10. First Day

0 0 0
                                    

              *Danver POV*

Dahil nga sa pagod na pagod kaming tatlo at siyempre puyat na rin napag isipan na namin magpahinga.
Kilala niyo naman siguro kung sino ako kaya hindi na ako magpapakilala sa inyo .

Mukhang napasarap ang tulog ko kaya 9:12 pm na ako nagising late na kasi ako natulog kanina kaya siguro late na din ako nagising. Nagpasya akong pumunta sa kusina dahil nakaramdam ako ng matinding uhaw tinatamad akong buksan yung ilaw kaya diko na binuksan tutal iinom lang naman ako .
Walang kuryente dito kasi na sa gubat kami kaya ang gamit lang namin ay generator sapat naman ang enerhiya nito para makapag produce ng liwanag tsaka pwede din naman kami makapag charge ng cp oh kahit manuod ng tv pero dahil nga walang tv din dito at kahit cp ko hindi ko pwedeng gamitin baka kasi matrack kami ng mga HIMAPA alam niyo naman siguro kung sino sila??

Habang umiinom ako ng tubig may narinig akong sumigaw na babae sa tingin ko galing ang sigaw sa likuran ko

Waaaaaaahhh!!!! May magnanakaw!!!!!-- tili ng isang babae na kilala ko at hindi nga ako nagkakamali boses yun ni  ms.Shakira
tsaka sinong magnanakaw ang sinasabi niya at ilan pang segundo may narinig akong mga nagtakbuhan papunta sa lugar na ito kaya binuksan ko na yung ilaw.

Nagulat naman ako sa mga nakita ko lahat ng mga kasama namin sa lugar na ito ay nandito at lahat sila may mga hawak na baril at talagang magnanakaw ang akala nila.

Woooaaahh!!! Kelan pa naging magnanakaw ang poging tulad ko???---- sabi ko habang nakataas ang dalawa kong kamay mahirap na baka paputukan nila ako

D Danver !!-- sabi ni ms.Shakira kitang kita sa kanya ang pagkagulat
tiningnan ko naman si Edward na mukhang pinipigilan yung tawa at si Raffy na seryuso lang sa isang tabi habang nakakunot ang nuo nito na nakatingin sa akin

Yes ako nga uminom lang ako ng tubig dahil nauuhaw ako ---paliwanag ko
Nakita ko naman na nag alisan na ang iba naming kasama na napakamot nalang  sa kani kanilang batok.
May mga narinig naman akong bulungan
Akala ko talaga nilusob nanaman tayo --- sabi nung isang babae

Oo nga eh --- sagot naman ng kasama nitong babae .

Bakit kasi hindi ka bumubukas ng ilaw ??hahaha!!!--- natatawang sabi ni Edward
Tumingin naman ako kay ms.Shakira nakita kong nakayuko ito at mukhang hiyang hiya hindi nga makatingin sa akin at sa iba pang nandito.

Kelan pa naging magnanakaw ako ???--- tinuro ko yung sarili ko habang nakatingin kila Raffy at Edward

Sa susunod Danver magbubukas ka na ng ilaw ha pati tuloy ako kinabahan sayo.---- sabi naman ni ka- Andong habang napapailing nalang nandito rin pa pala silang magsawa pero agad namang pumasok din ito sa kwarto nila.
Hindi naman takot sa laban ang mga ito pero siguro dahil narin sa mga nangyari sa buhay nila kaya masyado sila ngayong over protective.

Tumatawa parin si Edward papunta sa kwarto niya at nagpasya na rin akong mag paalam kila Raffy at ms. Shakira na nakatayo lang kaya iniwan ko na at pumasok na rin ako sa kwarto ko.

        *Raffy POV*

Pagkaalis ng dalawa kong kaibigan tiningnan ko si Shakira nakayuko lang ito na parang bata na nakagawa ng malaking kasalanan. Sa totoo lang naiinis ako sa pagiging tanga niya kung hindi sana siya sumigaw ng magnanakaw hindi sana maiistorbo ang iba naming kasamahan pati tuloy ako naisturbo sa isang maling akala ng isang babaeng patay gutom na ito.

Tumalikod na ako sa babae at nagsalita
Sa susunod kasi ingatan mo ang mga salitang lalabas sa bunganga mo ng walang katiyakan muntikan na nilang mapatay yung kaibigan ko dahil sayo!!------ pagkatapos kong sabihin ang mga iyon pumasok na ako sa kwarto ko  hindi ko na nga hinintay sasabihin niya at wala naman akong paki alam kung anu man sasabihin niya.

Alam kong masakit yung mga nabitawan kong salita pero wala akong paki alam lalo na sa babaeng tatanga tanga katulad niya. Humiga na ako sa papag wala naman kasing kama dito sa totoo lang kasi sanay na ako matulog sa mga ganitong papag dahil na rin siguro sa trabaho.

*Shakira POV*

Naiinis man ako sa mga sinabi niya sa akin pero deserve ko talaga marinig yun bakit kasi di ko muna sinigurado kung magnanakaw ba talaga ang nasa kusina nakakahiya tuloy sa mga ibang kasama namin.

Humiga ako sa kama habang iniisip parin yung nangyari kanina kaya niyakap ko na lang yung unan ko sa inis at naiinis pa ko sobra.
Tumayo ako para itapon ang unan sa pintuan dahilan na tumunog ito dahil sa lakas ng bato ko.

Nakakainis!!!! Nakakainis !!! ---- sinasabi niya habang binabato ng unan ang pintuan wala siyang paki alam kung sino yung nasa katabi niyang kwarto dahil sa inis niya

Nagulat siya ng magbukas ang pintuan ng kwarto niya at niluwa nito ang isang mayabang na unggoy na si Raffy

Kung ayaw mong matulog pwede magpatulog ka naman!!!---- mahinang sabi ni Raffy pero madiin ito na parang galit na

Paki alam mo ba?!!!--- sagot niya sa lalaki at inirapan ito

Kung hindi ka titigil baka pagsisihan mo !!!!----- banta ng lalaking nasa pinto  nakatingin ito sa kanya ng masama

Ang lakas naman ng loob niya para pagbantaan ako kahit lalaki siya di ko siya uurungan pero dahil na rin siguro na gusto na niyang umalis yung lalaki sa kwarto niya kaya tumahimik na lang siya at hindi na sumagot.

Nakita naman niya na sinarado na nung lalaki yung pintuan niya at sa tingin niya pumasok na ito sa kwarto nito kaya sinabunutan nalang niya ang sarili niyang buhok dahil inis na inis parin siya lalo siyang nainis na makita ang lalaki na nagsalita sa kanya kanina ng napakasakit.

Unang araw ko pa lang sa lugar na ito ang pangit na agad ng mga nangyari!!!---- naiinis niyang sinasambit sa sarili niya.

Dahil 10:00 pm pa lang ng gabi kaya natulog na siya ulit ..




(A/N)
Nakakainis talaga ang sama ng ugali ni Raffy !!! Ganyan din yung nakaaway ko dati
Guys yung mailan ilan na pangyayari dito kinuha ko sa mga nangyari sa akin dati pero hindi naman lahat

Thankyou^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate You But I Love You ( Jhemiejhess Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon