9

5 1 0
                                    


"Ahh, akala ko parehas tayo, palusot ko lang kasi na magtambay dito at kunwari nakikinig ng music."

Hindi ko masyadong narinig and sinabi niya pero pagkatapos niyang sabihin yun ay medyo nawala yung sigla niya nung sabihin niya yun.

Nagkaroon pa ng konting katahimikan, bago ko sinimulan ang usapan.

"Siguro it's much better if papahiramin kita ng maraming payong para lagi kang bumalik dito?"

A-ano bang sinasabi niya at tumawa na naman siya.

"Bakit ka pala nandito?" diba yung mayayaman nagbabakasyon sa ibang lugar hahaha natawa ako sa sinabi ko parang may experience ako bilang mayaman.

"It looks like nawala na ang depekto mo sa pagsasalita." at tumawa siya nang mapansin na hindi na ako nauutal.

"Hoy wag kang biglang magchange topic!"

"Ikaw bakit ka nandito?"

Bigla akong nagulat sa tanong niya, hindi naman siguro ako magco-confess ngayon diba?

"Hoy! Huwag mong ibalik ang tanong ko o kaya sagutin ako ng tanong!"

"Actually, someone gave me the reason to be here today, tomorrow, the day after tomorrow, next week, next month, next year, basta makita ko lang siya..."

Hindi naman siguro siya paasa o ako lang talaga umaasa pero ang bilis talaga ng tibok ng puso ko.

"Nakita mo na ba siya ngayong araw?" bakit ko ba yan tinanong? Masasaktan ka lang, pano kung hindi pa ang isagot niya!

"Yep! Nakita ko na siya." at nakatingin siya sa akin deretso sa mga mata ko.

Kung natunaw na ang ice cream ko dahil sa init ng panahon siguro matutunaw din ako dahil lang sa taong ito.

"Kailangan ko nang umuwi." at tumayo na siya.

"Hoy! Nakikinig ka ba?"

Hindi ko namalayan na nakatunganga pa pala ako.

"Ha?"

"Kailangan ko nang umuwi, Later!" at umalis na siya.

At tila ang late nagreact ng kamay ko at doon pa nagbye noong nakatalikod na siya sa akin.

Pero lumingon siya at nagwave sa akin at ngumiti.

Hindi naman guro masamang umasa diba?

---------->May paasa ba or may umaasa? Anyway, thank you po at pinagpatuloy niyo ang pagbabasa hanggang chapter 3, hindi naman to mataas, short lang. Don't forget to scroll or swipe to the next chapter :)

That Summer, That Shed, That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon