PROLOGUE:
Sawa ka na ba maging sunod-sunuran?
Di mo na ba maatim ang maitim na kilikili ng iyong kaibigan? Joke.
TAKE TWO.
Sawa ka na ba maging sunod-sunuran?
Di mo na ba maatim ang maitim na budhi ng iyong kaibigan?
Tanga ka ba? Edi iwanan mo! Shonga ne’to. Chura mo.
Harsh ba? Bakit susunod ka ba kung ib-baby talk kita? Malaki ka na, dapat kayanin mo na.
Dahil ang tunay na mundo madaming makakasakit sayo. Kung iyan lang di mo kaya. Mahina ka. Talo ka.
Matuto kang lumaban. Kasi sa totoong mundo, ikaw ang prey at sila ang predators. Mamamatay ka kung di ka lalaban, mamamatay ka kung hindi ka malakas.
Sa mundong ‘to madaming mapagpanggap, madaming may itinatago. Madami kang hindi nalalaman. Mahirap magtiwala kasi di mo alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Sabi nga nila eh, “No matter how long you know someone, they will eventually show their true colors.”
Isa pa. Kapag nadapa ka, tumayo ka agad. Dahil kung hindi? Maaapakan ka nila.
Bakit di mo kami gayahin? Oo, kami. Kung sa movies eh, kami yung tinatawag na MEAN GIRLS. Mga tipikal na babae sa high school. Pero wag ka agad manghusga, kasi nga marami kang hindi alam.
Sa storyang ‘to malalaman kung bakit di ka dapat nagtitiwala agad. Kung bakit hindi ka dapat magpaimpluwensiya sa iba. Kung paano mo dapat ituring ang isang kaibigan. At kung paano mo pakisamahan ang taong may dapat pagbayaran.
Revenge? Oo, madaling mag-plano kung papaano. Pero ang tanong ay, magagawa mo?
Basahin mo kung paano namin sa storyang ‘to na, “Action speaks louder than words.” Wag kang puro dada, kumilos ka.
I, Skyerhaine Collins together with Frielle Ellisse Lee, Yurika Grey, and Kriane Kyungsoo wants you to hold on tight because we’re going on a rollercoaster ride of life.

BINABASA MO ANG
Mission: The Downfall of the Queen Bee
TienerfictieHalf truth, half lies. Better read this! :)