YC - 9

18 0 0
                                    

***

"Nikkaaa! Saglit lang huhuhuhu nasaan na kasi yong pajama kooooo. May magnanakaw ng gamit ko!" dahil nahihiya na ako kay Sab kakasigaw niya ay sinilip ko siya sa loob ng tent namin para kamustahin siya kung nahanap niya na ba yong pajama niya.

"Ikaw kumuha ng pajama ko no! Ehhhh!" akusa ba naman sakin pagkapasok ko

"Yong spongebob ba? Diba ginamit mo kagabi yon? Tas nagpalit ka na kasi madumi na yon. Ito oh." Pakita ko sa lalagyan niya ng lalabahing damit. Wow, ang gastos niya sa damit ah.

"Oo nga pala. Bat di mo sinabi kanina? Kami pa ako naghahanap eh."

"Busy ka kaya. Bilisan mo na dyan, kailangan na nating maligo no. Kakain na tayo mamaya."

So natapos na nga kanina yong activity for the afternoon. Mga 4:30pm yata kami dinismiss kasi nga natapos agad namin yong pinapagawa nila so nagkaroon pa kami ng time para ipahinga ang aming mga pwet na nagkakalyo na kakaupo. Tsaka nawala na rin yong dalawa naming kasama nong nagsikalat na lahat ng mga campers. Di man lang nagpaalam samin—Wait, pinagsasabi mo, Nikka? So pakialam ko kung di sila nagpaalam? Ang gugulo nilang dalawa eh.

Nakisabay na rin ako kina Sab kanina papunta dito sa campsite through sa may highway na dinaanan nila kanina. Mas maluwang nga doon kesa don sa masikip na daanan sa likod ng school. Tsaka baka maulit nanaman yong nangyari sakin doon kanina. Hays.

So bale, after naming nagpahinga kanina, nagdecide na kami na maligo para wala ng problema mamaya kasi nga may activity nanaman kami after dinner.

"Maliligo na ba kayo, Nikka?" si Maridale at si Roi Anne kasama narin sina Karen at Issa na ready na ring maligo.

"Ah oo. Tara na."

So sabay-sabay na kaming pumunta sa may school para maligo. Nong pumunta kami sa pinagliguan namin kanina, may mga nakapila na at medyo madami so naghanap ulit kami. Luckily, may nahanap kami malapit don sa igiban ng tubig. May mga nakapila rin doon at teka,

"Nikka?" si Bella nga.

"Ikaw pala. Nakapila ka rin dito?"

"Nope, sinasamahan ko lang yong kaklase ko. Tsaka malapit lang bahay namin dito, umuuwi ako. Kayo? Maliligo rin kayo dito?"

Tumango naman ako at saka pinakilala yong mga kasama ko.

"Hi Bella. Nasan si Edward at Jacob?" tanong ni Issa. Twilight ganon? Haha.

"OMG! Ikaw si Bella ng twilight?!" napa-pokerface na lang ako kay Sab at kinatok ang utak ng bestfriend ko para matauhan. Hays.

Nakipagkwentuhan naman si Bella sa mga kaibigan ko habang hinhintay yong pila. Tungkol sa mga nameet nila ngayong araw. Syempre di nawala yong mga gwapo, lalo na't nandyan si Issa at Karen. Kulang na lang sina Vanessa dito eh. Nauna na raw silang naligo eh sabi nila Maridale.

Nang matapos na yong kaklase ni Bella ay nagpaalam na sila para umalis. Kami naman, ayun, sumunod na rin. Nauna ulit sina Maridale at Roi anne maligo samantalang sina Issa, Karen at Sab ay nagigib so bale ako ang iniwan nila para magbantay ng gamit at ng pila. Great. Ang galing talaga nila.

Nangmatapos na kaming maligo lahat ay bumalik na kami sa campsite. 6:30 pm pa lang naman at mamayang 7pm pa yong dinner. Wala na rin yong buddle fight. Sabi nila sa first day lang yon. Kami naman, buti na lang. Ayoko ng magkaroon ng LBM sa madaling araw nuh. Nagkwentuhan rin kami dahil nga naghihintay pa kami para sa dinner at napansin naming wala yong mga boys. Andito na kasi lahat ng girls.

Youth Camp (Short Story) [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon