KABANATA 8: LARAWAN

1K 5 6
                                    

Sa bahay nila Sir Ric......

Hindi makatulog si Rose ng gabing iyon dahil sa paninibago sa bahay na kanyang tinutulugan..

Gustuhin man niyang tawagan ang kanyang inay ay napag pasyahan na lang niyang

ipagpabukas na lamang dahil madaling araw na at baka magambala pa ang pagtulog ng kanyang nanay.. Lumabas na lamang siya ng kwarto upang kumuha ng tubig..

Lumabas siya na madilim ang buong bahay, Agad niyang inilawan ang switch ng ilaw upang magkaron ng liwanag ang bahay. Nag tungo agad siya sa kusina.

Bubuksan na sana niya ang ref upang kumuha ng tubig ng biglang may narinig siyang alingasngas na animoy may parating na tao..

Agad siyang nagtago sa ilalim ng lamesa upang hindi siya makita ng tao.

Narinig nya ang yabag ng isang taong papalapit sa lamesa.. Pinilit nyang pigilan ang kanyang

pag hinga upang hindi siya marinig.

"Lumabas ka na diyan, at wag ng mag tago..."

Malakas ang kabog  ng dibdib ni Rose sa sinabi ng isang lalaking pamilyar ang boses..

Hindi niya alam kung paanong nalaman ng lalaking iyon na nagtatago siya sa ilalim ng lamesa..

Huminga muna siya ng malalim bago niya napag desisyunan na lumabas na..

Handa na sana siyang lumabas ng may isang lalaking nagsalita mula sa pintuan ng kusina.

"Dad... Hindi ko sinasadya...."

Napaatras siya sa narinig sa isang pamilyar din na boses...

"Hanggang ngayon, wala ka pa ding silbi!!!. Galit na galit na sabi ng lalake sa may tabi ng lamesa.

Naramdaman naman niya ang yabag ng lalaki sa may pintuan na naglakad patungo sa may sala.

Habang si Rose naman ay gustong gusto makita at makumpirma kung tama nga ba ang hinala niya kung sino ang dalwang lalake na nag uusap.

Naramdaman na lang niya na pinatay ng lalake ang ilaw at saka umalis.

Naghintay pa ng ilang sandali si Rose at saka umalis sa ilalim ng lamesa.

Nagtungo na siya sa sala, sa pag nanais na makita pa ulit ang dalawang lalaki na nag uusap.

Ngunit madilim ang sala at tahimik na tahimik dahil sa madaling araw na at tulog na mga tao.

Naalala niya na hindi pa nga pala niya nalilibot ang buong mansyon ni Sir Ric.

kaya naman napag pasyahan niya na mag libot libot sa buong bahay.

Umakyat siya sa hagdanan hanggang marating niya ang ikatlong palapag..

Meron lamang itong isang silid.

Sa sobrang dilim ng paligid ay hindi niya makita kung malaki ba o maliit ang silid.

Dali dali siyang pumasok sa silid at nagulat sapagkat napaka liit lamang pala ng silid na iyon..

Naubo ubo pa siya sa dami ng alikabok na animo'y walang tao ang nagpupunta doon.

Binuksan niya ang ilaw sa pamamagitan ng paghila sa isang tali na nasa taas ng dingding.

Pagbukas ng liwanag ay tumambad sakanya ang napaka raming gamit at damit ng mga babae.

Meron ding mga bag, sapatos na puro alikabok..

kinuha niya ang isang bag na puros alikabok. Pinagpag na lamang niya ito para matanggal ang makakapal na alikabok.

Kinapa niya ang laman ng bag at mayroon siyang nakitang lumang wallet...

Binuksan niya ito at nakita ang isang larawang ng babae na naka suot ng bestida.

Black and white ang larawan at halatang luma na dahil kupas na ito at puno na rin ng alikabok.

Pinunasan niya ang larawan at nakita ng maigi ang muka ng babae...

Hindi niya matandaan ngunit alam niyang nakita na niya ang larawan na ito..

Tinitigan pa niya ng ilang beses ang larawan upang isipin kung saan ba niya nakita ito, at kung sino ang nasa larawan.

Suko na siya sa pag iisip kaya tinignan na lang niya ang likurang bahagi ng larawan..

Nagulat siya ng may nakasulat pala salikod ng larawan..

"Rinalisa 1966"

----------------------------------------------------------------------------------------

Itutuloy...

A/N:

Please keep on reading.. many many thanks!!!

Hell OfficeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon