Bestfriend's Story #3 "A boy in the island"

1.6K 7 2
                                    

Family outing na naman namin and this summer sa Bicol kami, 15 hours from Manila mararating ang islands ng Caramoan, at halus kasing ganda ito ng Boracay sa Leyte. Pakalapag ng gamit, kinuha ko agad yung Camera, at dahil malapit ng dumilim, inabangan ko yung sunset. Picture dito, picture doon, marami rin pala ditong turista at habang ineenjoy ko ang sariwang hangin (sa paligid) ay meron lalaki ang lumapit saakin. Miss ang ganda mo naman, maaari bang malaman ang pangalan mo? Sasagutin ko na sana sya kaso naamoy ko na naka-inum sya at medyo iba rin ang impact ng una nyang sinabi. By the way I'm Gerick, and you are? Umupo sya malapit saakin, at amoy na amoy ko na yung ininum nya. Hindi ako sanay sa ganun kaya medyo kinabahan ako. Grabi naman miss, wala ka bang pangalan? Aalis na sana ako kaso bigla nya akong kinabig paupo. Anu ba, pakawalan mo ako. Pinilit kong tumayo at tumakbo kaso mahigpit ang pagkakahawak nya saakin. Nagsisigaw na ako at meron ilang nakapansin saamin at isa na yung napadaan na lalaki. Meron bang problema dyan! Tanung nya nung nakita nya kami. Wag kang mangelam pre! Hoy, tulungan mo ako, ayaw akong pakawalan ng lalaking to, nagsisigaw na ako sa pagkakataong yun. Agad syang lumapit (saamin) at BANG! Tulog agad yung manyakis na yun. Ayos ka lang? Opo, salamat ha. – Your welcome, by the way taga ingat na sana, kadakul pati digding nagkalat na adik ngunyan, sige mainut na ako. Ha, anu po? Napanganga ako kasi wala akong naintindihan. Wala, mag-ingat ka nalang sa sunod. At kasabay ng paglakad nya palayo, ang paglubog na inaabangan ko sanang araw.

Bestfriend's StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon