[2 - Dreamland]

583 12 3
                                    

A/N: Labyu kasi e! HAHAHA. Short update. Bukas na yung kasunod. Hihi.

Nakatulog ako sa puno ng di ko namamalayan, grabe. Sobrang napagod ba ko? Hindi naman ah. Pero pagkagising ko, nagulat na lang ako sa nakita ko. Isang tahimik at maaliwalas na lugar. Napapalibutan ng matataas na puno.

Naglakad-lakad ako sa kabuuan ng lugar na 'to, pero malayo-layo na rin ang narating ko pero wala ni isang tao. Nasan na ang mga tao dito?

Hindi ako nakakaramdam ng pagod habang sinusuyod ko ang kabuuan ng lugar na 'to, parang feeling ko nakatigil ang oras. Nakatigil ang oras habang ako ay naglilibot, yun ang pakiramdam ko.

Napakaganda ng lugar na 'to, parang lahat ng tao hihilinging mamuhay dito. Ang sarap sa pakiramdam ng bawat hagpas ng hangin sa aking katawan, lumilipad na ibon na naglalabas ng napakagandang huni, isa ito sa mga pinangarap kong mapuntahan.

Nakarating ako sa malayong lugar, pero walang pinagbago, kung gaano kaaliwalas at katahimik ang lugar na pinanggalingan ko kanina, ganun din ang makikita mo rito. Wala ding mga tao, ang makikita mo lang ay mga hayop na bihirang makita sa tinatawag nating mundo, ang pagaspas ng hangin ay naghahayag na walang polusyong namumuo dito. 

Nagulat na lang ako nang may biglang bumato ng papel sa ulo ko. Pinulot ko ang nalaglag na papel, at binasa ang nakasulat dito.

6 Impossible Wishes

1. Mapadpad sa isang tahimik at maaliwalas na lugar. Check.

Doon ko lang napansin na wala na pala ang kalokohang wishes na ginawa ko. Nananaginip ba ko? Sinampal-sampal ko ang sarili ko, kinurot ko pa nga pero walang nangyari, nandito pa rin ako sa lugar na 'to habang hawak ang maliit na papel na may nilalamang sulat ko.

Naglakad lakad ulit ako, ineexplore ang mga bagay bagay na bihira mong makikita sa ating mundo. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nangyayari sakin, pero isa lang ang nasa puso ko, nandito rin kaya siya?

Malayo na masyado ang narating ko, nakarating na lang ako sa isang lugar na kita mo ang pagbaba ng araw. Maggagabi na pala? Akala ko pa naman nakatigil ang oras. Naupo lang ako sa harap ng napakalaking araw na malapit ng bumaba sa kalangitan. 

Ang hirap palang pakawalan ng isang araw 'no? Parang sa isang araw na nakalipas, madaming bagay na ang nakalimutan. Natatawa na naiiyak ako sa sa iniisip ko.

Iniisip ko kasi na kahit sinu-sinong mga tao pa rin ang dumalo sa birthday ko, kahit gaano pa kalaki ang mga regalong matanggap ko, makita ko lang siyang nakangiti habang papalapit sa kinaroroonan ko, masaya na ang birthday ko.

Naiiyak ako, dahil sa dinami-dami ng nagdaang birthdays ko, kilala ko na siya sa matagal na panahon, pero ni isang beses hindi pa siya nakaattend sa birthday ko.

Isa lang naman ang hiling ko e, ang marinig ko ang boses niya na nagsasabing, Happy Birthday, Mahal ko. Pero ang kahilingang ito, ay kahit kelan, kahit sa anumang paraan, hindi niya masasabi ng may halong sinseridad, dahil para sa kanya isa lang akong hamak kaibigan.

Nakababa na ang araw,

Bye, Bye, Mr. Sun. -ako

Gusto kong batukan ang sarili ko. xD Natatawa ako sa sarili ko, everyday ganito ang ginagawa ko. Sisilip sa terrace ng kwarto ko, at magpapaalam kay Mr. Sun. 18years old na ko, pero ganito pa rin ako. Matalinong estudyante kung titingnan, pero isa akong isip bata kapag wala sa eskwelahan. 

Nahiga ako sa sa damuhan, tumititig sa kalangitan. Kahit kelan talaga, ang pagtitig sa mga bituing lumalabas sa kalangitan, ang pinakarelaxing na bagay na aking nararamdaman.

Nakahiga lang ako sa damuhan, habang nakatitig sa kalangitan. Isa-isang lumabas ang mga bituing tinatago ng kalangitan, napapangiti ako sa bawat paglabas ng mga bituin.

Para sakin, ang mga bituin ay nagsisimbolo ng pagmamahal.

Ang sabi nila, kapag namatay daw ang isang tao, nagiging bituin daw ito, naniniwala ako doon. Kapag tumititig ka daw sa kalangitan na may mga bituing nagniningning, ang unang star na makikita mo na para sa'yo ay pinakamaningning sa lahat, ito daw ang star na nagsisilbi ng taong nagmamahal sa'yo ng lubos, ito ang bituing nagsasabing, hindi kamatayan ang makakaputol ng pagmamahal na iniaalay ng isang tao para sa'yo.

Lumalamig na, pero pinili kong mahiga pa rin sa damuhan, habang nakatitig sa kalawakan. Eto lang ang nagsisilbing pag-asa para saken, na balang araw, ang isa sa mga bituin diyan ay magiging ako, at kahit saan man mapadpad ang kaluluwa ko, sisiguraduhin kong babantayan ko ang bawat taong pinahahahalagahan ko, at kahit hindi niya ako minamahal, para saken, siya lang magpakailanman.

Napapayakap na ako sa mga balikat ko, napakalamig ng simoy ng hangin, wala na rin ang mga huni ng ibon, wala na ang mga hayop na naglilibot sa lugar na ito. Ang tanging nandidito na lang ay ako, ang papel na hawak ko, at ang kalangitan na nagtataglay ng mga bituing nagniningning.

Nagulat na lang ako, nang may yumakap sa bewang ko. Bago pa ako bumangon, pinigilan niya na ako. 

Hinahaplos niya ang bawat hibla ng buhok ko, napakasarap sa pakiramdam. Hinahaplos niya ang bawat hibla nito, habang nakayakap ang kamay niya sa bewang ko, at ang ulo ko ay nakalagay sa mga hita niya, habang nakatingin siya sakin na may ngiti sa kanyang mga labi.

 -------------End Chapter------------

A/N: 2chapters down. Hahaha. xD

You're My Worst DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon