Chapter four

91 1 0
                                    

The one the‘y love..

“Ah, yeah. Ganda nya diba? Di na ko magtataka kung paano ako nafall sa kanya ng di ko namamalayan..” sabi nya.

“Well, oo ang ganda nga nya. Kaso taken na bro eh. Paano ba yan? Ikaw kasi ang tanga moh.. alam mo ng taken nagpafall ka pa? Matalino ka ba talaga? Ha?” nakangisi kong ani kahit ang sama-sama na ng tingin nya sakin.

“Aray ko! Ano ba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah..” mahina kong bulong sa kanya kahit sa totoo lang gusto ko na syang sigawan at batukan. Kinurot nya kaya ako sa tagiliran. Ang sakit kaya nun. Try nyo kayang magpakurot sa kapatid nyo.

“Tsk! Kasalanan ko ba kung sya ang mahal ng puso ko? Kasalanan ko bang di ko kayang hindi ko sya makita? Kasalanan ko bang mahal na mahal ko sya? Kasalanan ko ba kung di ako ang mahal nya kundi yung gagong boyfriend nya ang mahal nya na walang ginawang maganda kundi paiyakin sya?” naiinis nitong bulong sabay tayo. Sinundan ko sya nang tingin hanggang sa kung saan nakalagay yung mga wine. Kumuha sya ng isa baso sabay lagok nito. Walang labis, walang kulang. Kumuha pa sya ng isa saka pumasok sa loob ng mansion.

“Napano yun?” tanong ni ate jasmine habang nakatingin sa direksyong pinasukan ni sam.

“Ewan? Sge. Sundan ko lang muna sya.. Enjoy ka lang dito. Babalik din kami.” patay malisya kong ani sabay tayo na saka naglakad papunta sa direksyong dinaanan ni sam.

“Minsan kahit nasa harap mo na ang katotohanan, marami paring nagbubulagbulagan dyan sa pag-ibig na yan..” ani ko sabay upo sa tabi ni sam na ngayo‘y umiinom ng wine.

“Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para mapasaya ito kahit itaya mo pa sarili mong kaligayahan. Ganoon ang totoong magmahal..” ani nya sabay ngiti na halata namang pilit lang.

“I know.” sabi ko.

Mahabang katahimikan ang namayani samin.

Hay..

I became one of those, too. Nagmahal, sumaya at hanggang sa dumating ang point na nasaktan. Kahit ayaw pa nating umabot sa ganon.

Nagpakatanga para sa pag-ibig. Nagpakagaga, nagpakamartir. Masakit pero worth it. Alam mo kasing kahit masakit atleast tinry diba?

“Bakit?” ani nya na kinabigla ko.

“Anong bakit?” tanong ko dito.

“Bakit kayo naghiwalay ni dj?” tanong nya. Nagiwas ako ng tingin sa kanya at inalala ang mga nangyari 8 years ago..

10 years old pa lang kami nun. Alam kong sa murang idad may kakaibang nararamdaman na ko kay dj, Ang kababata ko. Alam kong mali dahil bukod sa mga bata pa kami nun ay maaari ring masira ang pagkakaibigan namin sa oras na malaman nya ang nararamdaman ko.

Pero isang araw, bigla na lang umamin si dj na may gusto sya sakin. Masaya. Sobrang saya ko nun. Mula ng araw na yun marami ng nagbago samin. Naging sweet kami sa isa‘t isa at lalo syang naging caring. Kahit nga sino nagtatanong kung kami daw ba. Sa isip ko, kung pwede lang nga. Pero hindi naman sya nanliligaw o ni minsan di nya ako tinanong kung pwede bang maging kami. Basta‘t ang alam ko ay parang MU kami.

“Masaya naman kayo nun ah. Ang sweet nyo pa nga eh. Alam mo bang nakakaingit kayo nun? Pinangarap kong magmahal. Pero ngayong nagmahal na ko, dun naman sa di ako kayang mahalin..” Sabi nya na pumutol sa pagbabaliktanaw ko..

“Yeah.” sagot ko.

“Magkapatid talaga tayo noh?——

“Parehong nasawi sa pag-ibig..” Sabay naming sabi. Nakatinginan kami. Napailing na lang kami sabay tawa ng malakas. Mga baliw talaga kami noh? Kanina nag-eemote tapos ngayon tumatawa.

LOVE Behind Our EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon