4.Sad day

12 2 0
                                    

*Chover POV*

Nandito na kami sa airport kasama ko si mama at si papa
Hinihintay nalang namin mag 7:00 dahil ito yung oras ng flight namin
Malungkot ako kasi mapapalayo ako sa bestfriend ko
Ito na siguro ang pinaka malungkot kong araw dahil ito yung araw na iiwan ko muna ang Pilipinas kasabay ng pag iwan ko din sa taong napakahalaga sa buhay ko
Ipapangako ko na sa pagbalik ko magiging matapang na ako

Napahinto ako sa pag iisip ng marinig ko ang boses ni mama

Nak ok ka lang ba?? - tanong sa akin ni mama ng may pag aalala

Oo naman po ma ok lang ako 😀- sagot ko habang nakangiti

Ang lalim kasi ng iniisip mo eh anak kaya akala ko hindi ka ok - malungkot siyang tumingin saakin

Ma iniisip ko lang po yung mga trabaho kong maiiwan 😀 - ngumiti ulit ako kay mama

Ah ok kalimutan mo muna yung trabaho ang kelangan nating isipin yung gumaling agad si papa mo - sabi ni mama

Ok po ma- sagot ko na nakangiti
Kelangan kong magpanggap na ok lang sa akin ayaw ko naman kasing pati ako pinuproblema niya

Siya nga pala si Mrs.Diane Alvares Clinton mabait kong ina
Sobrang napaka supportive niyan sa akin kaya naabot ko agad yung mga pangarap ko hindi man kami mayaman noon pero dahil sa kasipagan nilang dalawa ni papa gumanda yung buhay namin nagkaroon kami ng mga malalaking negosyo at kompanya

Ang aking papa naman ay si Mr.Jacob Clinton siya ang namamahala dati sa kompanya naming WSC dahil sa maysakit na siya kaya si mama na ngayon ang namamahala
Malakas pa naman si mama kaya siya daw muna ang gagawa ng trabaho ni papa
Ayaw ko kasing bitiwan yung pagiging photo joirnalist ko dahil masaya talaga ako sa trabahong yun naiintindihan naman ako nila kaya di ako umaalis sa trabaho ko
Kung saan daw ako masaya go lang
Pero ngayon aaminin ko napaka lungkot ko
Namimis ko na nga agad si Shaki kahit di pa ako nakakarating sa state

Iniisip ko palang na magkakalayo kami parang nanlalambot na ako
Panu na kaya kung nasa state na ako

Bigla namang nagsalita yung announcer sa airport

Kaya agad na kaming sumakay ng eroplano

Goodbye Philippines ...
Goodbye Shaki....

Babalik ako...

I Hate You But I Love You ( Jhemiejhess Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon