His Identity

50 3 0
                                    

Kyle's POV

Hi readers! Ako nga pala si Kyle Brent Mckenly, 17 years old. At oo, isa akong dakilang nerd sa school namin. Kaya ko naman lumaban, pero nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi na ko mananakit ng ibang tao, kahit bilang self-defense. Ayoko nang mangyari ulit ang nangyari dati.

Maaga akong nagising dahil excited na akong pumasok. Makikita ko na ulit si Crush, hehe. Gusto nyo bang malaman kung sino ang crush ko? Syempre sasabihin ko pa din kahit ayaw nyong malaman. Ang crush ko ay walang iba kundi si...... Emerald. Oo, sya nga. Mula nung una ko pa lang syang maging classmate nung first year kami, naging crush ko na sya. Ibang-iba sya sa mga babae sa school namin. Hindi sya maarte, at napakabait nya pa. Bonus pa na napakaganda nya. Ayaw na ayaw nya din na may nangbubully at nabubully sa school namin. Naaalala ko pa nung unang beses nya akong iligtas sa pangbubully sakin. Siguro hindi nya na maalala pero ako, tandang-tanda ko pa yung araw na yun. Kinukuhanan ng pera at binubugbog ako nun ng mga kaklase namin, matindi ang pagpipigil ko nun na lumaban. Manlalaban na sana ako ng hindi ko na matiis ang pang-aabuso nila ng bigla siyang dumating. Hindi ko alam pero kahit wala pa syang sinasabi at ginagawa ay nagsialisan na ang mga nambubully sakin. Nakayuko ako at hindi ko pa nun nakikita ang mukha nya, pero hinding- hindi ko makakalimutan ang boses nya. Naalala ko pa ang sinabe nya sakin nung oras na yun.

'Kung hindi mo na kayang tiisin, lumaban ka. Wag kang magpaapi. Alam kong kaya mo silang labanan. Walang mawawala sayo kung ipagtatanggol mo ang sarili mo. Wag mong ipakita sa lahat na isa kang malaking lampa dahil magiging dahilan yan ng paghihirap mo dito sa lugar na to.'

Gustung-gusto kong sundin yung sinabi nya kaso nangako na ako sa sarili ko na hindi ko na gagamitin ang kakayahan ko para manlaban at makapanakit ng iba kahit sa pansarili kong kaligtasan. Naalala ko nung iligtas na naman nya ako dun sa mga freshman. Nagulat nga ako dahil hindi ko inaasahan na sya na naman ang maglilitas sakin sa mga nambubully sakin. Nakita ko pa syang umiyak at mag-alala. Nakita ko din ang ibang side nya na hindi nya pinapakita sa iba, ang pagiging maalaga. Sobrang saya ko kasi nakasama ko sya. Ginamot pa nga nya ang sugat ko at dinala nya pa ako sa mga kaibigan nya nung lunch. Kahit sa classroom ay magkatabi kami, sino bang hindi maeexcite kung alam mong makakatabi mo sa classroom ang crush mo?

*tok tok

"Young Master, malelate na po kayo."- paalala sakin ni Bulter John.

"Sige po. Lalabas na din po ako. Intayin nyo na lang po ako sa baba."

"Sige po, Young Master."

Napahaba na pala ang pagkukwento ko. Kelangan ko na nga palang pumasok sa school.

-------------

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na din ako malapit sa school. Sa backgate ako lagi dumadaan para hindi makita ng iba na nakasakay ako sa isang magarang sasakyan. Walang nakakaalam sa school na anak ako ng mga taong kasama sa Top 15 Richest Family in the World. Mas pinili ko kasi na wag ipangalandakan ang yaman namin. Ayokong magkaroon ng mga kaibigang pera lang ang habol sakin.

*kriiiing

Shit! Bell na. Aish, anlayo pa naman ng room namin. Tinakbo ko na yun pero pagdating ko sa classroom namin ay nandun na ang proof namin. Paktay, terror pa naman tong prof na to.

"Sir, sorry I'm late. It won't happen again."- hinging paumanhin ko.

"Gaano ba kahimbing ang tulog mo Mr. Mckenly? Of all the people, hindi ko inaasahan na kabilang ka sa palate-late ng pagpasok! Sayang naman ang binabayad ng mga magulang mo sa pagpapaaral sayo dito! Nerd ka na nga, tamad ka pa! Anong silbi mo sa pamilya mo, ha?!"- tsk sabi na eh. Ipapahiya ako nito. Ito naman ang gawain nya sa mga katulad kong mababa sa paningin nila eh. Narinig kong mahinang nagtawanan ang mga klase ko. Napayuko na lang ako sa hiya. Kung hindi ko lang gustong itago ang katauhan ko, edi sana hindi ako ginaganto. Pasalamat sya at mabait ako, hindi ko to sasabihin kina Mama at Papa. Ayaw pa naman ng mga yun na napapahiya ako.

Goddess Of Gangsters (ON HOLD)Where stories live. Discover now