Find the Killer [2]

5.3K 111 21
                                    

"Katrina, kaibigan kita, hindi ba?" tanong ni Trish kay Katrina.

"Huh? Oo naman. Bakit mo naman natanong 'yan?" sagot nito kay Trish habang inaayos ang mga damit na nilabhan kanina lamang.

"Mapapatawad mo ba ako kapag nakagawa ako ng kasalanan?" tanong ulit ni Trish. Tinulungan na niya sa pag-aayos ng mga damit si Katrina.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Katrina sa kaibigan. "Paanong kasalanan?" 

"Halimbawa lang naman na nakagawa ako ng kasalanan, mapapatawad mo ba ako?" seryosong tanong ni Trish.

Lumingon-lingon naman si Katrina. Silang dalawa lang ni Trish sa loob ng kuwarto. Hindi pa nakakauwi si Jade galing sa Mall. Malamang kasama na naman nito ang kanyang nobyo. "Depende, ano bang kasalanan yun?"

Bumuntong hininga naman si Trish. "Hindi ko na kasi kaya. Punong puno na ako.." sagot nito.

Kumunot naman ang noo ni Katrina. Hindi niya naiintindihan ang mga pinagsasabi ni Trish. "Bakit mo ba tinatanong 'yan? Saka, anong kasalanan naman ang gagawin mo?" mahinang tanong ni Katrina.

"Sana 'wag kang magagalit Katrina. Ikaw lang ang pinagsabihan ko nito." sabi ni Trish.

"Huh? Ang alin ba?" gulong gulo na si Katrina. 

Ngunit imbes na sumagot si Trish, isang matalim na tingin at ngiti lang ang natamo niya rito.

**

"Katrina! Katrina, gumising ka!" sinipa-sipa pa siya ni Jade at ni Clint.

"Hm.. Hmmm.." wika niya. Napamulat ang kaniyang mga mata at nakita niya sina Clint at Jade na nakatingin naman sa kanya. Agad siyang tumayo at nahimasmasan. "A-Anong nangyari?" tanong niya dito.

"Anong nangyari? Di ba dapat kami ang nagtatanong niyan??" Sabi ni Jade. Nakasimangot na din ito.

"Ha?" tanong pabalik ni Katrina. 

"Ano bang nangyari? Bakit nakahilata ka jan sa may pintuan? Anong masakit? Saka bakit may narinig daw silang sigaw ha? Anong meron?" nag-aalalang tanong ni Clint. 

"H-ha.. w-wala.." sagot ni Katrina.

"Alam mo, tinawagan pa kami para lang matignan ka kung anong nangyari kasi may narinig daw silang sigaw galing dito sa kuwarto, tapos wala lang?" naiinis na tanong ni Jade. 

Tumingin naman si Katrina sa kaniyang paligid. Naroon nga ang katiwala sa building at ilang guard. "Hindi ko alam.. Bigla na lang akong.. nawalan ng malay.. Siguro, na.. nadulas lang ako kaya ako napasigaw" wika niya.

"Sigurado ka? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ng pinsan niya.

Tumingin siya kay Clint. Sasabihin ko ba? tanong niya sa kanyang sarili. Pero napabuntong hininga na lang siya at sinabing... "W-wala naman.." Hindi kasi siya sigurado sa kanyang nakita kanina.

"Hay nako, akala ko pa naman kung ano na ang nangyari..." Kinausap na ni Jade ang mga katiwala at humingi ng pasensiya sa abala.

Lumipas ang isang linggo, medyo nakakalimutan na nila ang nangyari kay Trish. Bumalik na din sa normal ang lahat. Abala na din sila sa pag-aasikaso para sa nalalapit na naman na enrolment. 

“Genine, ako na ang bahala dito. Huwag ka nang makialam.” Sabi ni Marcus kay Genine. Nasa likod sila ng building na parang indi pwedeng may makakita sa kanila. 

“Ang sweet sweet niyo nga kanina eh! Tingin mo ba hindi ako nasasaktan Marcus? Ano ka ba? Kailan mo ba sasabihin na may relasiyon tayong dalawa?” humalukipkip si Genine. Medyo mataas na din ang boses niya sa kairitahan.

“Ako na nga ang bahala doon..” paliwanag naman ni Marcus. Naisuklay na din niya ang buhok niya gamit ang daliri.

“Alam mo nakakainis na eh! Nawala nga si Trish na palaging buntot ng buntot sa iyo tapos nanjan naman yang maarte na si Jade! Ano ba ‘yan? Edi sana pati yan nasaksak na rin para wala na akong kaagaw sa iyo!” sabi naman ni Genine.

Napatingin naman ng masama si Marcus sa kausap. Nanliit na din ang mata niya dito. “Ano ka ba naman.. alam mo naman na trip lang ang lahat ng nangyari sa amin ni Trish. Ni wala ngang nakakaalam na naging kami hindi ba?” sabi naman ni Marcus.

Ang sinasabing boyfriend ni Trish at ang boyfriend ni Jade?

Hindi kayo nagkakamali. Iisa nga sila.

“Pero kapag hindi mo pa din hiniwalayan yang si Jade, Marcus.. ako na talaga ang gagawa ng paraan mapa sakin ka lang!” sabay walk out.

*Flashback*

“Grabe, I was so shocked na malaman kong nalipat sa section namin yung babaeng yun!” pag-iinarte ni Jade. Nasa canteen sila ngayon at kasalukuyang kumakain ng kani-kanilang lunch.

Kumpleto ang buong barkada at pinag-uusapan nila ang paglipat ng isang babae sa section nila Trish, Jade, Katrina at Genine.

“Haha.. Inis na inis ka naman kasi may maganda na naman sa room ano?” Tanong naman ni Clint.

“Ha! No way, ang ganda ganda ko noh..” sabi naman ni jade.

Napatingin naman si Genine kay Trish na sumisipsip sa juice niya. “Trish.. pwede ba tayong mag-usap?” bulong ni Genine kay Trish.

“Ah? O-oo naman..” Napatingin pa si Trish kay Katrina na nasa kabilang side niya. Agad na tumayo si Genine nung pumayag siya.

“Pupunta lang ako sa banyo guys..” sabay lakad ni Genine.

“A-Ako din pupunta muna ako ng banyo..” tumayo na din si Trish at sumunod kay Genine.

Agad naman na tumingin si Marcus sa dalawa. May kutob na siya na may pag-uusapan ang dalawa tungkol sa kanya. Napatingin din naman si Katrina.

Pagkapasok na pagkapasok ni Genine at Trish sa banyo, agad naman sinara at ni-lock ni Genine ang pintuan.

“A-Ano bang pag-uusapan natin?” Kinakabahang tanong ni Trish.

Tinulak naman ni Genine si Trish sa may pader at kinulong niya ito sa kanyang mga braso. “Alam kong may relasiyon kayo ni Marcus. Tama ba ako?” seryoso niyang tanong dito.

Nanlaki naman ang mata ni Trish at sumagot. “Ha? P-Paano mo naman ito nalaman?” 

Napatawa naman si Genine. “Tch. So inamin mo? Tanga mo ding sumagot eh."

"H-ha? Hindi--"

"Girl, obvious naman kaya huwag ka nang magmaang-maangan." matalim ang mga salita at tingin ni Genine kay Trish. “Alam mo bang ako ang nauna sa inyo ni Jade? Kung hindi lang malandi itong si Jade edi sana hindi naging sila ni Marcus! Eto namang si Marcus eh hindi mapakali kaya naman pinatulan si Jade.. tapos ikaw, pinagt-tripan ka lang niya tapos kumagat ka naman? Ano ka ba talagang tanga? Alam mo nan gang may relasiyon sila ni Jade eh pumatol ka pa..”

Hindi makasagot si Trish. Nagbabadya nang tumulo ang kanyang mga luha.

Bigla namang tinanggal ni Genine ang mga kamay niya na nakahawak sa pader at umayos nag tayo. “Nalaman ko nga pala na nag-away kayo ni Marcus. Huwag kang tanga ha? Pinaglalaruan ka lang niya. Sana naman pakinggan mo ang sinasabi ko bilang kaibigan na lang. ” ngumiti na parang aso si Genine. Lalakad na sana ito palabas ng banyo nang bigla siyang nagsalita... “OO nga pala, layuan mo na si Marcus para si Jade na lang ang p-problemahin ko. Kung hindi mo gagawin yun… Ako na mismo ang gagawa ng paraan para lumayo ka sa kanya..” umirap ito sa huling pagkakataon at saka na lumabas sa banyo.

Kinuom na lamang ni Trish ang kanyang mga kamao at nagpipigil ng kanyang galit at mga luha.

itutuloy...

Comment po please, pretty please?? :))

Find the Killer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon