Author's Note
Dear silent readers as well as sa mga nagcocomment, masasagot na po ang mga katanungan nyo between the two Woods, pasalamat kayo kay Eiron, daldal nyang lalake. Hahaha. Happy reading! 💛💛😇Tati's POV
"Sayo ba tong sketchers na to? Tinatanong ko" muling tanong ni Julian saken.
Napalunok ako bago sumagot sa tanong nya at tumango bilang pagsagot.
"Anong naging kasalanan ng bagay na to para batuhin mo ko?" mas lalo akong kinabahan ng tanungin nya ulit ako.
Hindi na ko nakasagot pa sa tanong nyang yun."Kung hindi ka sasagot, ang bagay na to ang magpapasagot sayo" anong ibig nyang sabihin dun?
After saying those bigla nya nalang tinapon i mean binalibag ng sobrang lakas yung sapatos ko at tinamaan yung leader ng bullfrogs.
"Now miss, I don't want you near me"
Bago pa man ako makapagsalita, iniwanan na ko ni Julian after saying those mean words to me. At sinugod naman ako ng echoserang bullfrogs."Ang lakas naman ng loob mo para batuhin ng ganun si Amanda" sabi nung girl na i think saganang sagana sa blush on.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo" sabi ni Amanda, sabay irap saken nung tatlo at dumiretso na sa court.
Hindi naman ako threatened sa tatlong yun, sila yung version ng kontrabida pero mga komikera. Masaya rin ako kase finally, hindi na echoserang froglets tawag ko sa isa sa kanila. 1 out of 3 na.
Nag roll call naman yung instructor namin kaya dali dali akong dumiretso sa cr para magpalit.
Nakalimutan ko na naman yung isang sapatos ko, kaya after kong isuot yung uniform, saka ko hinanap yung shoes ko. Pero teka asan na yun?
Sa sobrang stress ko dumiretso muna ko sa bleachers at uminom ng tubig. Siguro nagtataka kayo kung bat ang tagal namin maglaro? Syempre, apat na sections, 30 students per class kaya syempre mabagal usad ng takbo sa cr para sa mga girls.Lumapit saken si Amana at kinamusta ko after yung incident with Julian at yung froglets.
Pasalamat daw yung mga babaeng yun at pinatawag sya sa office, kung hindi reresbak sya. Syempre, Amana Tucson will always be Amana Tucson.
Amana pointed out my shoes at namroblema na naman tuloy ako. Magsstart na kase ang game.
Ng may lumitaw ng kabute sa harapan ko at biglang lumuhod. Walang paalam na sinuot nya yung kapares ng sapatos ko at bigla syang kumindat na dahilan naman para mamula ko.
"Naks pare, pag ibig na ba yan?!" Sigaw nung isa sa mga kasama ni Eiron kaya naman nabalik ako sa huwisyo ko.
"Hindi tol! Concerned lang ako sa amoy ng gymnasium naten, may pakalat kalat kaseng sapatos eh" sabi nya naman kaya mas lalong uminit ang dugo ko. Seryoso? Wala na bang alam ang mga tao kundi bwisitin ako?! Hindi ko nalang sya papatulan, hinila ko na si Amana papunta sa court at hindi na pinansin pa yung mga lalake dun.Eiron's POV
"Ano nga tol? Tinamaan ka na kay Angeles ah? Kala ko ba si Iana pa rin?" Tanong saken ni Ford. Captain ng Seniors namin. Nakiusyoso na rin yung iba ko pang kaibigan na nanunudyo samin ni Tatiana.
"Tumahimik nga kayo, gugulo nyo" tumatawang sagot ko habang nag iisip ng magandang plano.
"Ano na namang naiisip mo ha?" Tanong pabalik ni Miel. Kasama sa athletics club.
"Pustahan" yun lang ang naging sagot ko dahilan para maghiyawan ang grupo. Biglang dumaan si Julian kasama yung si Gabbi kaya sinabe ko na rin lang.
"Pinsan" tawag ko at tumigil naman sya.
"Makinig ka. Kilala mo ba si Tatiana Angeles?" Hindi sya kumibo kaya pinagpatuloy ko ang sinasabe ko"Wanna bet? I'll make her fall in love with me, at pustahan tayo, this time ako naman ang mananalo" i said those words na lalong mas naging kapana-panabik para saken na gawin.
BINABASA MO ANG
Julian Archangel's POV
Novela JuvenilBecause the man wasn't good, but he was great. - Tati - First Book by amanaiaWP On-going Book 😇💛