[4 - Unspoken Stars]

464 13 3
                                    

A/N: Kryzzel! HAHAHA. :D

Hinila niya ako papunta sa lugar kung saan nagpaalam ako kay Mr. Sun. Tumingin ako sa langit, tumila na pala ang ulan. Hindi ko man lang naramdaman.

Nagulat ako nang hilahin niya ako paupo, at hawakan ang aking mga kamay kasabay ng pagtingala niya sa kabuuan ng kalangitan. Hindi pa rin nagbabago ang ningning ng bawat bituin sa kalangitan, lahat ng mga bituin naghahayag ng isang pangungusap. Lahat sila naghahayag ng pakiramdam. Ngayon, isang bituin ang napansin ko, isang namumukod tanging bituin na nakikita ko sa buong kalawakan. Hindi ko alam pero pagkakita ko sa bituing yon, para bang nadurog ang puso ko. Sa hindi malamang dahilan, naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko, habang nakatitig pa rin ako sa namumukod tanging bituin sa kalangitan.

Nagulat na lang ako nang iharap ako ni Zane sa kanya, at punasan ang mga luhang lumalabas sa aking mga mata, ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa labi. Isa na ata yun sa pinakamasayang nangyari sa araw na 'to. Kung nanaginip man ako, promise hinding-hindi ko makakalimutan 'to, dahil ang mga labi niyang dumampi sa mga labi ko, iyon ang nagpapatunay na totoo ito. 

Tumitig lang kaming dalawa sa kabuuan ng kalangitan, sa mga maniningnig na mga bituin na nagkalat sa kalangitan, nagsisilbing Christmas lights ng buong sanlibutan, habang hawak niya ang aking mga kamay. Paghawak niya pa lang sa aking mga kamay, ramdam ko na ang pagmamahal na aking hinihintay. Hindi man niya sinasabi, nararamdaman ko naman.

Naglakad lakad kaming dalawa sa lugar na iyon habang magkahawak ng kamay, walang nagsasalita sa aming dalawa, kuntento na ako sa ganito, kuntento na ako na kasama ko siya, habang hawak ang aking mga kamay.

Habang naglalakad kami may bumato na naman sakin. Grabe lang. Nakakaloka na. -___- Binasa ko ang nakasulat.

 6 Impossible Wishes

1. Mapadpad sa isang tahimik at maaliwalas na lugar. Check.

2. Makasama siya. Check.

3. Maglalaro kami sa playground na parang mga bata habang umuulan. Check.

4. Stargazing while holding each other's arm. Check.

Habang papatagal ng papatagal ang gabing ito, papasama ng papasama ang pakiramdam ko. Di ba dapat nagsasaya ako? Dahil ang mga kalokohang wishes ko nagkakakatotoo. Pero bakit pakiramdam ko may mali?

 Patuloy lang siya sa pagtingin sa kalangitan, habang nakahawak ng mahigpit sa aking kamay. Parang sinasabi ng mga hawak niya, Matatapos din ang lahat ng ito. Binatukan ko ang sarili ko sa mga naiisip ko, nakita niya ko at ngumiti sa akin bago pigilan ang mga kamay kong bumabatok sa sarili kong ulo.

Tanga na nga akong talaga. -______-

Hawak hawak niya pa rin ang aking mga kamay, habang nakahiga sa damuhan. Nakatitig sa kalangitan, at mga bituing nagniningning kasama ang buwan. Napakaganda ng gabing ito, ito na siguro ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko.

Finally, nakasama ko siya. 

Nagbalik ako sa realidad nang hilahin niya ako patayo at tumakbo sa gitna ng lugar na ito. Patuloy kami sa pagtakbo, pero siya may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Hindi ko mabasa kung para saan iyon. Pero napapagod na talaga ako sa kakatakbo.

Nagulat na lang ako bigla, nang tumigil siya sa pagtakbo. Dahil hawak niya ang kamay ko, at nasa likod niya lang ako. Nabangga ako sa kanya, ang amoy niya, parang pabango. Nababaliw na nga ako. Langya.

Lumuhod siya sa habang nakatalikod sakin at tinuro ang likod niya.

Nako wag na. -sabi ko.

Pero hindi siya nagsalita, sabay tayo at pumunta sa likuran ko. Nagulat ako nang buhatin niya ko ng bridal style. Parang bagong kasal lang. Hihi. The whole time na buhat buhat niya ako, nakikita ko ang mukha niya. Bakit ba napakgwapo ng nilalang na 'to? Nakakainis. xD

Nakarating kami sa isang napakalawak na lugar. Ito na ata ang pinakagitna ng lugar na 'to. Naglibot libot ako, nakatingin sa mga bagay bagay dito. Ang sarap ng hangin dito sa gabi, parang halimuyak ng isang bulaklak.

Habang naglilibot ako at napadako ang tingin ko sa kanya,

Lumalapit siya sakin, lumuhod siya sa harapan ko, at nginitian ako. Kinuha niya ang kamay ko at nagsimulang magsayaw sa ilalim ng mga bituing nagniningning habang boses niya ang nagsisilbing background music.

 Can I have this dance? - Troy's Version 

Take my hand, I'll take the lead

And every turn will be safe with me

Don't be afraid, afraid to fall

You know I'll catch you threw it all

And you can't keep us apart (even a thousand miles, can't keep us apart)

'Cause my heart is (cause my heart is) wherever you are

It's like catching lightning the chances of finding someone like you (like you)

It's one in a million, the chances of feeling the way we do (way we do)

And with every step together, we just keep on getting better

So can I have this dance (can I have this dance)

Can I have this dance

Can I have this dance

Can I have this dance

Natapos na ang kanta pero patuloy pa rin kami sa pagsayaw. Para bang wala kaming kapaguran. Nandito lang kami sa gitna ng lugar na 'to, nagsasayaw ng tahimik. Habang yakap ko siya, at yakap niya rin ako. 

Nagulat ako nang iangat niya ang ulo ko, at halikan sa labi.

Magical. 

------------End Chapter-----------

A/N: 4chapters down. Hahaha. xD

You're My Worst DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon