Napasigaw siya dahil sa pagka bigla dahil sa paghila sakanya.
Paglingon nya ay nakita nya si Polo ang humila sakanya.
Anu ba!!! Bakit mo ba ko hinihila?!!!
Eh bakit ang sungit mo?
Anong pakialam mo?!!! Ska bkit ka ba nandito,isusumbong kita kay Ate!
Pagkasabi noon ni Rose ay akmang hahalikan siya ni Polo, ngunit bago pa man dumampi ang
kanyang labi ay nasampal na ito ni Rose.
Kapal ng muka mo!!! Pangalawang beses mo na tong ginawa saken!!
Teka lang, gusto lang naman kita makilala…. Dapat pala ikaw na lang ang niligawan ko..
Nag init ang ulo ni Rose sa narinig kung kaya sinampal nya ulit ito at ska pumasok na bahay.
Nagulat si Rona nang magkasunod pumasok ng bahay sina Rose at Polo.
Oh, Polo akala ko ba ay titignan mo lang ang mga tanawin dito sa amin? Nakita mo ba si Rose sa may labasan?
Ahh,,,,,o-oo nagkita lang kami ni Rose dyan sa may labas, papasok na din kasi xa dito sa bahay
Kaya sumabay na ko.
Hindi na lang umimik si Rose at nagpunta na lang sa kanyang kwarto......
BINABASA MO ANG
Hell Office
HorrorAnong gagawin mo kung ang mismong pinag ta-trabahuhan mo araw araw ay syang magdadala sayo ng kakaibang karanasan?