15

15 3 0
                                    


Parang nanghihina ako,

hindi dahil pagjo-jogging dahil to kay Patch at Karen.

Napabagsak nalang ako sa kama ko at napaiyak.

Eh ano na naman ako sa buhay niya?

Bakit naman ako paiyak-iyak hindi naman kami ano.

Ang sarap sipain ng pagmumukha ng taong yun.

"huhuhuhu... Kainis."

At naisipan kong tignan yung pasalubong niya sa akin.

Huhuhuhu ang rami nito, wala bang hidden meaning ito?

Ayaw ko na tuloy pumunta doon, nakakahiya.

Mabuti nalang at hindi niya alam na nag-assume ako na gusto niya ako.

Makakuha na nga sa laptop ko at pumunta ako sa table ko at doon pinagpatuloy ang story kong bago ko lang sinimulan.

Occupied kasi ako masyado kay Patch noong mga past few days kaya ito, walang napagkakitaan ngayong summer.

Pero medyo nainspired tuloy akong gumawa ng sad ending.



"Pen, gising."

Patch? Nandito siya sa bahay?

"Patch!"

Napadilat agad ako ng aking mata at nadismaya na si mama lang pala.

"Patch? Sinong patch?"

Ughhh, bigla tuloy sumakit yung puso ko.

"Nagpuyat ka na naman sa ginawa mong story? Huwag ka na kasing tumulong kumita ng pera. Magsikap kang mag-aral at kami ng papa mo ang magsisikap magtrabaho." tumango lang ako.

Ayokong ilabas ang galit ko sa mama ko, alam ko gusto lang niya kung ano ang mas makakabuti sa akin.

"Pagnagkasakit ka na naman, malulungkot talaga kami. Halika na kakain na tayo."

Ahh tama saturday pala ngayon walang trabaho sila mama.

Family day at erase-erase muna si Patch sa isip ko ngayon.

"Sige ma, susunod lang ako."

"Sige." at lumabas na si mama.

Tumingin ako sa mirror na malapit sa akin at nakita ang malaki kong eyebags at ang pula kong mga mata, hindi naman ata to dahil sa pagpupuyat ko sa pagsusulat ng story, dahil to sa kaiiyak ko kagabi.

At pinaadar ko yung nagsleep kong laptop at nakita na wala akong nadagdag sa sinusulat kong story.

Masyado atang blangko ang isip ko para makasulat pero kung hindi ito blanko, puno ata ito kakaisip kay Patch.

Napabuntong hininga nalang ako at tinali ang buhok ko at inayos yung salamin ko, hindi ko kasi nahubad kagabi.

Lumabas na ako at pinunasan ang mukha ko at kumain kasabay nila mama.

"Nak!"

"Opo."

Lumabas ako sa kwarto ko at tumungo sa sala kung saan nandon sila mama at papa.

"Bumili ka ng ice cream nak. Init kasi, magpalamig tayo."

Wala naman ata ngayon si Patch kaya okay lang.

Lumabas na ako dala-dala yung payong ko, I mean payong ni Patch.

Dumeretso ako sa convenience store at hindi talaga ako lumingon sa shed nang dumaan ako doon.

Pagkatapos akong makabili, plano kong umuwi agad pero napahinto ako malapit sa shed.


"Pen!"



Binungad ako ng nakangiting gwapong Patch.



Ang plano kong hindi makita ang nilalang nato,

hindi natuloy.




---------->Waahhh, nakapag-update na din. Salamat po sa pagsupporta sa pamamagitan ng pagbigay ng reads sa story ko, grateful talaga po ako. Please antayin niyo po ang last chap ng TSTSTB. :)

That Summer, That Shed, That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon