AUTHOR's NOTE
Ginupo ako ng antok habang nagtitipa ng mga ideyang pwede pang ipalaman sa kwento ni Julian Arch, at sana magustuhan nyo ang kinalabasan nito sa chapter na to. Happy Reading 💛
-
Tati's POV
"May dapat kang sabihin sakin Tatiana"
Base sa mukha nya, halatang seryoso sya. Ngayon nya lang din ako tinawag sa buo kong pangalan eh.
"Anong pangalan ng Mama mo?"
Diretsong tanong nya saken."Uhm bakit?" Nalilito kong sagot, pilit nag-iisip ng rason para sa mga tanong nya.
"I mean, Eroma ba ang pangalan ng mom mo?" Nagbago ang tono nya this time from seryoso to nagpipigil na excited.
Hindi ko na talaga alam kung anong ganap sa takbo ng utak nitong si Amana.
"Yes, Eroma Angeles nga. Ano bang point mo?" Sana naman tumigil na sya sa katatanong, gusto ko ng matulog.
"So ikaw ang unica iha ng Aamore's Clothing line. Basically dahil pangalan ng mommy mo na reversed lang naman ang spelling at dahil karamihan sa suot mo, galing sa clothing line na yun. Tama ako diba?" Nagagalak na hula ni Amana. Akala ko naman kung anong meron, kanina lang grabe tinalo pa si Tito Boy sa pagtatanong.
Biglang nag-ring ang phone ko, unregistered number sya pero sinagot ko, way to escape from Amana's interrogation.
"Yes hello? Ahmmm opo na take ko na yung medication. Right, sge goodnight mom, love you!" Sinadya kong marinig yun ni Amana na sumusunod sa likod ko habang papunta kami sa dorm namin. Pagod na ko para mag explain at tsaka gusto ko ng matulog.
Hindi na ko kinulit pa ni Amana tungkol sa mom ko at masayang sumunod sya hanggang sa makapasok kami sa loob.
"Btw Tati, hindi ka naka-attend nung application for university clubs kaya ako na lang naghanap ng club mo. Ipinasok kita sa Cheeriors Club"
What?
"Anong cheeriors? Don't tell me na" agad na pinutol ni amana ang sasabihin ko at sya na mismo ang nagdugtong nito.
"Cheeriors Club or Cheerleading Club! I'm so happy for you, qualified ka Tati! And wala din daw silang cheerleader kase wala na yung Iana Angelos ba yun. Magaling ka naman diba, i know you can make it to the next cheerleader of this university. Kaya mo yan girl" excited na pahayag ni Amana.
Wala naman na kong magagawa kundi tumango. Medyo pagod na rin ako para makipagdiskusyon pa sa babaeng to.
Napansin naman ata ni Amana kaya nag goodnight na kami sa isa't isa tas diretso na sya sa bed nya. Tumaas na rin ako sa floor ko. Nag inat inat na ko at ready to sleep na nang mag beep ulit ang phone ko.
Hindi ko nalang pinansin. Baka globe advisory lang naman eh.
Bukas ko nalang babasahin yun. Inaantok na talaga kase ko.-
Saturday, 5:00 am. Nag ring ang phone ko kaya sinagot ko pero nakapikit pa rin ang talukap ng eyes ko.
BINABASA MO ANG
Julian Archangel's POV
Teen FictionBecause the man wasn't good, but he was great. - Tati - First Book by amanaiaWP On-going Book 😇💛