[Epilogue - You're My Best Reality]

667 27 29
                                    

A/N: Hi! Miss me? XD

Epilogue: You're my best reality.

Anong ginagawa mo kapag may crush ka?

Nagsusulat ng buong pangalan ng crush sa isang papel kasama ang pangalan mo at naglalaro ng FLAMES. Minsan naman nagmumukha ka ng killer kakasunod sa crush mo. Minsan naman napupuno na ng doodle ng name ng pangalan ng crush mo yung likod ng notebook mo, kaya kapag malapit na mag-end ang school year niyo eh namumulubi ka na sa papel dahil naubos na gawa ng pangalan ng crush mo. Minsan naman kapag may nakikita kang kasamang babae ng crush mo halos mamatay na ang kaibigan mo o kaya katabi mo sa classroom makapaglabas ka lang ng sama ng loob. Lahat ng tao nagkakaron ng crush, lahat ng tao dumadaan sa ganyan, yung pacrush-crush lang,

pero pano pa kung nagmahal ka?

Sa buhay ng tao hindi maiiwasang magmahal, lalo na ang mangarap na mamahalin ka rin ng taong minamahal mo. Lahat tayo nag-a-assume na, "sana ako na lang siya, para ako naman ang mahalin niya."

Pero paano kung patago kang magmahal?

Yung pagmamahal na itinatago mo sa napakahabang panahon, yung pagnanasa mo este pagpapantasya mo sa kanya sa napakahabang panahon, yun bang feeling na alam mo sa sarili mo na walang pag-asa pero patuloy ka pa ring umaasa kasi yun ang sinasabi ng puso mo, ang umaasng ibabalik niya ang pagmahal na inaalay mo sa kanya. Pero pano kung sa mismong mga kilos na niya sinasabing wala ka na talagang pag-asa, aasa ka pa rin bang mamahalin ka rin niya at patuloy ka pa ring masasaktan?

Kung ako ang tatanungin, mamahalin ko pa rin. Alam niyo kung bakit? Dahil ang pagmamahal hindi sinusukuan, natuto kang magmahal dahil handa ka ring masaktan. Bakit ka pa nagmahal kung hindi ka rin lang handang masaktan? Kailangan handa kang ipaglaban ang sarili mong nararamdaman kasi kung itatago mo lang yan sa matagal na panahon mabuti pang magkalimutan na lang.

The leaves of the trees keep falling, what's the reason I am saying this? Because the word "forever" does not exist, if you need to let go, let go and keep standing still like the trees always do.

X's POV

Nandito kami sa funeral. Kung saan nakaburol siya, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Dati-rati kada papasok ako makikita ko siya, kakausapin ako pero limitado lang ang mga sagot ko. Akala ko kasi hindi na siya mawawala, pero nagkamali ako. Lahat nga pala ng bagay nawalala, kahit tao pa, lahat nawawala. Pero bakit siya pa? Hindi ba pwedeng ako na lang? Hindi ko naman hiniling na mabuhay ng matagal, pero bakit sinalo niya? Bakit niya hiniling na ibigay ang puso niya sakin? Bakit? Bakit mo ginawa 'to? Bakit mo ginawa 'to,

Andre?

Bakit pinili mong mawala sa tabi ko? Bakit kinailangan mong saluhin ang problema ko? Bakit? Akala ko hindi mo ko iiwan. Akala ko mauuna ako sa'yo, pero bakit mo sinalo? Hindi mo naman ako responsibilidad, ako'y iyong,

kakambal lamang. 

Kahit magkakakambal tayo, ni minsan hindi kita kinausap ng maayos. Ayoko kasi sa presensya mo, pero bakit sinabi mo sakin na mahal mo si Drea pero bakit binigay mo ang puso mo sakin? Sabihin mo, gumising ka sa kabaong na yan, please. Kailangan ko ng kasagutan, ayokong mahalin si Drea, dahil mahal mo siya. Ilang beses mong pinaalala sakin na huwag ko siyang pormahan dahil mahal mo siya at ayaw mo siyang masaktan, pero bakit mo ginawa 'to? Bakit mo ibinigay ang puso mo saken? Oo, hindi mo sinasadya na mamatay ka, pero bakit? Bakit mo hiniling sa doctor na kapag may nangyaring masama sa'yo at hindi ka na nagising ay ibibigay mo ang puso mo saken, bakit ako? Bakit ako ang naisipan mo? Hindi mo lang alam kung gaano ako nababagabag gabi-gabi kakaisip ng mga pinagdaanan ko. Bakit? Andami kong tanong, pero para lang akong tangang naghihintay.

You're My Worst DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon