8.Meet the 3 boys

2 2 0
                                    

Note: Ang lahat ng mga pangyayari sa chapter na ito ay walang katotohanan kung may pagkakahawig o pagkakatulad sa nangyayari sa totoong buhay ay di ko sinasadya kundi nagkataon lamang
^^Thank you ....

*Shakira POV*

Nakahanda na lahat ng mga gamit ko sa pag alis
Hinihintay ko na lang dumating yung magsusundo sa akin na inutusan ni Mrs.Falco

Nakaupo ako dito sa sofa ng lumapit sa akin sila Silyn at Shirl
Nakauwe na sila dito sa bahay kaya kasama ko silang dalawa ngayon

Shaki mamimis ka namin pagnandoon kana sa ibang bansa alagaan mo ang sarili mo ha ----malungkot na sabi ni Shirl at niyakap ako ganun din naman ang ginawa ni Silyn kaya naggroup hug kaming tatlo
Mamimis ko yung lagi kaming nagbabangayan

Mamimis ko din kayo don't worry lagi kong iingatan sarili ko at kayo din ha laging mag ingat dito - maluha luha na ako habang sinasabi sa kanila yan di ko kasi alam kung kelan ako makakabalik o baka naman hindi na ako makabalik kasi doon na ako mamatay

Maya maya may narinig na akong tunog ng isang sasakyan na paparating
Lumabas na ako para tingnan kung ito na nga ang sundo ko
Lumapit sa akin ang isang lalaki na sa tingin ko na sa 50's na ang edad

Maam,pinabibigay po ni Mrs.Falco - sabi ni manong driver habang inaabot sa akin yung isang brown na envelope

Thank you po --- kinuha ko na yung envelope at binasa
Nakita ko dito ang isang kasulatan na ang kompanya namin ang malalagot kung sakaling may mangyari sa aking masama
Tinigil ko muna yung pagbabasa at tinago na muna sa loob ng envelope yung mga kasulatan at iba pa saka ko na muna babasahin pagnandoon na ako

Nakita ko si manong driver na isa isang nilalagay yung mga gamit ko sa loob ng taxi
At ng mailagay na lahat ni manong driver ang mga gamit ko nagpaalam na ako kila Shirl at Silyn

*Edward POV*

Sa wakas mapapakilala ko na din ang sarili ko
Ako si Edward Rouger 19 years old isa sa mga kaibigan ni Rafael Clifford
Sa aming tatlo ako lang ang gwapo
Sabihin na nating pinakagwapo
Dahil lahat ng babaeng nakikita ako ay nagkakagusto sa akin at nagkakandarapa sa ka gwapohan ko

Oo lahat ng tumitingin sayo ay nadadapa Haha✌ author naman eh mamaya ka na sumingit POV ito ng pinakagwapong tulad ko mamaya na author

Kung tatanungin niyo physical appearance ko hot, handsome ,awesome at siyempre mabait
Kung gusto niyong hingiin yung # ko ibibigay ko sa inyo 09-----

Edward pag di ka tumigil tatanggalan na kita ng POV
Author sorry na hehe mamaya nalang guys andyan si author baka matanggalan ng POV yung gwapong tulad ko

Kasama ko ngayon sila Rafael Clifford Danver at Carl Danver Smith tawag ko sa kanila ay Raffy at Danver

Nandito kasi kami sa isang lugar kung saan hinhintay namin yung pinadalang news caster dito ni Mrs.Falco
Si Mrs.Falco din ang kumuha sa amin para bantayan yung news caster pero hindi lang pagbabantay ang trabaho namin kundi imbestigahan ang lahat ng mga tinuturo sa amin ng mga NPA na kasama namin sa kampo sila ang tumutulong sa amin para imbestigahan ang mga ito
Isa ito sa mga kaaway ng pamahalaan ang HIMAPA NPA sila yung mga gumagawa ng mga karumaldumal at pumapatay ng mga inosenteng tao
At ang tawag naman sa NPA na sinasamahan namin ay KAPATID NPA
Na pinamumunuan ng mag asawang Ka-Andoy at ni Ka- Rosa
Sila ang mga tumutulong sa pamahalaan para sugpuin ang HIMIPA dahil sa walang takot nitong mangbihag ng mga inosenteng mayayaman kahit simpleng tao di nila pinapatawad

9:30 na ng gabi naririnig na namin ang mga maiingay na kuliglig

Si Raffy tahimik lang nakatayo lagi lang naman yan tahimik masalita lang kung may pag uusapan tungkol sa trabaho
Katabi ko naman si Danver na nakasandal sa unahan ng kotse ang gamit naming sasakyan ay yung kotse ni Raffy

Sana maganda at sexy yung news caster -- sambit ni Danver habang nakatingin sa langit anu yun naghihiling siya ?

