Bestfriend's Story #2 "Ala-ala"

2.5K 12 1
                                    

Kakagising ko pa lamang noon ay rinig na rinig ko na ang isang tinig ng isang babae, Linggo ng umaga noon at alam ko na uulan, hanggang may kumatok sa pinto ng aking kwarto, nakatalukbong pa ako ng unti-unting bumubukas ang pinto. Magandang umaga bes! At hinila ang kumot na syang takip sa aking buong katawan. Oy, mamaya na, ang aga pa eh!. Takte mag aalas-diyes na. Agad akong tumingin sa aking relo at napaupo nalang sa higaan, umupo rin siya na tila handa akong damayan sa aking sitwasyon. Umiyak ka na naman ba? Ang wika nya sa mababang tinig. Tumango ako. 'Diba sinabi ko naman na kalimutan mo na. Tumingin ako sa malayo. Kung alam mo lang sana bes na ikaw ang dahilan nito. Nangingilid na aking luha ng biglang, Hoy! Binasag niya ang katahimikan na tila bumalot na sa buong paligid. Hay kung nasabi ko lang sana noon, hindi sana siya napahamak sa gabi ng kanyang huling kaarawan.

Bestfriend's StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon