"Hindi. Wala akong alam sa nangyari. Nakita ko na lamang siya sa banyo na puno ng dugo." paliwanag ng isang kasamahan nila Trish sa loob ng dorm na tinutuluyan nilang magkakaibigan.
Si Trish, ang dalagang nakahilata ngayon sa may banyo. Duguan at wala nang buhay, nakasandal pa ang katawan niya sa sa may pintuan.
"Wala ka bang kakilala na merong galit sa kanya? Nakasagutan oh nakaaway bago nangyari ang krimen?" tanong ng imbestigador na kausap ngayon ni Jade.
"Wala po. Ang alam ko lang, nag-away sila ng boyfriend niya pero ang sabi niya po eh maayos na po yung problema nila." sagot naman ng dalaga. Nanginginig ito. Unang beses nya itong nakasaksi ng ganitong pangyayari.
"Kayong dalawa lang ba ang magkasama sa kuwarto?" tanong ulit ng imbestigador.
"Hindi po. Tatlo po kami. Katrina Dela Cruz po yung pangalan ng isa naming kasama dito. Wala po siya kasi gumagawa ng project sa bahay ng iba pa naming classmates." sagot ni Jade.
"Wala ka bang napansin na kakaiba bago ka umakyat sa unit niyo at bago mo makita ang bangkay sa banyo?" tanong ulit ng imbestigador.
"M-may... meron po akong napansin kanina bago ako umakyat ng hagdan." sabi ni Jade.
Agad agad naman nagbalik sa kanyang ala-ala ang nakita niya.
*Flashback*
Isang taong naka itim na jacket at halos matabunan na ang mukha ng kanyang suot na bonet ang nakasalubong ni Jade habang papaakyat siya ng hagdan. Muntikan na siya nitong mabangga sa sobrang pagmamadali sa paglakad na siya namang muntikan nang ikagalit ni Jade.
"Excuse me? Sa susunod po eh tumingin kayo sa dinadaanan niyo." mataray na sabi ni Jade sa nakabangga pero dire-diretso lamang itong lumabas ng building.
"Wierdo." sabi pa ni Jade.. at tuluyan na siyang umakyat papunta sa kanilang kuwarto.
"Ahhhhhhhhh!!!" Isang malakas na sigaw na lamang ang narinig ng mga tao doon. At doon nila nakita ang walang buhay na Trish sa banyo.
*End of flashback*
"Tama! Opo may isang lalaki po na nakasuot ng maitim na jacket at bonet kanina bago ako umakyat!" natatarantang sigaw ni Jade sa imbestigador.
"Namukhaan mo ba siya?" tanong sa kanya.
"H-Hindi po. Hindi ko po nakita yung mukha niya eh..." paliwanag naman ni Jade.
"Sige. Tatawagan ka na lang namin ulit kung may kailangan kami sa iyo. Salamat." at tumungo na ang imbestigador sa mga pulis.
Nanginginig pa din si Jade. Hindi niya inaasahan na may mangyayaring ganito. First time. Ito ang unang beses na may nakita siyang walang buhay na katawan... at kakilala pa niya. Hinding hindi niya malilimutan ang pangyayaring ito.
Sino? Sino ang gumawa nito sa kanya?