Hero

54 3 0
                                    

Anna's POV

Hi! Ako nga pala si Joanna Madrigal, Anna for short. Siguro naman naipakilala na ko sa inyo ni Onee-chan. Hehehez, kaya lab na lab ko yun eh, kahit na minsan ang cold nya at tahimik sya. Alam nyo ba na sya ang dahilan kung bakit naging gangster ako? Gusto nyo malaman kung bakit? Hehehez, eto na sasabihin ko na. Niligtas nya kasi ako sa mga taong gustong kumidnap sakin dati.

*Flashback*

3 years ago

Naglalakad na ko pauwe samin. Hehehez, tumakas kasi ako sa yaya ko para bumili ng ice cream eh.

Habang naglalakad ako, biglang may humarang na 3 itim na van sa dinadaanan ko. May lumabas na mga nakaitim na lalaki na may maskara at may mga baril silang dala. Mga 15 sila lahat. Lumapit yung isa sakin.

"Bata, di ba ikaw yung anak na babae nina Sheena at James Madrigal?" - lalaking nakaitim.

"Oo, ako nga po. Bakit po? May kailangan po ba kayo kina mama at papa?" - tanong ko.

"Oo may kailangan kami sa kanila. Halika at sumama ka samin." bigla nya akong hinawakan sa magkabila kong kamay. Nagpumiglas naman ako, di ko naman kasi sya kilala.

"T-teka.. san nyo po ako d-dadalhin?" huhuhu natatakot na ko. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. Wala ding malapit na bahay dito. Huhuhu, bat ba ako napunta dito.

"Basta sumama ka na lang!" hinala nya ko ng malakas dahilan ng pagkakadapa ko.

"Waaaaaah, tulong huhuhuhu. Yung tuhod kooo! Waaah!" iyak lang ako ng iyak. Ansakit ng tuhod ko. Pagkatingin ko sa tuhod ko, waaaah dumudugo. Huhuhu, sakit. T^T

"Hoy bata, tumahimik ka nga!" hinila nya ulit ako at lalong nakaladkad yung tuhod ko.

"Waaaaaah huhuhu. Masakit po. Huhuhu. Pakawalan nyo na po akoooo!!"

"Tumahimik ka sabe eh!" lumapit yung isa pang lalaking nakaitim sakin at ihahampas sakin ying dala nyang baril. Napapikit na lang ako.

"Hindi ata tama na saktan mo ang isang bata, Mister."

Napamulat ako ng may marinig akong boses ng babae. Hawak-hawak nya yung baril nung lalaki. T-teka, pano sya napunta dito. Wala naman akong nakitang tao kanina ah.

"S-sino ka?! At pano ka napunta dito ng hindi namin napapansin?!" lalaking hahampas sana sakin ng baril.

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako."- misteryosong babae

"Aba't talagang! Ang yabang mo ah! Babae ka lang. Wala kang binatbat samin. Sige, kunin nyo din sya at isama!" sabe nung lalaking may hawak sakin.

Lumapit yung iba pang lalaking nakaitim dun sa babae. Hahawakan na sana sya ng isa sa kanila ng biglang sipain nung babae sa mukha yung lalaking hahawak dapat sa kanya. Sa lakas ng sipa nung babae ay tumalipon yung nakaitim na lalaki.

"Ayoko sa lahat yung hahawakan ako ng mga maduduming tao." grabe nakakatakot yung boses nya at ang cool din nya.

"Ang yabang mo ah! Hala sige, sigudin nyo sya!" utos nung lalaking nakahawak sakin.

Nagsisugudan naman yung iba dun sa babae. Pinagsusuntok sya ng mga ito pero lahat yun naiiwasan nya. Wow, ang bilis nya kumilos. Tapos parang nababasa nya yung kilos ng mga kalaban nya. Sisipain na sana sya nung nasa kanan nya pero.. bigla syang nawala! Hala, pano nangyare yun?! Bigla na lang natumba at nawalan ng malay yung lalaking sisipa sana dun sa babae. Pagtingin ko, 0_0. Yung babae, sinuntok nya yung lalaki kaya sya natumba at nawalan ng malay. G-grabe, ang lakas nya. Tumingin sya sa natitirang lalaki. Napaatras sila sa takot.

Goddess Of Gangsters (ON HOLD)Where stories live. Discover now