KABANATA 4: PAGPAPARAMDAM

1.4K 7 1
                                    

Narating na nga nila Rose ang kanilang bahay, pasado 9:00 na ng sila’y makarating.

Ngunit tulala pa din si Rose at hindi pa din makalimutan ang binulong ng babae sa kanya.

Mr. Ric: Rose ito na ba ang bahay niyo?

Rose: opo Sir papasok pa po dun sa my eskinita, pero dito na lang po ninyo ako ihatid. Salamat po ng marami Sir.

Si Mr. Ric naman ay nagmamasid sa lugar na para bang nakarating na siya sa lugar na iyon.

Mr. Ric: Sige iha, mauuna na ko.

Rose. Mag ingat po kayo Sir, Salamat po.

Pumasok na ng bahay si Rose at si Mr. Ric naman ay naka alis na din.

Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nakita nya ang kanyang Mama na nakahandusay sa sahig.

Putlang putla ang mga labi nito. Puti na lamang ang makikita sa kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang buong katawan.

AAAAHHHHHHHH!!!!! MAAAAMAAAAA!!!! Takot na takot na sigaw ni Rose.

Nagulat siya ng my pumasok sa kanilang pintuan.

Hell OfficeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon