13

18 3 0
                                    

Dahan-dahan akong lumayo,

OA ko rin plus assuming pa,

Karma yata to.

Pero napahinto ako,

nang tinawag niya ako.

"Peeennnn!"

*eekkkk (sound effects ng humintong bike)

Napahinto ako,

pati yung pintig ng puso ko parang huminto din,

at yung luhang tutulo na sana ay pinigilan ko rin.

"Ikaw nga! Kahit nakatalikod ka kilala talaga kita!"

Bumungad sa akin ang masigla niyang mukha.

Malamang masaya siya dahil nakita niya yung babaeng masayang-masaya niyang kausap kanina.

"Wait, why do you look like you're not happy to see me?"

Kung alam mo lang gano ako sumaya nang makita kita na sa puntong napapaiyak na ako.

At pumutak nga ang luha ko.

"Hahaha are you really that sad not being able to see me?! Let me hug you then."

Bumaba siya sa bike niya at a-akma sanang yakapin ako pero tinulak ko siya.

"Ouch, Joke lang nga."

Nagkunwari siyang nasaktan ang puso niya at habang yung puso ko mas nasasaktan dahil namiss ko yung pagkakataong ma-hug siya.

Ang bobo ko talaga pero medyo nasaktan kasi ako at ayaw ko namang umasa pa sa taong may iba na, ayaw ko kaya nang ganyan.

Kaya ayon ang luha ko biglang umagos at hindi ko na ito mapigilan.

"Uyy, ano ba, baka mapagkamalan akong pinaiyak kita. Nalungkot ka ata na wala kang makausap noong wala ako. Sorry hindi ako nagpaalam."

Mukhang di niya ata alam kung anong gawin at parang naging guilty pa ata siya.

Dapat lang! Panagutan niya, siya ang dahilan nito.

"So-rry ayaw humin-to."

"Alam ko na kailangan mo lang ng pasalubong, teka lang."

May kinuha siya sa bulsa niya at yung cellphone niya pala ang kinuha niya.

"Na-naku! Hindi ko kailangan ng cell-phone." sabay tanggi ko sa alok niya.

"Hahahaha, you're funny. I'm just going to call someone, wait here." a
Lumayo siya ng konti at tumalikod sa akin.

"Yeah... Bring it... thanks." yun lang ang narinig ko ng maayos.

"A-no yun?"

"Nah, Just asking someone to bring something to my special friend."

friend...

Sana hindi nalang ako nakakaintindi ng english, ang ouch kasi ng word na friend galing sa taong gusto mo hahahaha.

"Here."

huh?

"It was in my bike's, drink it."

Pero indirect kiss to pag-iinom din ako dito.

"Uminom ka na ba dito?" pagsu-sure ko.

"Don't worry, marami pang naiwan."

So,

so,

so magkaka-indirect kiss nga kami!?

"Uyy, bakit ka namumula? May sakit ka ba?"

"Errr..."

Yung luha ko parang umatras ata.

"Walang poison yan kung makatingin ka ha parang ang diri nito, akin na nga yan kung ayaw mo."

Binawi niya ang tubig.

Ang indirect kiss ko huhuhuhu.

"Watch and learn, wala tung poison." at uminom siya pero konti lang.

"See nothing happens. Now it's your turn."

Ehh? At inabot niya ito sa akin.

Slow ba siya o ako lang talaga tong OA?

*eeekkkk (sound effects ng bike na huminto pero doon sa malayo, teka may ganun ba?)

Napatingin kami sa babaeng huminto sa shed.

"Karen?"

That Summer, That Shed, That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon