1

87 3 1
                                    

"Ang INIT!!!"

Kahit naka harap nako sa electric fan namin at naka-3 pero grabe talaga ang init! Hindi mapigilan ang pagpatak ng pawis ko.

Kung may Aircon lang tong apartment na bago naming tinitirhan edi solve na pero wala eh. Ang 3 ng electric fan na to parang 1 lang sa akin.

Wala talaga akong maisip na maisusulat sa init na to.

Makabili nga ng ice cream.

Kaya tumayo na ako at nagsuot ng jacket, ang talino ko rin nagja-jacket kahit ang init pero pag hindi ako magja-jacket sunog na ako pag-uwi.

Mukhang naiwan kasi yung payong namin sa dating tinitirhan namin.

Paglabas ko chineck ko muna kung nalock ko ba ang apartment halos limang beses kong pinihit bago ako nakumbinsi na nalock na.

Dumeretso ako sa malapit na convenience store at bumili ng dalawang small size na box ng ice cream.


"Salamat po." sabi ng cashier sabay iniabot sa akin ang binili ko.

Paglabas ko biglang bumuhos ang di ko inaasahan na pag-ulan.

Waaaaahhhh!!

Ang salamin ko mababasa at sabay ng malakas na patak ng ulan ang pagbu-blurry ng aking paningin.

Wala akong dalang payong! Dali-dali akong sumilong sa malapit na shed at pinunasan ko ang aking salamin at naghintay na tumila ang ulan...

Halos 30 minutes na akong naghihintay dito o kaya more than 30 minutes na pero parang walang plano ang ulan na tumila...

Summer ngayon besh nasan na ang sun? Okay naman na umulan pero bakit ngayon?!

Wala akong payong at ang ice cream naging useless.

Kumain ba naman ng ice cream sa lamig na to!

Ang ibang tao sinundo na, ang iba may payong at saglit lang na nagkisilong at unti-unting umaalis ang mga tao hanggang ako nalang naiwan mag-isa. Ubos na rin yung pera ko na inilaan ko lang na para sa ice cream.

Wala talagang planong tumila ang ulan, hindi rin siya humina, aanurin na siguro ako ng baha.

Bago yun mangyari, tatakbo nalang ako pauwi kung hindi talaga humina ang ulan.

Maarte na kung maarte pero sa totoo lang, I prioritize my health kaya ganito ako, charot.

"5:47 p.m."

Patay!! Malapit nang maggabi hindi pa ako nakakauwi at ang ulan ay malakas pa rin.

Nawala agad ang pag-aalala ko at nabaling ang attensiyon ko sa isang matangkad, gwapo, at basang-basa sa ulan na lalaki.

Dali-dali kong tinaggal ang salamin ko at pinahiran at tama nga ako.. Gwapo nga!

Ngayon lang kasi ako nakakita, Joke!


Kala ko nga artista na nagshooting dito dahil sa kagwapuhan niya at mas naging hot siya ng sinuklay niya ang buhok niya, gamit ang kanyang daliri.

Sabay yung tubig ay dumaloy galing sa kanyang buhok papunta sa kanyang mukha, sa leeg, sa chest
niya-------------------------Teka, ano ba tong pumasok sa isipan ko.

"Makikisilong ako ha?" Sabi niya sabay ngiti.

Tumango lang ako at umupo siya sa kabilang dulo.

Bakit siya nagtatanong hindi naman to sa akin ang shed nato.

Yinuyugyug niya yung ulo niya kaya tumalsik yung tubig galing sa basang-basa niyang buhok.

At dahil nga hindi matanggal ang pagkakatingin ko sa kanya, tumalsik yung tubig sa mata ko.

"Aray!" agad akong napapikit.

"Miss are you okay? Let me see." at ang ikinagulat ko ay ang lapit na ng mukha niya sa akin.

"sorry." bigla siyang ngumuso, gusto niya ba akong halikan!?

Te-teka! Masyado pang maaga! Hindi pa ko ready, hindi ko nga alam kung nakatoothbrush ba ako kanina.

Pero pinikit ko nalang ang mata ko ng papalapit na ang kanyang mukha, parang ito na ang moment.

Okay lang na siya ang first kiss ko, atleast may maipagyayabang ako na ang gwapo ng first kiss ko at ang ganda pa ng moment...

...dalawang taong basang-basa sa ulan at sumilong sa isang shed habang------

"Miss? What are you doing?" napahinto ako sa pagnguso ng labi ko at agad akong napamulat.

So hindi ito ang gusto niyang gawin?

That Summer, That Shed, That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon