Gabbi's POVAko nga pala si Gabbi Calixto. Pinsan ko si Tati. Umuwi kami ng Pinas dahil sa Papa ni Tati. Nagtransfer kami sa Crimson Woods dahil kay Tita Eroma, ang may-ari ng Aamore's clothing line, isa sa mga million-dollar clothing line na naitaguyod ng mama ni Tati. At ngayon? Hindi ko alam kung ano na namang masamang mangyayari pero isa lang ang sisiguraduhin ko, at yun ay ingatan si Tati at ilayo sya sa maaaring makasakit sa kanya.
Napag-alaman ko sa bestfriend kong si Julian na pinapakialaman na naman daw ng pinsan nya ang pinsan ko. Hindi ko hahayaan na gawin nilang dalawa kay Tati ang ginawa na nila dati sa iba. Dahil hangga't maaari, ayokong ipaalam sa kanila ang sikreto ng mga Angeles.
Pero wag naman natin masyadong seryosohin ang buhay. Hindi ko yun linya.
Pinagbigyan lang ako ng Author natin na magka POV para ipakilala ko sarili ko sa inyo.Again, ako si Gabbi Calixto, isa sa mga campus crush ng University na to. Oo may title na ko, tignan nyo pa sa bulletin board ng CWUE. About naman sa relasyon namin ni Tati, yung mama nya kapatid ng mama ko. Yung parents ko? After nilang maitaguyod ang Calixto Airline Companies at ilang international airports, hindi ko din kase nabilang lahat basta nasa 3 digits yun. Humble ko noh?
So yun nga, classified kase ang aming angkan kaya hanggang dito lang muna ang daldal ko.
--
Tati's POV
Lumipas na ang 1 week ko dito, thank God friday na! Hindi ko alam kung anong meron sa friday basta alam ko lagi akong pinapasaya ng araw ng biyernes.
Feel ko lang maganda ang araw na to. Ang lamig lamig pa ng simoy ng hangin.
Papalabas na sana ako ng Dorm namin ng biglang umulan ng malakas. Wala pa naman akong dalang payong. I was having my debate if tataas ako at kukuha ng payong or tatakbo nalang papunta sa may pathway, dun kase may bubong yung daraanan mo papunta sa lahat ng academic buildings. Dumaan sa harap ko si Eiron, at nag aalok na makisabay nalang daw ako tutal same class naman kami. May choice pa ba ko?
Sumabay ako pero hindi ako naimik. Ayokong masira ang araw ko pag nagbunganga na naman ako.
"Uy"
"Uy Yanna"
Sinundot sundot nya yung braso ko kaya napatingala ako sa kanya.
"Ano bang problema mo? At sinong Yanna?" inis kong tanong kay Eiron. Nakatingala pa rin ako sa posteng to, kaya ang ginawa nya, yumuko sya ng konti dahilan para magtama ang aming mga mata.
"Ikaw sino pa bang kausap ko?" pabalang nyang sagot saken kaya hindi ulit ako umimik at inirapan lang sya.
Malapit na kami sa Acad4 at nagpasalamat na ko sa pagpapasilong nya ng payong nya pero bago pa man din ako makalayo, tinawag nya ko at sinabing.
"Yanna, can I ask you out?"
Natigilan ako. Seryoso ba sya? Naglakad ulit ako pero this time, pasigaw na yung pagsabe nya.
"Yanna, may date tayo ah!"
Nagsipagtinginan ang ilan sa mga estudyanteng nakarinig sa sumigaw.
Alam kong namumula na ko kaya tumakbo na ko palayo sa sira-ulong yun. At anong date? Hmp asa sya!

BINABASA MO ANG
Julian Archangel's POV
Teen FictionBecause the man wasn't good, but he was great. - Tati - First Book by amanaiaWP On-going Book 😇💛