kasi hanggat may Jelly Ace na bumabara sa puso ni Pepito ay hindi ako makaka enter freely sa heart beat niya! Charot!

Jelly ace= term for Jelly=, first love ni Pepito.

Pero ang alam ko hindi naman nililigawan ni Pepito si Jelly Ace kaya may pag-asa pa ako! bwahaha!

Forever more ang pag asa ko noh!

Ang mission :  kelangan itsupi si Jelly Ace! BWAHAHA!

" Anak? may sasabihin pala ako sayo..."  si mama ang nagsalita, Biglang nasira tuloy ang moment ko.

Si mama talaga, panira ng moment!

Humarap ako sakanya. Napakamot ako sa ulo bigla kasi ang seryoso ng mukha niya. Nu kaya nangyari dito?

" Ano yun ma?" tiningnan ko siya ng seryoso kasi seryoso mode face niya eh.

curious na rin ako..

" Anak.."

hinintay ko magsalita si mama, pero an tagal!

" Ma!"

Tila nanumbalik na ulit siya sa earth. para kasing ang layo nang iniisip niya eh, cant reach parang ako at Pepito lang. nasama nanaman si Pepito my labs! hikhik!

" Anak, yung sponsor mo kasi, ano.. hindi raw kasi sya makakapagpadala ng pera sa loob ng six months. Eh anak, alam mo naman kung magkano yung tuition mo diyan sa Paris University na iyan, hindi kakayanin nang bulsa ko anak. Hay. "

Nabigla ako sa sinabi ni mama. Bigla bigla parang gusto kong umiyak. Kung totoo nga kasi  yun ibig sabihin niyan, kelangan ko huminto ng pag aaral kasi nga mahirap lang kami. Wala kaming pera sa pagpatustos ng pag-aaral ko. Kung kelan mas nagtitino na ako sa pag-aaral at mas sumisipag ay nagkaganito pa. :(

Ang buhay talagA unpredictable///huhu

:'(

" Hihinto po ba ako sa pag-aaral mama?"

malungkot na sabi ko. Alam ko naman kasi na duon at duon na rin lang naman ang bagsak eh. titigil ako sa pag-aaral. kalungkot man isipin pero eto na nga talaga ang kapalaran ng mga mahihirap na katulad ko.

" Hindi anak.."

medyo nagulat ako dun ha?  nabingi ba ako? Oo, nabingi lang ako!

Niyugyog ko ang tenga ko.

Enemy at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon