3

11 1 0
                                    


-Insert awkward silence-

Hindi ko alam anong gagawin. Ang sobrang tahimik na nakakabingi na!!

Ang OA ko rin, sa tingin ko hindi ganyan ang nararamdaman niya, wala na nga siguro yang balak kausapin ako!

Nakatingin ako sa ice cream ko at kumain nalang ako kahit ang lamig dahil medyo gutom na kasi ako at para na rin mawala ang attensyon ko sa gwapong nilalang na ito.

Nararamdaman ko ang mga mata niya sa akin.

Alam ko nawe-weirduhan siya sa akin, eh sinong kumain ng ice cream sa lamig nato?

Malamang ako.

Sino rin namang nagsabi na hindi pwedeng kumain? Diba wala.

"Miss? Hindi ka ba giniginaw?"

Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko at kinuha ko ang isang box ng ice cream at binigay sa kanya.

"Gu-gusto mo?" Sabay abot ko sa kanya.

Bigla siya tumawa at pramis ang cool pakinggan!

"Seriously?! Miss, Thanks but no thanks. Sayo na yan."

Feeling ko rejected ako pero okay lang eh di kung ayaw niya mas mabuti na din yun may makakain pa ako sa bahay.

Ang gwapo niya kahit hindi ko masyadong nakikita dahil walang ilaw pero naiilawan din naman siya minsan sa mga sasakyan na dumadaan.

Bigla nalang ako parang nabulag dahil sa ilaw ng sasakyan na pumarada sa tapat ng shed at may bumaba na lalaki na may dalang payong.

"Sir, umuwi na po kayo. Your parents are waiting for you." at lumapit ang lalaki sa shed.

Tumango lang siya at lumingon sa akin.

"Bye, Miss."

At umalis na siya at ang alalay o bodyguard niya ay sunod ng sunod at pinagbuksan pa siya ng pintuan.

Mayaman pala siya.Expected naman sa gwapong yun, sa pananamit niya, sa gamit niya, at sa mukhang yun. Asus, sinong di mage-expect.

Pero bago siya sumakay may binulong siya sa lalaki at tumango din ito.

Nagulat na lang ako nang bumalik siya at binigay niya ang payong sa akin.

"Parang hindi na titila ang ulan, madilim na at baka may masamang mangyari sayo. I'm sure nag-aalala na rin ang pamilya mo sayo." At iniwan niya ang payong niya sa akin.

"Sa-salamat..." Hindi ko naman alam ang pangalan niya kaya salamat nalang ang sinabi ko.

"It's Patch. That's my name."

At sumakay na siya sa magara niyang sasakyan at ayun naiwan akong nakatunganga.

Patch? ang weird naman.

Umuwi ako pagkatapos kong ubusin ang ice cream at umuwi gamit ang payong na ibinigay niya sa akin este binigay ni Patch sa akin.

Siguro kahit magkita kaming muli di ko to isasauli.

Hehehe mayaman naman siya at kaya niyang bumili ng milyon-milyong payong, remembrance nalang to hahaha!

That Summer, That Shed, That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon