7.Secret Agent

2 1 0
                                    

*Author*
Makikilala niyo na si Rafael haha excited na ako ...
Note:
Ang lahat ng mga nangyayari sa chapter na ito ay walang katotohanan mula lang po ito sa malikot kong isipan

         * Rafael POV*

Ako si Rafael Clifford 19 years old
Mula ako sa pinaka mayaman na pamilya pero kunti lang ang may alam nun .
Tinatago ko ang tunay kong pinagmulan dahil ayaw kong mapahamak ang mga mahal ko sa buhay dahil sa trabaho ko

Isa akong secret agent siguro naman naalala niyo pa na nabanggit ako ni Mrs.Falco habang nakikipag usap sa isang babae
Dahil ako ang kinuha niya para mabantayan ang kanyang news caster sa pagtupad ng trabaho nito

Tatlo kami ditong secret agent
Ako at ang dalawa kong kaibigan sila ang mga kanang kamay ko magagaling din sila lalo na sa pag iimbestiga o anu mang pakikipaglaban
Mamaya ipapakilala sila sa inyo
Di kasi ako pwedeng mauna at baka magalit si Author

Nandito kami sa kampo ng NPA
Sila ang mga NPA na handang makipagpatayan sa pamahalaan kung mali na ang pagpapalakad ng mga ito pero sila din ang mga NPA na handang tumulong kung ang pamahalaan ay nalulugmok na kaya ibang iba sila sa lahat ng NPA na nalalaman niyo

Lilinawin ko lang po yung sinabi ni Mrs.Falco sa babae
Hindi po basta basta pumapatay ang mga NPA na kasama ko kung walang mabigat na dahilan

Malamig akong makitungo sa ibang tao dahil na rin siguro sa trabaho ko
Galit at inis na inis ako sa lahat ng babae oo ngayon wala parin akong nagiging girlfriend dahil ayaw ko nga sa babae
Kung anu ang dahilan kung bakit galit ako sa mga babae malalaman niyo din yan pero hindi pa ngayon

Nagpapahangin ako dito sa labas dahil nag iisip ako kung panu ko papakitunguhan yung news caster na babantayan ko
Babae siya at ayaw ko sa kanya pero hindi ako bakla ha basta ayaw ko lang sa babae

Maya maya lumapit sa akin si Carl Danver Smith isa siya sa mga kaibigan ko half Pilipino at half american

Bro ! Ang lalim yata ng iniisip mo ha?? Tanong niya sa akin

Wala akong iniisip nagpapahangin lang -- malamig kong sagot  na hindi man lang tumitingin sa kanya

I see -- sambit niya

Naghahanda na sila sa pagdating nung news caster
Yung iba nagluluto ng masarap na ulam at yung iba inaayos yung tutulagan nung babae --- sambit niya ulit habang nakangiti

Tsss..anu yun princessa?? - inis kong tanong

Princessa kung maganda pero kung hindi siguro tama na yung salitang pakikisama
Sana naman maganda at sexy haysst nauuhaw na din ako sa babaeng magaganda eh dito kasi sa bundok walang ganun puro matatanda na babae lang -- nakanguso habang sinasabi niya yan
Isa ito sa mga no.1 babaero sa buong mundo hindi ba siya nangingilabot sa mga pinagsasabi niya

Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi niya dahil wala ako sa panahon lalo na sa usapang puro babae

Para namang wala akong kausap dito
Magsalita ka naman Raffy para naman hindi ako nagmumukhang tanga dito -- reklamo niya .
Raffy ang tawag nila sa akin dito dahil mahaba daw ang Rafael

Wala akong panahon sa mga babae -- malamig kong sagot at tumalikod na sa kanya para pumasok na sa kubo kung saan nandoon din ang iba naming kasama

Kj!!!!!! --sigaw niya
Hindi ko naman na siya nilingon at  tuloy tuloy lang akong pumasok sa loob

Wala akong pakialam lalo na sa mga babae...


I Hate You But I Love You ( Jhemiejhess Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon