Tati's POV
Nasasabik sa unang araw ng iskwela! Taas kamay, with confidence let's do the first day high!
Parang baliw tong si Amana kakasayaw at kakakanta ng first day high, kala mo naman freshmen eh fourth year na nga. Di ko alam kung may saltik din to sa utak gaya ko hahaha.
"Aray naman!" Sigaw ko ng tapunan ako ni Amana ng kleenex, sakit kaya sa anit.
"Mamaya ka na mag day dream! Mag uniform kana nga! Kanina pa tuyo yang hair mo" in fairness ready na syang pumasok sa kakadaldal nya.
"Mauna ka nang pumasok, pupunta muna kase ko sa front gate" sabi ko naman.
"Mag aano ka? Layo kaya nun" oo nga noh? Naalala ko na naman tuloy yung mokong.
"Ahm ipapahatid ko nalang sa main building, okay na? Sge see you sa room" oo ipapahatid ko nalang, ang layo layo kaya nun."Okay sabi mo eh, call me pag nawala ka"
With that umalis na si Amana.Nag ayos na ko at namangha talaga ko sa uniform namin. It was a dark gray uniform na na may white-striped lines na maninipis which give emphasis more sa gray color. May badge ng logo ng school at ang nakalagay lang na name is Elite. Hmmm nice choice of school Mom.
I was about to leave when someone pulled me. It's Amana.
"Selfie muna tayo, say kim-chiii!" At dahil nabigla ako sa pagsulpot nya, imbes na kimchi, nakangiwi ako.
"Pano ba yan Tati, mas pretty ko sayo dito? Hahahahahahahahaha" tumakbo na sya paalis bago ko pa sya mabatukan. Baliw talaga yung babaeng yun.
20 minutes nalang bago 7:30am. Nako antagal ni Manong, hahanapin ko pa room ko sa Acad Building 4. Nang mamataan ko ang kotse ko, tumayo na ko para abutin ang ipinabigay ni mommy.
"Ana, sorry ngayon lang, eto na yung pinapabigay ng mommy mo, nakong bata ka, mag iingat ka lagi, alam mo namang 2 oras ang layo ng lugar natin sa school mo. O sya? Pakabait ka dito."
Nagpasalamat ako kay manong at mabilis na kumaripas ng takbo para hanapin ang building. Kung anong laman ng hawak ko? Secret hahaha malalaman nyo din naman eh secret muna.
Sa kabutihang palad, may map guide ang napakalaking university na to at nakita ko ang Acad4. Isang napakalaking building made of entire glass windows in the front.
Bago ko pumasok sa elevator, dumiretso muna ko sa powder room. Konting pulbos, konting suklay, okay na. Di naman ako kagandahan dun. Pagpasok ko sa elevator, goodness dadalawa lang ang button at star lang ang nakalagay dun at yung isa G which is ground floor. Ganito ba talaga dito?
Nasa dulo pa ang room namin kaya diretso lang ako. Dumaan ako sa room ng 4B, 4C at 4D. Grabe ang gugulo.
Pagpasok ko ready na kong maggreet ng may bumangga saken na higante at pagtingin ko yung lalake na naman nung isang araw!
Magsasalita sana ko ng kumindat sya saken at nagtilian naman ang mga babae sa room namin. Arghh! Yabang!
Hinanap ko na ang seat ko, malapit sya sa window at nalungkot ako ng medyo kase naman yung dorm mate ko nasa 4B, wala tuloy akong kausap dito. Kaya ang ginawa ko pinatong ko ulo ko sa braso ko at nagtulug-tulugan. Nagtext na din ako sa dormy ko na okay pa naman, buhay pa ko.
"I think scholar lang sya, see? Wala ngang kaamor amor yung mukha nya, ang hirap hirap nya pa kase yung phone nya halata namang fake at basag basag pa" narinig kong sabi nung babae sa may gilid ko.
BINABASA MO ANG
Julian Archangel's POV
Fiksi RemajaBecause the man wasn't good, but he was great. - Tati - First Book by amanaiaWP On-going Book 😇💛