Kung maganda yun at sexy malamang ako yung papansinin nun dahil sa gwapo kong mukha --- sabi ko habang nakangisi mas gwapo pa naman talaga ako kaysa sa mukong nato
Sabi ko naman sa inyo ako yung pinakagwapo sa aming tatlong magkakaibigan

Para namang papatulan ka nun eh mas gwapo pa nga ako sayo --- sabi niya habang nakangiti na nang aasar

Hahaha!!!gwapo ka?????!!!!hahaha --- tawa ko sa kanya na may panglalait

Anung nakakatawa ??kung tutuusin ako naman talaga ang may gwapong mukha ---- pagmamayabang ni Danver

Unggoy lang papatol sayo bro .---- pang aasar ko sa kanya

Mas unggoy ka pa nga hahaha---- pang aasar din ni Danver

Fuck!!!what did you say???? Unggoy ako ???!!! ---asar kong tanong sa kanya

Hey!!!! Kung di kayo titigil magpatayan nalang kayo !!!!---- sigaw yan ni Raffy naiinis na siguro sa amin
Kapag siya na kasi ang sumisigaw galit na yan at mas nakakatakot yan pag galit kaya kahit wala sa loob namin ang tumahimik tatahimik na lang kami

Nabalot ng katahimikan ang paligid namin nakakaboring naman kapag ganito tahimik buti nalang dumating na yung hinihintay namin

Isang taxi na sasakyan at may bumaba na isang may edad na lalaki at binuksan ang pinto ng isang pasaherong babae
Siya na siguro yung babaeng babantayan namin nakita namin na bumaba yung babaeng maputi kahit gabi na kitang kita ko parin yung kaputian niya
Tiningnan ko naman yung mga kaibigan ko kung nakatingin si Danver lang nakikita kong nakatingin sa babae na ang lawak ng ngiti si Raffy naman ay anu pa ba siyempre nakayuko na nakasimangot wala naman kasi yan kainterest interest sa babae kung di nga namin ito kilala mapag iisipan na namin na bakla ito

Tumingin na ako sa babae na ngayon papalapit na saamin
Nakita ko agad yung mala anghel niyang mukha yung mga mata niya na nang aakit at mga labi niyang mapupula na hindi napalampas ng mga mata ko para tingnan nang aakit ito na halikan siya
Hay naku anu ba itong naiisip ko nahahawa na ako sa kabastusang isipan ni Danver
Di ko akalain na sobrang ganda pala ng babaeng ito mas maganda pa sa iniisip ko

Sexy! --- sabi ni Danver see katawan agad ang una niyang napansin
Hay naku manyak talaga

Parang ang bagal ng oras habang lumalapit sa amin yung news caster
Di ko namalayan na nasa harapan na namin siya

Hi a.ako nga pala si Carl Danver Smith --- masayang pagpapakilala ni Danver doon sa babae

Hello ako nga pala si Shakira Gartoon -- tugon ni Ms.Shakira na nahihiya ang ganda naman ng name niya bagay sa maganda nuyang mukha nakipag shakehand siya kay Danver

At siya naman si Rafael Clifford kaibigan ko ---si Danver habang nakangiti tiningnan lang ni Raffy si Ms.Shakira na walang ka emosyon emosyon

At siya naman si Edward Rouger --- nakangiting sabi ni Danver na nakatingin sa akin
Tumingin naman sa akin si Ms.Shakira ngumiti din ako sa kanya

Hi ---nasabi ko lang na medyo pa nahihiya haysst bakit ba ako nahihiya eh gwapo naman ako

Hello Edward --- sagot niya sa akin na nakangiti at mas lalo siyang gumanda dahil nakangiti siya

At sumakay na kami sa kotse
Ako yung nagdadrive at katabi ko si Ms.Shakira si Raffy naman at si Danver ang magkatabi sa likod tahimik lang kaming lahat

*Anu kaya ang papel nila Danver ,Edward at Raffy sa mission ni Shakira alam natin na silang tatlo ang tagabantay ni Shakira pero anu pa ba kaya ang magiging rule nila????

*thank you*..







I Hate You But I Love You ( Jhemiejhess Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon