Si Polo, Isang mayaman na tubong Maynila. Anak sya ng isang kilalang negosyante
sa Maynila. Nakilala nya si Rona sa isang party ng kaibigang si Bert. Kasama ni Rona noon ang
kanyang mga kaklase.
Hey Rona! bati sakanya ni Denice.
May ipapakilala ko sayo, tinuro nya ang binatang si Polo. This is Polo, my friend and this is Rona
my classmate. "Hi" sabay kinuha ang kamay ni Rona at hinalikan ito.
Si Rona naman ay kinilig dahil sa kagwapuhan ng binata.
At doon nag simula ang pagiging magkalapit ni Rona at Polo na nooy nasa 2nd year college pa lamang sila.
Inanyayahan ni Polo si Rona na sa Maynila na lamang tumira dahil nga malayo ang probinsya nila.
Noong una ay hindi pumayag ang kanyang ina dahil nag aalala ito at wala naman siyang kakilala sa Maynila.
Sa pag pupumilit ni Rona ay pumayag na din ang kanyang ina.
"Ma, maghahanap naman po ako ng trabaho sa Maynila para makagaan sa mga gastusin dito sa
bahay, at ipinapangako ko po na pag aaralin ko si Rose kapag nakatapos na ko ng pag aaral."
"Oh sige anak, pero ipangako mo sa akin na hindi ka muna mag nonobyo.."
Natigilan si Rona sa narinig sa kanyang mama...Nang mga sandaling iyon ng kanilang pag uusap
ay gusto na sa na niyang sabihin sa kanya ang tungkol kay Polo. Ngunit hindi na lamang nya ito
sinabi dahil baka hindi pa sya payagan.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Makalipas ang isang buwan ay sa Maynila na nga nakatira si Rona, Umuupa siya ng isang maliit
na kwarto malapit skanyang paaralan.
Maganda si Rona, mabait at maganda din ang pangangatawan. Kaya nga napukaw agad ang atensyon ni Polo dito.
Determinado syang makuha ang lahat ng kanyang luho. dahil nga maganda, ay pinipilit nyang
makibagay sa mga babaeng taga Maynila.
Halos puro damit at make up na lang ang binibili nya dahilan ng hindi na sya nakakapag padala sa kanyang Nanay at kapatid.
Si Polo, gwapo at mahangin na tao. Lahat kasi ng bagay ay nakukuha niya.
Kahit pa nga hindi nya gusto ang bagay at gusto naman iyon ng kanyang kaibigan ay
gagawa siya ng paraan para lamang makuha ito at malamangan ang kaibigan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Dear, kelan mo ba ko ipapakilala sa mga magulang mo? Gusto ko na silang makilala" --paglalambing ni Rona kay Polo.
"uhmmmmm,,, sweetie kasi busy pa sila sa negosyo, yaan mo dadating din yung time na yun."--Polo
Ni minsan ay hindi sya pinakilala ni Polo sa knayng magulang at wala syang masyadong alam sa
family background ni Polo.
*********
Nang minsang umuwi si Rona sa kanilang bahay sa probinsya ay sinama niya si Polo upang ipakilala na sa kanyang Mama at kapatid na si Rose.
"Ma, ipinapakilala ko po sa inyo ang aking nobyo, si Polo".
Magandang umaga po Aling Rosalie, ako ho si Polo ang nobyo ni Rona.... Magalang na pagbati
ni Polo. "Ha? oh eh sige maupo ka iho." Anak paki bili mo nga sina ate mo ng softdrinks dyan kay Aling Tinay, utos nito kay Rose.
Si Rose naman ay agad sumunod sa utos ng kanyang Mama. Tinignan nyang mabuti
ang lalakeng sinasabing nobyo ng kanyang Ate.
"Mukang hindi mapag kakatiwalaan".......... mahinang sambit ni Rose habang papalabas ng bahay.
Mama, pasyensya na po kayo kung hindi ko sinunod ang bilin niyo, mabait naman po sya at mayaman. Hinding hindi po kayo mag sisisi sa kanya. -Rona
Napalunok na lang si Polo sa narinig nito kay Rona.
Pumasok na si Rose na dala ang softdrinks na kanyang binili. Inabot nya ito kay Polo. Pagka abot ni Rose sa softdrinks ay kinindatan sya ni Polo. Bagay na hindi nagustuhan ni Rose at inirapan nya ito.
Ate, alis muna ako ha, hindi ko gusto ang ihip ng hangin dito sa bahay...sabi ni Rose
Ano ka ba naman Rose nakita mo na nga may pinapakilala akong bisita tapos aalis ka? ..Rona
Ate, kilala ko na siya...... mataray na sagot ni Rose.
Dali daling lumabas si Rose ng bahay.
"Nako napaka manyak naman ng lalaking yon." Bakit iyon pa ang nagustuhan ni Ate? Mga tao talaga sa Maynila hindi mga mapag kaka tiwalaan. Pinapangako ko sa sarili ko na kahit sino
ay hindi ako pwedeng bastusin na lang."
Naglalakad siya sa my bukid ng biglang my humila sakanya..........
BINABASA MO ANG
Hell Office
HorrorAnong gagawin mo kung ang mismong pinag ta-trabahuhan mo araw araw ay syang magdadala sayo ng kakaibang karanasan?