His Identity Part 2

25 0 0
                                    

*Flashback*

"Sobrang galing nya, pre. Hahaha. Kung gusto mo ipapahiram ko sya sayo minsan."- Jerome

"Ako din pre. Mukhang masarap nga sya!"- Lance

Malakas na nagsipagtawanan ang mga kasama ko sa isang table. Sila nga pala ang mga kaibigan ko. Palaging ganito ang routine namin pagkatapos ng klase. Ang magbar hanggang hatinggabi.

Pagkatapos naming uminom ay lumabas na kami. Pagdating namin sa parking lot ay may nakita kaming mga lalaki sa harap ng mga kotse namin. F**k, basag yung salamin ng kotse ko! Yung iba, butas yung mga gulong. Mukhang gusto ng sakit ng katawan ng mga to ah. Walang-wala naman to samin. Tsk

Kung hindi nyo na naitatanong, sikat ang gang namin sa buong mundo. Dark Angels Gang ang pangalan namin. Mga kalaban namin ang nagbigay ng pangalan ng grupo namin dahil daw para daw kaming mga anghel na walang awa pag nakikipaglaban. Wala ding nakakakilala sa tunay naming pagkatao dahil nakamaskara kami kapag lumalaban. Kaya madalas kaming maliitin nang ibang mga gang pag wala kaming maskara. Tsk, kawawa naman itong mga to. Hayy.

"Ikaw si Jerome Fernandez diba?"- sabi ng lalaki na mukhang leader nila habang nakatingin ng masama kay Jerome.

"Oo ako nga. Ano bang kailangan nyo at pati kotse namin dinamay nyo?" maangas na sagot pa ni Jerome. Yabang talaga nitong isang to. Tsk.

"Ikaw pala yung pinagpalit sakin ni Marianne? Eh mas pogi pa sayo yung talampakan ko eh!"- nagtawanan yung mga kasama nung panget na yun. Hay nako, babae na naman pala  ang dahilan kung bakit kami mapapaaway. Masyado kasing Casanova tong si Jerome. Biglang sinuntok ni Lance yung lalaking nasa tapat ng kotse nya. Mukhang ito kasi nagwalang-hiya sa pinakamamahal nyang kotse. Tsk, yan tuloy napala nya.

"Ang dami nyo pang dada dyan. Para kayong mga babae. Laban naa!"- nagsisuguran na samin yung mga kasama nung lalaki. Nagsimula na silang magkagulo, pero ako nasa isang tabi lang at nanonood. Hindi kasi ako madalas sumasali sa ganyang away. Sa tingin ko kasi, away bata lang ang ginagawa nila, at isa pa, kayang-kayang na nila yan kahit wala ako. Naramdaman kong may tao sa likod ko at susugurin ako. Bigla akong yumuko ng maramdaman kong susuntukin nya ako. Paglingon ko ay agad ko syang sinuntok. Ayun, edi tulog. Ang weak. Tsk

"Kuya!"- napalingon naman ako dun sa sumigaw. Isang lalaki na sa tingin ko ay kaedaran din namin ang tumatakbo palapit dun sa leader nung kabilang gang na kasalukuyang binubugbog ni Jerome. Binitawan naman agad ito ni Jerome ng makalapit na yung bagong dating sa kanila. Mukha syang nerd at walang alam sa pakikipaglaban. Anong ginagawa nito dito? Baka madamay pa sya sa away.

"Kuya! Kuya! Okay ka lang ba?"- nag-aalalang tanong nung bagong dating.

"Tss, ano bang ginagawa ko dito?! Umalis ka na! Baka madamay ka pa!"

"Hindi, kuya! Hindi kita pwedeng iwan dito! Kelangan na nating umuwi. Hinahanap na tayo ni Mama!"- tumingin kay Jerome yung nerd at biglang lumuhod. Nagulat naman si Jerome.

"Hayaan nyo na po kaming makauwi. Pakiusap. Huwag nyo na pong saktan ang kapatid ko."- umiiyak na pakiusap nya. Tumingin sakin si Jerome. Tumango ako at tumalikod na para umalis.

"Pasalamat ka at dumating ang kapatid mo. Tss, ang lakas ng loob nyo para kalabanin kami, wala naman pala kayong binatbat."- narinig kong nagsisunuran na sakin yung mga ka-gang ko.

"Walang-hiya ka! Mamatay ka na!"

"Kuya wag!"- napalingon agad ako nang marinig kong may sumigaw. Nakita ko na lang si Jerome na nakaluhod at hawak ang tagiliran nya na dumudugo. Nakita ko yung leader ng kabilang grupo na may hawak na kutsilyo. Biglang nagdilim ang paningin ko. Sinugod ko sya at pinaulanan ng suntok. May nararamdaman akong pumipigil sakin kaya sinuntok ko din kung sino man yun. Patuloy ko pa ring binubugbog yung sumaksak kay Jerome ng marinig ko si Lance na sumigaw.

Goddess Of Gangsters (ON HOLD)Where stories live. Discover now