A/N: Hi! :D
Hindi pa rin kami natatapos sa pagsayaw, magkayakap pa rin sa ilalim ng mga bituin, kasabay ng pag-indayog ng aming mga katawan. Para bang wala ng bukas. Nagsasayaw sa ilalim ng napakaliwanag na buwan kasama ang mga nagniningning na bituin.
Habang nagsasayaw kami ay bigla siyang tumigil. Hinila niya ako pahiga gamit ang mga kamay niya, at niyakap ako ng sobrang higpit. Para bang sa isang segundo lang na mapakawalan niya ako, mawawala na ako na parang bula.
Tumitig kaming dalawa sa mga bituin sa kalangitan, nakikisabay sila sa nararamdaman kong kasiyahan, napakasaya ko dahil may tumupad ng kalokohang wishes ko na siya lang ang laman. Panaginip man ito o hinde, promise hindi ko 'to makakalimutan.
Nagtagal kami sa ganung posisyon, nakayakap siya sakin sa bewang habang nakahawak ang isa niyang kamay sa aking kamay. Nakapikit lang ako, dinadama ang bawat haplos niya sa buhok ko, ineenjoy ko ang moment na nandito siya sa tabi ko. Siguro kung panaginip man 'to, tatatak pa rin 'to sa puso't isipan ko, dahil dito sa panaginip na 'to, naganap ang mga hinihiling ko, naganap ang mga hiling na sa una pa lang ay alam ko ng hindi mangyayari pa kailanman. At swerte ko, nangyayari ito ngayon.
Nakapikit pa rin ako hanggang ngayon, pero naramdaman ko na lang na may pumapatak sa mukha ko. Naulan na naman ba? Iminulat ko ang mata ko, at ang nakita ko ay ang mga mata niyang nababalutan ng lungkot.
Pinunasan ko ang bawat luhang pumapatak sa kanyang mga mata, nasasaktan ako na nakikita ko siyang ganyan, bakit? Anong nangyari?
Magsasalita na sana ako, pero hinalikan niya ako. Punumpuno ng sakit ang bawat halik niya na dumadampi sa mga labi ko. Hinahalikan niya ako kasabay ng pag-agos ng mga luha niya. Nagulat na lang ako nang itigil niya ang halik, at ngumiti sa akin.
Magsasalita na sana ako, pero tumakbo na siya papalayo sa kinatatayuan ko.
Hinahabol ko siya, tumatakbo ako hanggang sa makakaya ko, pero pakshet. Nawala na siya sa paningin ko. Patuloy lang ako sa paghahanap sa kanya, nang may naramdaman na naman akong bumato sa ulo ko.
Naiyak na nga ako habang nagtatatakbo tapos may babato pa sa ulo ko?!
Binasa ko ang nakasulat sa papel,
6 Impossible Wishes
1. Mapadpad sa isang tahimik at maaliwalas na lugar. Check.
2. Makasama siya. Check.
3. Maglalaro kami sa playground na parang mga bata habang umuulan. Check.
4. Stargazing while holding each other's arm. Check.
5. Magsasayaw kami sa ilalim ng mga nagniningning na bituin. Check.
Pagkabasa ko ng papel na yun, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad, habang ang mukha ko ay basang basa na ng pawis at luha. Pinaghalong pawis, luha, at sakit. Nakisabay pa ang pagbuhos ng ulan, napaupo na lang ako sa kitatayuan ko ngayon. Nawawalan ng pag-asang makita ko siya, bakit ganun? Isa na lang ang hinihintay ko pero tangina, hindi pa rin nangyari? Mangyayari pa ba yun? Yung lumabas sa sarili niyang mga labi ang salitang, Mahal kita.
Habang nakasalampak ako sa sahig, may bumato na naman sakin. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang papel kundi isang rosas na napakapula at ang tangkay nito na puno ng tinik ay nababalutan ng konting dugo. Dugo ng isang tao.
Kinuha ko ang papel na nakadikit dito at tahimik kong binasa.
6 Impossible Wishes
BINABASA MO ANG
You're My Worst Dream
Short StoryPwede kahit sa panaginip lang, mahalin mo din ako? Haha, parang tangang sabi ko sa sarili ko. Ano pa nga bang laban ko 'di ba? Kasi kahit sa panaginip, hindi niya ako kayang mahalin. Masakit pala 'no? -Andrea