Bestfriend's Story #12 "Bf/f"

271 1 0
                                    

Hindi ko talaga maalala kung papaano kami nagsimula, pero ewan, naging magka-close nalang kami isang araw. Best, libre mo 'ko, gutom na ako. Grabi s'ya, agad-agad? At hinila nya ako sa may nagtitinda. Anu naman ang gagawin natin dito? Ngumiti sya. Syempre mamimili. Wala akong dalang pera, ilibre mo nalang ako. Meron 'yan, dali na bess, ito lang naman. Kumuha na sya kaya no choice ako kundi bayaran. Ang takaw mo talaga. At lumabas muli ang nakaka inlove n'yang ngiti.

Sorry bes, lagi kasing gutom si tummy. Sabay simangut.

Hay. . . change topic, 'asan si Bf?

Wala, nandoon ata sa mga barkada nya. Huminga ng malalim. Ikaw bess asan yun secret GF mo?

Ramdam ko ang pagkalungkot nya.

Bakit nasa barkada, dapat ikaw ang inaasikaso nya.

Eih, ayaw ko syang abalahin.

Kaya ako naman ang inaabala mo, joke! Gusto mo kausapin ko?

Grabi kanaman magsalita bess, it hurts my feeling, h'wag na, okey lang ako.

O, sige, bahala ka, basta mamaya kakausapin ko pa rin sya.

Ewan ba, nalulungkot ako para sakanya, sa dami kasi ng lalaki sa mundo sa bf nya pa sya napunta.

Brad anu ba talaga ang problema mo?

Ang saakin lang naman paglaanan mo ng oras yun Girlfriend mo.

Anu ba kasi ang pake mo, busy ako at tandaan mo isa ka lang hamak na bestfriend nya, kaya wala kang karapatan pakialaman kami.

Yun na nga eh, isa lang akong hamak, tingnan mo nga nangyayari sa Gf mo, at tandaan mo rin kapag may nangyaring masama sa Gf mo, mananagot ka saakin. At bigla kong tinalikudan, ngunit bago pa aku tuluyang humakbang ay bigla nalang akong napasubsub.

Gusto mo, ngayon na.

At agad akong tumindig at gumanti ng isa, susundan ko pa sana, ngunit isang tinig ang nagpatigil saakin.

Bess, tama na!

Napatitig ako at agad syang lumapit sa Boyfriend nya.

Okay, ka lang babe? Tanung nya na may pag aalala.

Pagsabihan mo yan Bestfriend mo, kung ayaw mo talagang maghiwalay tayo.

Sige po babe. Sagot nya na di pinag-isipan.

At umalis sila na parang walang nangyari. Magmula noon ay hindi nya na ako pinansin, bigla nalang sya nawala saakin. Siguro, heto na ang parusa sa mga pangingialam ko, na ngayon lubos ko ng pinagsisihan.

Bess! tawag ko sakanya. Lumingon sya at dali daling umiwas. Hinabol ko sya hanggang sa building ng Engineering. Hanggang kailan mo ako iiwasan, wala nalang ba sayo ang pagkakaibigan natin. Sa pagkakataong yun ay nahuli ko sya at na corner. Nahihiya syang tumingin saakin. Sorry, sorry sa lahat.

Bakit?

Bess buntis ako kaya di ko syang magawang iwanan, natatakot ako sa mga sasabihin ni mom. Nabigla ako at di ko inakalang magagawa nya yun lalo't na at marami pa syang pangarap. Alam nya ba yan? Oo. At Bigla nalang syang humikbi na parang bata. Naiisip ko tuloy yun isang sulat na lihim kong binasa noon,

"Sa lahat ng lalaki si bess ang gusto ko,

Nasakanya yung mga katangian na hinahanap ko,

Ngunit katulad ng isang bituin malabo ko syang abutin,

At katulad rin ng isang pangarap matagal pa bago ko siya marating ."

Bestfriend's StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon