Her other side

55 4 0
                                    

Emerald's POV

Tahimik akong nakahiga sa lilim nang puno habang nakapikit. Napakatahimik talaga dito. Tago kasi ang lugar na to. Malayo-layo na ito sa mga building ng school at mapuno na. Hayyy. Naaalala ko na naman sya.

'Salamat nga pala sa pagligtas mo sakin sa mga bully na yun!'

'Ako nga pala si Timmy!'

'Pwede ba tayong maging magkaibigan?'

'Simula ngayon, ang itatawag ko na sayo ay.... Mi-mi! Oo Mi-mi nga! Ang cute diba? *chuckles'


Damn! I hate it! I hate myself! Dahil sakin kaya sya nawala. Dahil sakin. I really hate myself. Ang unang taong nagpahalaga sakin ng sobra. Ang unang taong pinaramdam sakin na espesyal ako. Ang unang taong minahal ako sa kung sino o ano ako. Ang taong mahal na mahal ko pa din hanggang ngayon. Timmy, bat mo ba ako iniwan?


'Ibigay mo na yang pera mo, kung hindi tatamaan ka samin'

'Hoy nerd. Wag mo na pahirapan sarili mo. Ibigay mo na yan.'

'P-pero, pera ko to. Kung gusto nyo, h-humingi na lamg kayo sa mga magulang nyo.'

'Aba't sumasagot ka pa! Turuan nyo yan ng leksyon!'


Napamulat ako. Umupo ako at nakita ko sa may kalayuan sakin na may tatlong lalaki na nakapalibot sa isang lalaki na nakaupo at yakap-yakap ang sarili nya. Sinimulan nilang pasusuntukin at sipain yung lalaking pinapalibutan nila. Tss, ito ang pinaka-ayoko. Ang nananakit at nanlalamang sa mga mahihina. Tumayo ako at sa isang iglap, nakalapit na ako sa kanila. Hindi pa rin nila ako napapansin.


"Itigil nyo yan."- maawtoridad kong sabi. Napatigil naman sila at napatingin sakin. Hmm, mga freshmen pa lang pala tong mga mokong nato. Nakita ko kasi yung logo nila. Magkakaiba kasi ng logo ang bawat year para madetermine ang year level nila. Tinignan ko naman yung pinagtutulungan. Teka, ito yung nerd na kaklase namin ah? Tss, lampa pala to eh.


"Miss, wag ka na makialam dito kung ayaw mong masaktan."- sabi nung lalaki na sa palagay ko, leader-leaderan nila.


"Oo nga Miss, sayang naman ang ganda mo kung magagalusan namin yang mukha mo"- sabi naman nung lalaking nakahawak sa collar nung si Nerd. Lumapit naman sakin yung isa at hinawakan ako sa pisngi. Tinitigan ko lang sya.


"Miss, kung gusto mo pagkatapos namin sa kanya, sumama ka na lang samin. Papasayahin ka namin."- nagtawanan naman ang mga gago. Psh.


Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ko. Nasabi ko na ba sa inyo na ayaw na ayaw ko na hinahawakan ng maduduming tao? Well, sa tingin ko madumi sya kaya sorry sya.


Kinuha ko ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko at pilipit yon, pagkatapos ay ibinalibag ko sya sa lupa. Nagulat naman ang mga kasama nya. Tinadyakan ko pa sya ng dalawang beses sa tyan. Pagkatapos ay tumingin ako sa mga kasama nya. Natakot sila dalawa sakin at kumaripas ng takbo. Pinilit naman tumayo nung sinipa ko at iika-ikang tumakbo. Mga duwag. =_=


Tumingin naman ako dun kay Nerd. Halatang gulat at takot din sya sakin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap nya. Ang dami nyang pasa at galos. Putok din ang gilid ng labi nya tapos binasag din nung mga hinayupak yung salamin nya. Napapitlag sya ng hawakan ko ang braso nya. Sa tingin pa lang nya, alam kong natatakot sya sa sakin. Tinitigan ko sya sa mata. Bigla kong nakita sa kanya si Timmy. Ganto din kami unang nagkakilala. Umiling-iling ako ng mahina. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.


"Wag kang mag-alala, hindi naman kita sasaktan."- mahina kong sabi sa kanya. Nakatitig pa din sya sakin. Maya-maya ay mukhang kumalma na sya. Mukhang naniwala na sya sakin.


Goddess Of Gangsters (ON HOLD)Where stories live. Discover now